Magpakilala Ka

144 3 14
                                    

 Hello mga neenjakos!

Opo, neenjakos tawag ko sa inyo. Okay lang ba? Mahaba kasi if tawagin ko kayong lahat na “aspiring writers”. Two words na kasi. Anyway, kaya neenjakos po kasi mojacko ang tawag ng ate ko sa’kin, pero feeling ninja naman ako most of the time. Kaya naman naisipan kong idugtong na lang para maiba naman. huehue.

Eto nga pala ang page kung san magpakilala kayo. Inunahan ko na lang…kaya yan. Bawal ang KJ dito ha. Okay lang kung ayaw niyo sabihin ang buo niyong pangalan. Pwede niyong gamitin young penname na ginamit niyo sa pagregister sa programang to. Ng sa ganon madali ko lang kayong makilala.

Pero syempre, mas mabuti na makilala rin kayo ng ibang klasmeyts niyo dito. Kaya naman lahat kayo dapat mag participate talaga. Wag ng magpatumpik-tumpik pa. Push niyo talaga.

Basic information lang naman. Formality lang, ika nga.

Tingnan niyo ang sample format ko:

Hay po. Mimi here. 15 years old at kumakain ng balot sa probinsya ng Dabaw. At nagsusulat ng krimen sa mundo ng Wattpad—http://www.wattpad.com/user/ninesilos

Oh di ba, formality? huehue.

Kaya push mo na rin yung sayo. Excited na kaming makilala ka. Aabangan ko din kung saang lupalop ng internet ka pweding i-stalk. Este, i-follow as friend.

In 1, 2, 3, ikoment mo na ang introduksyon mo!

P.S. Yung ilan sa mga neenja ay dun na nag introduce sa website ko. Mag introduce na lang kayo ulit dito kung gusto niyo. 

K bye. Umiinom ng kape si Coach.

- Coach Jenine

Hang-out Ng Mga NeenjaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon