"Your messy bun suits you!". 


Napatigil siya ng dahil duon at humarap muli sa binata at nagbow ng kaunti bilang simbolo ng pagpapasalamat, kumaripas na siya ng takbo at iniwan na ang binata sa hallway.


Austin smiles at her running figure. "She looks so cute". Bulong nito sa sarili.


Ibinaba ni Cassandra ang mga libro niya sa shotgun seat ng kotse niya at pati na rin ang bag niya at umupo na siya sa driver's seat. Binuhay niya ang makina ng kotse niya at pinatakbo na ito.


Pagkauwi niya nakita niya ang kuya niya na may kausap sa Skype at nang makalapit siya, nakita niya na kausap nito ang kasintahan nito.


  "Hi ate Charm!". Masigla niyang bati sa dalaga na nasa eroplano pa ang background.


Kumaway ito sakaniya at ngumiti na rin pabalik. 


"Hi Cass! See you later!". Masigla nitong bati. Tumingin ang kuya niya sakanya at tatayo.


"Magpapalit lang muna ako ng damit, dito ka muna". 


Nagsalute lang siya na para bang niloloko ang kuya niya.


Umupo siya sa harap ng laptop at kinausap ang girlfriend ng kuya niya. 


"Kamusta ka na, ate?". Tanong ni Cassandra habang kumukuha ng cookies.


"Ito, excited ng umuwi para makita ko na si kuya mo". 


She immediately cringes kaya tinawanan siya ni Ate Charmaine niya. 


"Antagal na namin ng kuya mo pero hindi ka pa din sanay sa ganyang words". 


Natatawang puna nito sakanya.


"Ate naman kasi ehh... Ang keso masyado". Naiiling pa niyang tugon sa magandang dalaga. 


"Wala pa bang nagsasabi sayo ng mga ganyan?". Puno ng kyuryosidad na tanong ni Charmaine sa kanya.


"Wala pa sa plano ko yan ate". Sabi niya habang ngumunguya ng cookies na ginawa niya. 


"After ko sa college this year, another 10 years pa ate". Nakangiti niyang banggit.


Bakas sa mukha ni Charmaine ang gulat na masaya ang dalaga kahit na matagal pa ang nais niyang kamitin. 


"I salute you for that, love". Nakangiting sambit ni Charmaine sakaniya.


"Pag narinig ka ni kuya, magseselos yun ate. May pagkabaliw pa naman iyon". 

Choosing You (Us Against The Fate Series #1)Where stories live. Discover now