Chapter 6

1.3K 49 1
                                    

"Introduce yourself."

Agad na salubong na tanong sa akin.

Ako naman ay may hawak ng mikropono.

Pinakagala ko ang paningin at tiningnan yung mga nandun.

Mga nasa pito sila.

Lumakas pa lalo ang kaba ko ng makita si Donny na nakatayo at inaayos ang tingin ko ay music sheet na nakapatong sa piano.

Sya pa yata ang tutugtog.

Ang set up ng audition ay nakaharap ako lahat sa judges and musicians. Bale nakatalikod ako sa audience side at nakaharap sa kanila.

Isang drummer, isang bassist, isang guitarist, at tatlong babaeng nakaupo na tingin ko ay ang judges ng audition.

And I know all of them.

Joao is the drummer.
Bassist is Inigo.
Three girls are Maris Racal, Gabbi Garcia and Janella Salvador. Sila ang mga sikat sa campus dahil sa mga talented talaga sila.

And the pianist, no other man, Donny.

Alam ko naman na member sya ng Trusted Voices pero nawala sa isip ko na makikita ko sya dito ngayon.

Ang grupong ito ang founder ng TV.

At may isa pa.

Si Jameson Blake na may hawak hawak na camera na tingin koy syang nagcocover ng auditions. He is a student of Bachelor of Arts in Film in Media Arts kaya no wonder na camera ang hawak hawak nya.

Back to earth.

"Marydale Entrata, 3rd year college in BS Tourism."

"Reason for joining?" Janella asked while raising her eyebrows.

"For scholarship." I answered honestly.

"Or for Donny?" Sabat naman nung Inigo at ngumisi pa nga. Yung Joao din ay ngumisi din.

Napatingin ako sa direksyon ni Donny na naka crossed arms at matamang nakatingin sa akin.

Hindi ko nga alam kung alam nya na kasama ako sa audition.

Basta ang labo nya.

"Shut up Inigo." Annoyed na sabi ni Maris.

"Easy there." Lingon dito ni Iñigo then he chuckled.

"Speechless by Naomi Scott huh and original key pa. That's very hard to sing ." Doubtful na wika ni Gabbi na nakatingin sa papel na hawak. Marahil ay yun ung form details ko ang tinitingnan nya.

"I can try." Lakas loob kong sagot pero ang totoo ay nanginginig na ako sa kalooblooban ko.

I like your Disney medley video audition." Maris complimented..

"I like your uniform." She added.

"Pandak ka kasi. Di ka pwede mag tourism." Pang aasar naman ni Inigo.

"Isa ka na lang sakin!" Banta na ni Maris sa nandidilat na mata.

"K, let's start!" Janella clapped at di pinansin ang pag iiringan nung dalawa.

Seconds after ay pumainlang na din sa ere ang tugtog na nagmumula sa piano.

Donny is indeed a talented man.

He looks so handsome while playing his thing.

Maybe inaral din ng mga musicians yung mga audition piece namin ngayon.

ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon