Nag-punta kami sa parking para na puntahan ang hotel na sinasabi nila. Tatlo lang ang may dalang kotse si Chi, Kit, at Theo.

"Girl kay Theo ka na sumakay ha." Tawag nito saakin.

Nagulat ako sakanya dahil ang alam ko sakanya kagabi ay ayaw niya sa nangyayari ngayon. Kaya ay hindi ko maintindihan kung anong nangyayari.

"Bakit?" Di ko napigilang mag-tanong rito.

Ngumiti lang ito saakin at sabay na siyang pumasok sa passenger ng sasakyan nito. Kaya naman ay wala narin akong nagawa kundi sumakay nadin ako doon sa sasakyan ni Theo.

"Hello." Bati ko rito habang naka-ngiti.

Ngumiti naman ito saakin. "What did you do today?" Tanong nito saakin.

"Well, alam mo na kung ano ang ginawa namin. We just rallied kanina then hinila na ako ni Chi dito." Natatawa kong kwento dito.

Siya naman ay ikunuwento niya rin kung ano ang mga ginawa niya nung araw naring yun.

"Bakit ka nga pala nandito?" Hindi ko mapigilang mapatanong dahil hindi namin siyang high school classmate and hindi rin gagawin ni Patrick na mga-invite ng ibang tao nang hindi niya saamin sinasabi.

"Nag-kita kasi kami ni Ethan kanina then nasabi niya na pinapapunta raw ako ni Chione dito sa Tagaytay. Hindi ko alam rin kung bakit." Kwento nito saakin.

Pero mukhang alam ko na ang kung anong gustong gawin ni Chione. Knowing iyong kaibigan ko, isa lang ang bagay na gusto niyang lumabas sa trip na ito. May papatunayan lang siya.

"Pero bakit ka sumama? Malamang sa malamang ay hindi mo naman kailangan sumama kasi wala ka naman obligasyon." Unting-unting lumalabas yung pagka-inis ko rito.

"Wala akong obligasyon pero gusto ko." Nagulat ako sa sinabi niya dahil hindi ko ito ineexpect.

Hindi nalang ako sumagot sakanya at tumingin na lamang sa daang binabaybay namin. Mabilis naman naming narating ang isang cottage sa Tagaytay Highlands.

Nasa loob na sila ng cottage nang makarating kami kaya agad agad na akong pumasok. Nakita kong mga nagsa-saya na ang mga kaibigan ko sa loob. Meron din kasi itong jacuzzi at pool sa likuran. Naka-sunod naman si Theo saakin dahil merong nag-park ng sasakyan niya para sakanya.

Nakita ko agad si Patrick sa kitchen kaya agad ko itong nilapitan para hanapin si Chione, ang kaibigan kong kung anu-ano.

"Pat." Tawag ko rito na agad naman siyang tumingin saakin kahit busy siya sa cellphone niya.

"Nandito na pala kayo." Bati nito saamin. Ngumiti naman ako sakanya.

"San si Chi?" Tanong ko rito para hindi ko na pa siya masyadong maabala.

"Nandoon sa likuran. May kausap ata." Turo nito saakin baho siya bumalik sa cellphone niya.

Paalis na sana ako nang may naalala ako bigla.

"Pat, nga pala kanino itong cottage?" Usisa ko rito. Alam kasi nito ang lahat ng tsismis saamin.

"Si Chi ang may alam, tanong mo nalang siya." Napa-tunga ako kasi hindi niya alam kung kanino yung cottage. So kanino ito?

Agad naman akong pumunta sa likuran habang si Theo ay nagpa-iwan na kasama ni Patrick sa kitchen. Madali ko naman siyang nakita na kasama ni Ethan malapit sa jacuzzi.

"Hey." Malakas ang boses nito sa pag-tawag saakin.

"Kanino itong cottage?" Agad kong tanong rito.

Tumawa naman ito bago ako sinagot.

"Kala Ethan, weekend home nila ito." Sabay ngumiti ito kay Ethan na tahimik lang sa tabi.

Be For You and Me (Friends Series #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن