Blangkong Papel

5 0 0
                                        

Maputi, makinis (medyo magaspang),

Magaan ang blangkong papel.

Walang letrang nagpapagalaw

O tintang nagbibigay diwa.


Kayumanggi sa luma

Napunit ng kusa

Dikitan natin ng teyp

Ayan, nadala pa, hindi ba?


Mabuti na lamang at nariyan ka

Dala-dala ang teyp at tinta

Para bigyang diwa ang maputi,

Makinis, at magaan na BLANGKONG PAPEL.

Wala Lang (a compilation of random poems)Where stories live. Discover now