Oha! Winner sa pag gawa ng pangalan si Atobe-babes. Yun kasi ang kasunduan namin 3 days ago nung ipinacheck up niya ako na akala ko naman date namin. Bilang kupkop niya sakin nag offer ako kung ano ba ang kahit anong maitutulong ko sa kanya.  Ayun, pumasok sa isipan niya yan. Hindi ko talaga kung ano ang actual na magiging role ko maliban na nakasunod ako sa kanya all times.

Lumingon ako sa kanya tanda na tapos na ako magpakilala.

“That’s all. Carla, lets go.”

“Huh?” gulong sabi ko, hindi ba kami magklaklase?

“I said lets go! Sa office ko tayo.” Lito naman akong sumunod sa kanya. What the? Talagang hindi magklaklase ang isang to? Seryoso siya? At ipinakilala niya lang talaga ako sa klase niya ha?

“Hindi ka ba magkaklase?” tanong ko sakanya habang nakasunod ako sa kanya sa likod.

“Bat ako magkaklase kung napagaralan ko na yan?” walang lingon niyang sabi habang ako naman eh sumusunod sa kanya kung saan man siya pupunta.

Oo nga naman, bat nga naman niya kailangan mag-klase kung na… pag… a…

TETETEKA? PANO NAMAN AKO HA?

“Pano ako di ko pa naman napag-aaralan yang napag-aaralan mo…” napatigil siya sa paglalakad at ako naman eh muntik muntikanan ng mabangga sa masarap *ehem* mabangga sa likod niya. Humarap siya bigla…

At ayan ka nanaman. Tinutukso tukso ang aking puso~~~~ Isang malanding push lang dito magkakalips to lips na kami promise! Matagal ko ng pinangarap ang gantong eksena pero bakit? Bakit di ko magawang makagalaw at gusto na ni dear heart iluwa ko siya mula sa aking bunganga sa lakas ng pagkabog niya! Hiyang hiya naman ang kabayo sa ingay ng kalabog niya ah.

“Carla…”

Napalunok ako ng isang buong pitchel ng laway sa nerbyos ko sa kanya. Halo-halong kilig at kaba ang nararamdaman ko sa lapit naming sa isa’t isa. Delikado itong distansya namin. Gaya nga ng sinabi ko isang malanding push lang to.

“Y-yes?” halos hingal ko ng sabi, lalo kasing bumibilis ang tibok ng dear heart ko habang nagtatagal kami sa napakadelikadong distansya namin sa isa’t-isa.

 “Who am I to you?” walang kurap niyang sinabi sakin.

Who are you to me? OH MY GLOB ATOBE-BABES? KAILANGAN PA BANG I-MEMORIZE YAN? Syempre, baby ko! Mahal ko! Atobe-babes ko malamang!

“Master…”

“At  paano makipagusap kay Atobe-sama?”

“M-magalang…” di ko na kaya at napalunok ulit ako ng isang pitchel ng laway. “M-magalang po.”

“Good.” Sabay talikod niya at nagpatuloy siya ulit sa paglalakad. Nakahinga ako ng maluwag pero mabilis pa din ang tibok ng puso ko.

Master…

Oo nga pala, sa mundong ito magkaiba ang estado namin. Isa siyang mayaman di lang basta mayaman, ang yaman niya ay katumbas ay isang hari. Sa mundong ito hari siya sa bawat bagay, sa bawat kilos, sa bawat kinagagalawan at sa bawat tinatapakan niya. Magaling, maabilidad at matalino. Eh ano naman ba ako sa totoong buhay?

Isang fan niya. Hindi ko nga sure kung ano ang mga kaya kong gawin bukod sa manuod at magmarathon sa kwarto buong maghapon. Eh di ko nga maalala kung ano ang mga abilidad ko bukod sa kabisaduhin ang bawat episode ng prince of tennis.

“Carla san ka pupunta?”

Huh? Teka san na si Atobe? Teka bat wala na siya sa harapan ko? Sino tumawag sakin? Eh?

“Carla?”

Minumulto ba ako? Ayoko lumingon! Dali Carla! Kilos at hanapin so Atobe.

“Carla lagpas ka na.”

Medyo pahiya ako ng slight dun ah.

“P-pasensya na A-atobe-sama.” Biglang tumigil ulit sa paglalakad si Atobe-babes. Hmp, ano nanaman ba? Ba’t ba biglang humihinto to sa paglalakad.

“Bago ko kalimutan.” Lumapit siya sakin. Ayan nanaman! Ayan nanaman yung dibdib ko…

“Atobe-kun.”

“Po? Atobe-kun?”

“Oo, yun ang itatawag mo sakin. Maliwanag?”

Napangiti ako… hindi ko alam pero feeling ko mas malapit kami sa isa’t isa dahil sa ganung pagkakatawag sa kanya.

***********

“Nyaaaa, Tezuka-kun! Bat ba nandito tayo sa Hyotei?” nauurat na ako makakita ng mayayamang estudyante kaliwa’t kanan. Talaga ngang pang-mayaman tong Hyotei no? Ang gara na ng mga building ang gara din tignan ng mga estudyante.

“May pag-uusapan kami ni Atobe-kun. Pasensya na Kikumaru kung isinama pa kita dito.”

“Ahh heheh. Naku wala yun Tezuka-kun! Natanong ko lang naman. Hmm. Tungkol saan ba yan?”

“Hindi din ako sigurado pero para sa training natin ito.”

Tumango lang ako sa kanya at patuloy na sumunod sa kung saan papunta si Tezuka. Mukhang kabisado ni Tezuka ang lugar na ito. Chill na chill lang sa pasikot sikot ng lugar na ito.

“Ouch!”

Naagaw ang atensyon ko sa pag sisight seeing ng lugar na ito nung marinig ko yun. Nagkalat sa sahig ang mga papel.

“Pasensya na… miss?” babae pala ang nabangga ni Tezuka. Tumulong ako sa pagkuha ng mga papel habang si Tezuka naman ay tinulungan ang babae na tumayo.

“Okay… ka… lang… ba…” teka. Bat ganto magsalita si Tezuka? Nung pagkatayo ko inabot ko agad ang mga nahulog na papel sa babae.

“S-salamat…”

Wow!

“W-walang… anuman…” ang ganda nung babae! No wonder, kaya putol putol magsalita si Tezuka eh sadyang nakakabighani ang mukha ng babaeng to.

Wait!

Teka nga?

Si Tezuka? Nautal? Napatingin ako kay Tezuka.

He’s blushing!

The World of Princes [PrinceofTennis FF]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ