"Thank You po"

"Nagetethank you ka kasi mabaho ako?" nakakunot ang noong tanong nito.

"Naku hindi po. Nagtethank you po ako kasi winelcome niyo ako"

"Ahh mabuti na yung malinaw.. sige... ingat ka dyan kay Princess... buwakaw sa kwento yan... kaya dapat lagi kang may ready kapag hiningan ka niya... si Empress naman mukha lang laging menopause pero considerate naman yan sa deadline" bulong pa kay Akira nung "Queen" bago tuluyang lumabas sa silid.

Napatingin naman siya sa tinuro nung babae. Yung babaeng palangiti pala ang Princess. At yung masungit ang Empress. Well mukhang mag-eenjoy siya dito. Sana tumagal siya. Mukhang mga abnormal ang mga magiging boss niya eh.

Princess....Empress...Queen...

Mga Royalty pa pala yata ang mga boss niya. Sa pagkakaalam nga niya itong tatlo ito rin ang may ari ng buong kumpanyang iyon.

***

"Hoy Akira saan na lumipad ang utak mo?" marahang hampas kay Akira ni Allison.

"Nakakarami ka na Aly ah.. sasaktan na kita"

"Eh kasi naman nakarating na yata sa Mars yang utak mo eh.. kanina ka pa tinatawag ni Mae"

"Sorry naman" sabi ni Akira at nilapitan na si Mae para kunin ang tsekeng kabayaran sa kwentong ipinasa niya.

"Libre mo ako" ungot ni Allison kay Akira. "Kape"

"Kape na naman? Hoy Aly... ilang tasa ba ng kape ang tinitira mo sa loob ng isang araw ah? Lima?"

"Grabe ka naman... tatlo lang"

"Tatlo lang? Nila-lang mo pa yun ah. No wonder balak ng tubuan ng bubuyog yang mga mata mo. Ang kapal na ng eyebags mo eh"

"Eh kasi naman si Ms. Empress eh... minamadali na ako dun sa script na ginagawa ko. Kasalanan ko ba kung wala akong inspirasyong magsulat ngayon?"

"Hindi. Pero kasalanan mo kapag napending ang shooting ng pelikula dahil wala pang script ang kwento"

Napili kasing maging script writer sa isang TV network si Allison kaya naman ganun nalang ang pressure na nararamdaman nito. Buti pa si Akira paeasy easy lang ang buhay.hehe.

"Bigyan mo nga ako ng inspirasyon sis"

"Ako pa talaga ang hiningan mo ng inspirasyon ah. Magkape ka nalang. Libre kita"

"Good"

***

Sa isang coffee shop malapit sa Daydreamers Haven sila napadpad ni Allison. Madalas naman talaga silang tumambay dito para magkape lalo na kapag bagong sweldo. Bukod sa malapit lang sa office eh madami pang gwapo.

Katulad na lamang ng kaharap nila ngayon.

"Hello beautiful girls" bati ng may-ari ng coffee shop na si Chad.

"Hi Chad" bati rito ni Allison. Siya naman ay hindi ito binigyang pansin.

"Naku mukhang may topak na naman si Aki" pang-aasar ni Chad sa kanya.

Hindi na lang niya pinansin ang pang-aasar nito. Wala siyang balak patulan ang pang-aasar ni Chad sa kanya. Natawa naman si Allison sa kanila.

"Huwag mo nang asarin iyan si Akira Chad at baka magbago pa ang isip niyan ay hindi ako ilibre." Nakatawang sabi ni Allison bago bumaling sa cashier. "Isang hot brewed coffee sakin saka isang slice ng blueberry cheesecake. Si Akira magbabayad" order ni Allison sa cashier.

"Hoy! Usapan natin kape lang ang ililibre ko sayo" reklamo ni Akira sa kaibigan.

"Kuripot ka talaga. Isama mo na yung cheesecake"

Wala nang nagawa pa si Akira kundi bayaran ang inorder ni Allison.

"Ang gwapo ni Chad noh?" sabi ni Allison maya maya nang nakaupo na sila.

"Hmm.. pwede na" sagot niya habang nakatingin sa laptop niya. Libre wifi naman doon sa coffee shop eh.

"Alam mo Akira... hindi ko alam kung bulag ka ba o sadyang walang pakialam sa lalaki."

"Hindi ko lang type si Chad"

"Eh ano ba ang type mo sa isang lalaki?"

"Matangkad, maputi, suplado at tahimik...at syempre gwapo"

"Matangkad, maputi at gwapo naman si Chad ah. Maganda pa ang katawan"

"Well hindi siya suplado at tahimik kaya hindi siya pasok sa ideal guy ko"

"Abnormal ka nga" naiiling na sabi nalang ni Allison.

"Nagsalita ang hindi abnormal" nakatawang sagot niya.

"Mas abnormal ka. Pangalawa lang ako"

Hindi nalang pinatulan ni Akira ang pang-aasar ni Allison. Wala rin siyang mapapalang matino kapag pinatulan niya ito.

***

Daydreamers Series: Can I Still Call You Mine?Where stories live. Discover now