Chapter 1

4 1 0
                                    

                                                                                I Am Han Lizu

"Mula ngayon hindi kana miyembro ng pamilyang Zie! Kahihiyan ka lang sa pamilyang to, umalis kana bago pa kita ipakaladkad sa labas!".

Galit na sigaw ni Family Elder Chen. Sa totoo lang matagal na nyang nais patalsikin ang binata dahil banta ito sa kanyang anak bilang kandidato sa susunod na family head dahil talentado ang labing walong taon gulang na binata sa larangan ng pag nenegosyo kaya malaking tinik ito sa kanyang plano.

Hindi mababakasan ng pag tutol ang mga naroroon kahit ang mismong Family Head ay nanonod lang dahil wala syang paki alam ang nais nya lang ay yumaman kaya lamang sya naging family head ay dahil marami syang koneksyon at galing ito sa mga masasamang gawain. Hindi naman nagtaka ang mga naroroon sa katunayan alam na nila ang pinaplano ni Elder Chen kaya napatingin na lamang sila sa binata.

Si Han Lizu ay isa hindi naman talaga miyembro ng pamilyang Zie dahil matapos mamatay ang kanyang magulang agad syang kinupkop ng kanyang uncle umaasang makaka parte ng kayamanan na iniwan sa binata pero matapos malaman na sa charity at sa binata mapupunta ang yaman ng mag asawa ay hindi na nya tinuring na kamag anak si Han Lizu at hinayaan na lang.

Pero angat sya sa karamihan dahil sa kahusayan ng binata sa pag nenegosyo na minana nya sa kanyang mga magulang kaya naman madami ang naiingit sa kanya at madalas din syang pag-initan.

"Nais ko lang malaman Elder Chen, anong ginawa ko at nais nyo akong paalisin? Ah mali, anong dahilan nanaman ang nahanap nyo ngayon?".

Hindi mababakasan ng takot na saad ni Han Lizu kahit isang family elder ang kanyang kausap hindi sya makikitaan ng takot kahit ang kanilang pinag-uusapan ay tungkol sa pag-alis nya sa pamilyang Zie. Hindi ito banta sa kanya dahil kung susumahin ang kanyang yaman ay mas higit pa sa pamilyang Zie ngunit iilang individual lang ang nakaka alam dahil matapos mamatay ng kanyang mga magulang sa isang aksidente anim na taon na ang nakaraan nilaan nya ang kanyang oras sa pag babasa ng libro patunggol sa pag nenegosyo.

"Matuto kang gumalang sa nakakatanda say-" bago pa matapos ang kanyang sasabihin agad ng nag salita si Han Zie.

"Elder Chen hindi na natin kaylangan pang pahabain to alam naman nating nais nyo akong paalisin matagal na, wag kayong mag alala ako na mismo ang kusang aalis".

Agad na nag lakad paalis si Han Lizu at iniwan na ang mga nanonood ng kanilang munting palabas si Elder Chen naman ay mababakasan ng inis sa kanyang mukha dahil nais nyang ipahiya ang binata sa lahat ng kanilang miyembro ngunit sa kabila ng lahat nakahinga na sya ng maluwag.

Kahit si Han Lizu ay naka hinga na ng maluwag, hindi na nya kaylangan manatili sa impyerno na yon wala siyang ginawa kundi mag trabaho ng mag trabaho kahit gusto nyang umalis ngunit paniguradong mag hihinala sila sa binata at ayaw nyang mabunyag ang ilan sa kanyang secreto.

Palabas na sana sya ng villa ng maka salubong nya ang nag-aalalang si Fei Zie."Talaga bang aalis kana?". Hindi mapigilan na mag-alala ng dalaga sa binata dahil kahit hindi nya aminin may lihim syang pag tingin sa binata.

"Wala ng rason para manatili pa ako rito tutal wala naman may gustong narito ako".May diin sa kanyang tono dahil alam nyang may naka masid sa kanilang pag-uusap. Gusto pa sanang pigilan ng dalaga ang binata ngunit hindi tumigil ang binata sa pag lalakad palabas ng Zie Villa. Agad namang lumapit ang kanina pang nakikinig sa pag uusap ng dalawa na syang ama mismo ni Fei.

"Binabalaan kita Fei wag mong ilapit ang sarili mo kay Han wala kang mararating pag sya ang pinili mo" babala ng kanyang ama ngunit hindi na ito binigyan pa ng pansin ng dalaga at naka tanaw na lang sa dinaanan ng binata.

Nagustuhan ni Fei si Han dahil napaka bait ng binata, lagi sya nitong tinutulungan sa kanyang mga problema ngunit kahit ilang beses syang nag pakita ng motibo sa binata ay nababa liwala lamang ito at ngayon hindi na nya makikita ang binata.

Nag tungo muna ang binata sa isang malapit na parke dito sya nag papalipas ng oras bago sya umuwi, ayaw nyang manatili sa Zie villa dahil lagi silang naka masid sa binata at naka abang na punahin ang kanyang mga pag kakamali.

Napatigil sya sa kanyang pag mumuni muni ng naramdaman nya ang isang pamilyar na presensya, ang isa sa kanyang tapat na tauhan nag tataka man kung bakit to naroon nagawa nya paring mag tanong.

"Maari ka ng lumabas zuo" sabi nya sa isang anino na malapit sa kanya.

"Young Lord, nais kang makita ni Family Head Guo ng Martial Arts Family ." Tugon ni Zhou sa kanyang master.

Si Zhou ay labing dalawang taong gulang ngunit sa kabila ng kanyang murang edad naging isa syang martial artist sa tulong ni Han Lizu nagawa nitong mag buo ng sariling foundation at narating ang mataas na antas ng orange core stage kung malalaman ito ng ibang martial artist ay hindi nila ito paniniwalaan dahil tanging ang mga ng galing lamang sa makapang yarihang pamilya ang nakakagawa nito pero sa kaso ni Han Lizu ay may sarili syang paraan, natagpuan ni Han Lizu ang bata matapos minsang magawi ng binata sa slave market at nakita nyang may potensyal ang bata na matuto ay agad nya syang kimuha.

Laking pasasalamat ni Zhou sa kanyang master dahil kung hindi sya nito nakita noon ay marahil doon na sya mamatay. Matapos syang turuan kung pano maging isang ganap na martial artist ni Han ay agad syang nirekomenda ng binata na mag punta sa Martial Arts Association upang mas patibayin pa ang kanyang pundasyon nangako naman si Zhou na itatago ang mga secreto ng binata matapos bigyan ng ilang paalala ni Han Lizu si Zhou na wag ilalabas ang kanyang totoong antas ay hinayaan nya na ang bata.

Ang Martial Arts Association ay binubuo ng isang makapang yarihang pamilya at kilala ni Han ang family head dahil minsan na syang pinakilala ng kanyang ama at noong namatay ang kanyang mga magulang ay agad itong nag pa abot ng pakikiramay. Ito rin ang tumulong upang itago ang tungkol sa kanyang mga magulang.

Matagal na rin noong huli silang nag kita kaya nag tataka ang binata kung anong kaylangan nito sa kanya. Tumingin sya kay Zhou na nag hihintay ng kanyang tugon, ilang saglit pa nakapag desisyon na sya nais nyang malaman kung anong dahilan kung bakit sya nais makita ni Family Head Guo.

"Sige, sabihin mona lang na pupunta ako sa mga susunod araw," sambit ni Han Lizu sa nag hihintay na binata, ganun pa man hindi mababakasan ng pag ka inip dahil ang ang kanyang kausap ay ang nag ligtas sa kanyang buhay at ang pinag kakautangan nya ng lahat.

"Ipag bibigay alam ko agad ito sa Family Head, mag-iingat kayo lagi,'' huling paalala ni Zhou bago mag laho.

"Mukhang magiging abala ako sa mga susunod na araw," napa bulong na lang sa hangin si Lin Lizu. 

I Am Han LizuWhere stories live. Discover now