"Uyy Farrah, Picture!!" sabi namin ni Alieza ,Meriam, at Bob sabay pose sa baba nung chandelier.

"Eish. Andaya naman. Wala ako sa picture" at tinutok niya sa amin yung camera. Ayun, nagpapicture kami. Biglang dumating si Ricky at nakisali na rin sa amin. Pagkatapos naming magpapicture sa labas ng AVR ay nagpunta kami sa may cashiers office at nagpapapicture sa may bandang hagdanan nito. May mga christmas lights rin dun eh. Kaya natripan naming magpapicture rin doon.

Picture picture lang ang peg namin nang biglang tinawag sina Farrah, Aleiza, at Ricky ni Sir. Mga school officer mga kaibigan ko eh. Kaya kaming tatlo na lang nila Meriam at Bob ang natira. Naglakad lakad kami at nakita ang iba pa naming kaklase. Umupo kami sa school field at hinintay na formally, magstart na ang program. Pagdating ng six ng gabi. Nagdasal muna kami kasama ang iba ko pang kaklase nang...

*SHOOOOOOOOOONG*

"Waaaaaaw. Ang Ganda!!!!" sabay sabay naming sabi habang nakatingin sa langit at nakanganga. Buti na lang di tumulo laway namin at buti na lang di pinasukan ng langaw yung mga bibig namin. Pasensya na sobrang namangha lang. Nagsimula na kasi yung fireworks display. Manghang-mangha kami sa mga pumuputok na kulay sa langit. Nagpalipad rin kami ng mga lanterns. Ang ganda nilang tignan na habang lumilipad palayo at umiilaw sa madilim na langit.

"Annika, Picture tayo" yaya ni Micko sa akin. Unang una, nabigla ako sa presensya niya. Di ko kasi aakalain na yayayain niya ako magpapicture.

Nga pala, Si Micko ay crush ko (crush lang nga ba talaga)nung second year pa ako. Juniors na kami kaya medyo matagal tagal na rin ang panahon ang nakalipas. Pero sa tagal na panahon na yun,di pa rin ako nakakamove on sa kanya. Kaibigan ko kasi siya. DATI. Naging close kami nung naramdaman naming may similarities kami katulad ng pagkakaroon ng problema sa pamilya,hilig sa mga kanta ni Hayley at ng grupo nitong Paramore, basta magkavibes kami at pareho kami ng trip na napagkakasunduan sa buhay.

Sabi nila, ang unang nafafall ay ang LOSER. Naniniwala talaga ako dun. Nagkaroon ako ng pagtingin sa kanya at Oo, nagkaroon rin siya ng pagtingin sa akin. Sabi yun ng mga kaibigan niya. Siguro sobrang close lang kami kaya nahulog ako sa kanya. Pero...

"Everything that falls,gets broken"

Kaya ang nangyari, Sumemplang.

Naturn off daw siya sa akin kasi chismosa daw ako. Well,dala rin ng mga masasamang hangin or should I say, mga masasamang TAO sa paligid eh nasira yung "FRIENDSHIP" namin. Kaya ang naging resulta, di na kami naguusap ng madalas at di na rin masyadong nagpapansinan. Ako talaga yung Loser at broken. Nakamove on na siya agad eh. Samantalang ako, eto stuck in the moment at di magawang umalis sa mga alaala namin.

"O-o si-sige."nauutal ko pang sabi. Magpapakipot at magiinarte pa ba ako?? Syempre hindi nuh. Wala pa kaming picture together tsaka chance ko na to. Tinapat niya ang camera sa aming dalawa at pareho kaming nagpeace sign.

Grabe ah, nakakapanibago. Pinapansin niya ako ngayon. May nakain siguro ito na masama. Pero masaya ako kasi may picture na kaming nakapeace sign at nasali pa sa background namin yung fireworks at yung mga lanters na lumilipad sa likod.

(NP: Taylor Swift. Play niyo ang music sa side para mafeel ang scene ^______^)

"Uyyyy. Ayieee"narinig ko yung mga kantyawan ng mga kaklase ko na nakaagaw sa pansin ko.

Paglingon ko....

OUCH. Nasa harap ko nanaman. Everytime that he'll do his moves.. It always end up in front of my presence. Hindi niya ba alam na masakit? Manhid ba siya? Pektusan ko to eh. Alam mo ba kung ano na ang scenario ngayon??

Si Micko at si Sarrah (yung pinopormahan niya ngayon) nagpapapicture. Ansaya nilang nakatingin sa Camera na siyang nagpapalungkot sa akin.

Oo. Daydream ko lang yung kanina. Daydream pa ba tawag dun?? Gabi na eh. Tindi ko rin nuh, kung ano ano pa ang iniimagine ko. Talking about pain? Yung pinapangarap kong scenario, sa iba nangyari at iba ang nakaranas.

Ang tanga ko lang. At sa pagiging tanga ko, marami akong natutunan. 

Love is SACRIFICE.

You have to sacrifice your desires and feel the pain for that person to feel contented as well as happy.

Nagtataka rin ako eh. Bakit kung sino pa yung totoo magmahal, siya pa yung naiiwan??

Maybe God,reserves us for a better person when the right time comes. At hindi pa natin oras ngayon.

Pero ang pinakanatutunan ko sa lahat, FRIENDS are FRIENDS. Nothing more, nothing less. Baka masira lang kasi if you go beyond your limitations. Sana lahat ng mga pinapantasya natin mangyari nuh. But those are just our imaginations. In order for us not to be hurt and be disappointed, We Need to Open our eyes to reality.

One-shot storiesWhere stories live. Discover now