Kinaumagahan, dumilat ako dahil sa paulit-ulit na pumipintig sa pisngi ko, sumalubong sa akin ang dibdib ni ethan, si ethan pala iyon at tibok ng puso niya, napangiti ako dahil sa isiping ang sarap gumising na siya ang una kong makikita, parang hindi ko na hihilingin na matapos ang sayang nararamdaman ko na 'to, pinakatitigan ko ang mukha niya at saka ko siya hinalikan sa baba, bumalik ako sa pakikinig sa tibok ng puso niya.


"Hmm," ungot niya. Agad akong nagtago lalo sa dibdib niya. "I can feel your eyelashes, it tickles me," he said and kiss my forehead.


I bit my lower lip, unable to say a word. "Good morning, love," I greeted, I felt him smile.


"Good morning, babe,"


Sa totoo lang para sakin ang pinaka cringe na endearment is babe, I mean maganda ang endearment na to sa mga taong kayang dalhin at kayang bigkasin ng maganda pero may iba talaga na mapapapikit ka nalang sa sobrang cringe na nararamdaman mo pag sinabi nila.


I smiled, bumangon ako at naupo sa paanan ko, saka ko hinawakan ang dalawang kamay niya, "Gising na love, bangon ka na jan," hinila ko siya at tatawa tawa siyang bumangon at agad na ibinagsak ang mukha sa balikat ko.


"Let's cuddle, mamaya na tayo lumabas." He whispered while eyes still closed.


"Ethan, nakakahiya para sa mommy mo, sige na love, maghihilamos lang ako," he nod at saka binagsak ang katawan sa kama, natawa ako. Pagod na pagod.


Naghilamos ako at saka lumabas, napailing ako ng makita si ethan na tulog nanaman, bumaba nalang ako at tinulungan ang mommy ni sean sa pag hahanda ng agahan.


"Ate, goldieeeeeee," patalong bumaba si saul sa upuan at saka tumakbo payakap sa akin, sinalubong ko naman agad siya at binuhat.


Niyakap ko siya at pinugpog ng halik ang pisngi nakikiliti siya sa ginawa ko kaya tawa ng tawa ang bata. "Hello bebe ko,"


"Good morning po, Mrs. Monteverde," bati ko at ngumuti naman siya sa akin.


"Tita anasty is enough honey, or mommy, whatever you please," she smile at me.


Tumulong ako sa pag hahain, ayaw pa niya pero ako na ang nag insist, kaya nang matapos kasi ay umakyat ulit ako para gisingin si ethan.


Pagkapasok ko palang ay natutulog parin siya naka patong ang isang paa sa kabila at naka pamulsa sa bulsa ng hoodie niya, suot suot pa ang hood.


Lumapit ako sa kaniya at saka hinaplos ang noo niya, hinaplos ko ang ilong at pisngi niya, saka bumaba ang tingin ko labi niya, ang pula sarap halikan ni gago kaines naman.


"Baby? Good morning," hinawakan niya ang mukha ko at saka iyon pinanggigilan.


I pout at him, natawa naman siya sa itsura ko, bumangon siya at hinila ako patayo, niyakap ako mula sa likuran saka hinalikan ang balikat ko kahit wala namang balat na makikita doon dahil na hoodie ako. Nag-umpisa siya mag lakad habang nasa likod ko siya.


"Aysus kayong mga bata kayo! Aga aga nangiingit!" Asik ni tita anasty. "Wag kayo ganyan baka puntahan ko ang daddy mo at maging tatlo kayo," natawa kami sa sinabi ni tita.


Kumain kami habang nag ke-kwentuhan, grabe sa ilang beses kong kumain ng agahan ngayon lang ata ako naging masaya sa almusal.


"Kailangan mo ba talaga umuwi?" Tanong sa akin ni ethan, naka nguso at mukhang nag papakyut sa akin.


"Kailangan e, kagabi dapat umuwi ako nag paalam ako kay daddy na susundan kita sa airport pero yung matutulog sa dito hindi, kahit naman magkaaway kami at hindi kami nasa maayos na sitwasyon ay ayoko paring pag-alalahanin si daddy, sa grandma ko wapakels naman 'yon pero kay dad..." pinilit kong ipaintindi sa kaniya ang rason ko alam ko namang maiintindihan niya gusto ko lang na maayos niya iyong makuha at hindi mukhang wala akong pakialam na nag eexplain sa kaniya.


Unexpected Flight (Monteverde Series #1)Where stories live. Discover now