Gaano kasarap
Ang ulan sa umaga?
Tulog ka pa yata
At nakanganga.
Gaano kaganda
Ang ulan sa hapon?
Pagmasdan bawat patak;
Puso'y mahinahon.
Gaano kahirap
Ang ulan sa gabi?
Hindi makatulog
Sapagkat awit ng kahapon
Ang katabi.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Wala Lang (a compilation of random poems)
ПоэзияTrip ko lang ibahagi ang nalikom kong mga tula mula sa aking imahinasyon na kahit ang iba'y malaya at hindi tumpak ang sukat at tugma ay nagbibigay ng ligaya sa puso kong uhaw sa pag-asa. CHAR! Wala lang...
