Chapter 1: Ala-una

36 4 0
                                        

April 7, 2019

Pasadong 12:00 am nakarating ako sa Taytay Rizal para bisitahin ang isa sa aking mga paboritong lugar.

Isa itong amusement park, hindi naman karamihan yung tao dito dahil nga sa maliit lang ang peryahan na 'to. Masarap yung simoy ng hangin dito, kaya isa talaga to sa mga paborito kong puntahan pag gusto kong humanap ng peace of mind.

Inikot ko ang buong parke, habang bumibili na rin ng inumin at mga junkfoods na pwede kong ngatngatin habang nag mumuni muni sa lugar na 'to.

Lagi ko lang naman ginagawa dito ay tumatambay at sumasakay sa Ferris wheel. Magisa lang ako, weird daw yun sa iba pero, sanay naman na ako don.

Papunta na sana ako sa ticket booth ng may isang lalaki na may nahulog na gamit habang nag lalakad siya.

"Hoy wallet mo!" sigaw ko sakanya. Pumunta ako dun sa lugar kung saan nahulog yung pitaka niya, kinuha ko ito at binato sakanya "Catch!" pang-aasar ko habang tinitignan ko yung mukha niyang natataranta sa pagsalo ng pitaka niya.

Lumapit ako sakanya at nilagay yung kamay ko sa ulo niya, kasabay ng pag gulo ng buhok niya at sinabing "good dog" habang sinasabi ko 'yun ay ngumiti siya sakin sabay ng pag yuko at sinambit yung salitang salamat.

Napakunot noo ako sa lalaking 'to matapos ko ba naman siya lokohin ni wala man lang pag irap o pagtaas ng kilay ang natanggap ko, kundi ang pasasalamat niya lang. Kaya napatawa na lang ako ng bahagya dahil sa mga kilos na ginawa niya.

"Ingatan mo na yan ah?" sambit ko "Baka pag nahulog na yan sa susunod kuhanin ko na yan." dagdag ko. Tumango lamang siya sa akin at nagpasalamat nanaman siya at pagkatapos ay namaalam na.

Nagkahiwalay na kami ng landas na tinungo habang papunta ako sa ticket booth ay napaisip ako na cute siya 'yun nga lang sobrang mahiyain. Ramdam ko yung kaba sa mga mata niya, gusto ko sanang sabihin na 'di naman ako nangangagat.

Nandito na ako sa ticket booth. Nakabili na ako ng ticket para sa rides na sasakyan ko. Excited na ako dahil 2 months narin ata nung huling punta ko rito.

Papunta na ako sa Ferris wheel, sakto dahil pagpunta ko dun ay tapos na yung mga naunang sumakay sakin. Kaya ako yung naunang sumakay, siyempre perks ng una ka sumakay ay maiikot mo pa yung buong circumference ng Ferris wheel, ayun pa naman din yung gusto ko dahil pag nasa taas ka parang lahat kita mo. Kaya sobrang nakakarelax minsan yung mga ganon.

Mga ilang minuto ang nakalipas ay may tumatawag sa akin. "Pogi!" sigaw sa akin ng nag babantay sa Ferris wheel, 'di ko pala namalayan na nasa baba na ako dahil full na yung mga taong nakasakay dito.

"Ano po yon kuya? Crush niyo po ako?" pagbibiro ko. "Ah kase mag aala-una na at huling ikot na 'to, may natitira pa kase dito pero puno na yung lahat sayo nalang hindi. Baka pwede pasakayin mo na 'to diyan?" pakiusap niya sabay turo sa lalaki.

At eto yung lalaking nahulugan ng wallet kanina.

Nanlaki yung mata ko sakanya at sa utak ko ay napatanong ako na, "Siya?!sasakay dito?" 'di ko kase maimagine na sisigaw yung mga introverts dito.

Umoo naman ako, Nakakaawa rin siya don kung maiiwan siya. "Sure na sure kuya! Mine ko na yan" muli kong pagbibiro. "Maraming salamat pogi dibale papahabain pa namin yung ikot para sulit!" pasasalamat niya sa akin habang pinapasakay na yung lalaking nakita ko kanina.

"Hi! What should I call you?" I asked nung nakapasok na siya.

"Ah-Che-CHeng nalang" nauutal niyang pag-sagot habang humahawak sa isang bakal dahil malapit na ang pag ikot ng Ferris wheel.

"Hi Cheee----- AHHHHHHHHHHHH!"

Napasigaw ako ng malakas dahil biglaang pinaikot ni kuya yung Ferris wheel. Napamura nalang ako dahil sa bilis at sa taas nito. Ilang minuto rin akong sumisigaw halos mapaos na nga 'ko sa kakasigaw. Biglang naalala ko na may katabi pala ako kung kaya't tumingin ako sa tabi ko dahil baka mamaya umiiyak na 'to.

Pero...

Pag ka sulyap ko sakanya ay para bang wala lang nangyayari nakatingin lang siya sa harapan at wala siyang emosyong ipinapakita. Natakot ako dahil baka mamaya ay patay na 'to.

Tinapik tapik ko siya at sinabing "hoy, okay ka lang?" lumingon siya sakin at binigyan ako ng isang matipid na ngiti. "Okay lang ako, don't panic." kasabay ng mahinhin na pagtawa niya sa akin.

Tinawanan pa ako ng mokong to, sino ba naman kasing tanga ang hindi sisigaw sa ganitong rides? Siya lang.

Medyo bumagal ng kaunti ang pag-ikot kaya nag karoon ako ng tyansa para kausapin siya. "Sumigaw ka nga! Gayahin mo ako" pagpipilit ko sa kanya. "Wag ka na mahiya sakin, wala akong hiya, kaya sabayan mo na ko"  dagdag ko.

Umikot muli ng mabilis ang Ferris wheel. "CHEEEENGGGGGGG SIGAAWWWWWW NAAAAA!" sigaw ko. "GA-GAGOOOOOOO ANONG PANGALAN MO?!" sigaw niya na labis na ikinagulat ko. "MARUNONG KA PALAAAAA SUMIGAW AT MAG MURAAAAA, AKO SI YUKEEIIIIIII!!!" sagot ko habang humahalakhak sa ginawa ni Cheng.

Nagtatawanan lang kami habang sumisigaw, wala na akong pake kahit magmukha kaming tanga dito pero one thing is for sure na alam kong parehas kaming masaya sa ginagawa namin. Patuloy parin kaming sumisigaw habang umiikot ang Ferris wheel.

Mga ilang minuto pa ang nakalipas ay bumagal muli ang pagikot ng Ferris wheel at tawang tawa kami sa mga pinag gagawa namin. Nakaka enjoy pala pag may taong nakikisabay sa mga kalokohan mo no?

Nakita ko yung pagtawa niya at para atang may bago akong paboritong tignan. He was so happy at kita ko sa mga mata niya na nalabas niya talaga yung totoong siya.

Muling inikot ng mabilis ang Ferris wheel kaya sa pangatlong ikot, alam ko na, na may kasama na akong sumigaw sa bawat pag ikot nito.

At nung huminto na ang ikot ay kami ang nasa itaas kaya alam kong huli na kaming mapapababa. Ginamit ko yung oras na yun para kausapin siya.

"Cheng ilang taon ka na? Bakit ang bata mo atang tignan?" tanong ko baka kase mamaya ma curfew pa 'to. "18 years old, eh ikaw?" tanong niya pabalik. "Parehas lang tayo, pero mukha ka talagang bata" tumawa lamang siya kaya muli ko siyang tinanong kung na enjoy niya ba yung ride.

He smiled to me, at tumango tango lamang siya. Nginitian ko ren siya pabalik at nilagay ko sa ulo niya ang kamay ko kasabay ng pag gulo sa kanyang buhok.

"Ano pa pala gagawin mo dito?" tanong ko sa kanya. "Ah alam mo yung sa labas ng peryahan na 'to, yung kita mo yung mga citylights pati narin mga tala. May dinala akong tela at mga pagkain kase, magsstay ako dito hanggang 2:00 tatambay lang at hahanap ng tahimik na lugar." mahinahong sambit niya.

"Bakit sasama ka?" tanong niya habang nakangiti siya sakin.

I love this guy. Nakaka amaze siya and first time may nag yaya sakin ng ganyan.

"Kiss mo muna ako!" pagbibiro ko habang umiling iling lang siya sa akin.

Actually dun ren ako tatambay after nito, nakakagulat lang bakit parang parehas kami ng gusto? Kaya umoo narin ako kahit biniro ko siya.

Bumaba na kami sa kinauupuan namin at nag pasalamat ako sa mga staffs ng Ferris wheel na yun.

Yung utak ko 'di parin makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. I'm so happy, I don't know how to explain this feeling.

I feel complete.

Tadhana, oras na ba?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tadhana, oras na ba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unread messagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon