Chapter 1

38.7K 741 45
                                    

Hindi pa rin matanggal sa isip ko ang mga nangyari sa amin ni Miggy noong gabi ng kanyang birthday. Ito na nga lang halos ang naging laman ng utak ko. Matapos ng mga nangyari nung gabing yun ay hinatid nya ako sa bahay namin. Mabuti na lang at tulog na si mama nun. Kung hindi, lagot talaga ako pag nalaman nyang lalaki ang naghatid sa akin at hindi si Mia.

Ginawan ko ng cake si Miggy. Sana ay pumasok na sya. Araw araw kasi ay ginagawan ko sya ng cake, pero hindi naman sya pumapasok kaya sa huli ay ibinibigay ko na lang ito sa mga kaklase ko o kaya naman kay Mia.

Walang nakaka alam kung ano nga ba ang nangyari sa amin ni Miggy. Ang sabi nya ay hindi yun malalaman ng iba, at wag ko din pagsasabi. Sumunod naman ako. Ayaw ko din naman may makaalam na may nangyari na sa amin ng ganun kabilis.

Natatakot din ako na baka pag may nakaalam ay husgahan agad nila ang pagkatao ko. Pero kampante naman ako na poprotektahan ako ni Miggy pag nangyari yun. Gusto nya ako, yun ang sabi nya. Panghahawakan ko yun.

"Ano, ibibigay mo na naman ba sa akin yang cake?" Tanong ni Mia. Nandito kami ngayon sa canteen. Hindi pumasok si Miggy. Nagbabaka sakali ako na baka kasama nya ang kanyang mga pinsan ngayon.

"Wait. Hintayin lang natin si Miggy. Baka papasok na yun ngayon." Sabi ko. Lumilingon pa rin ako sa pintuan para abangan ang pagdating ni Miggy.

"Iyah, ang creepy na ng dating mo. Wag ka ngang ma obsess kay Miggy." Tawa nya. Lumingon ako sa kanya bago bumuntong hininga.

"Obsess na ba talaga ako?" Tanong ko.

Walang alinlangan naman syang tumango. "Alam mo kasi, si Miggy yung tipo ng lalaki na hindi nagseseryoso. Hanggang crush lang ang pwede kong maramdaman. Pero pag na na inlove ka, lagot ka. Talo ka na."

Kinagat ko ang labi ko. Tumingin na lang ulit sa pintuan. Ayaw ko man aminin, pero naapektuhan ako sa sinabi ni Mia. Paano kung hindi seryoso si Miggy? Pero nararamdaman ko naman na seryoso sya. Ramdam ko yun nung may mangyari sa amin.

Bumukas ang pinuan ng canteen. Bumilis ang tibok ng puso ko. Lalo na ng makita ko na ang mga pinsan ni Miggy ang pumasok. Naunang pumasok si kuya Christian, hawak kamay sila ng kanyang girlfriend na si ate Erin. Sunod naman na pumasok ay ang mga pinsan nilang babae. Ang huling pumasok ay si Miggy. Nabuhay ang lahat ng dugo sa aking katawan. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makaupo na sila.

Tumingin ako kay Mia. "Nandito sya." Masayang sabi ko. "Maibibigay ko na sa kanya ito." Sabay kuha ko ng cake na nakalagay sa mesa namin.

Tumigil sa pagkain si Mia. Uminom muna sya bago nya ako sagutin. "Gusto mo bang samahan kita sa pagbibigay nyan sa kanya?"

Umiling ako. "Kaya ko na to." Sabi ko. Tumayo na ako at nagpaalam na kay Mia. Nginisian nya ako at kinindatan. Tumawa ako, huminga ng malalim at tumuloy na sa mesa nila Miggy.

"Hi.." bati ko sa kanila paglapit ko. Natigilan sila sa pagkukwentuhan at pagtatawanan ng marinig nila ako. "Uhmm.. Miggy." Sabi ko, sabay abot sa kanya ng cake na hawak ko.

"Oh my..." sabi nung isang babaeng pinsan nya.

Yumuko ako, hinihintay ang pagtanggap ni Miggy sa cake na hawak ko. Please, tanggapin mo naman ito. Tanggapin mo, Miggy.

"I'm sorry. Pero hindi ako kumakain ng-" naputol ang sasabihin ni Miggy ng magsalita si kuya Christian.

"Kunin mo Miggy. Don't be rude." Matigas na utos nya. Nilingon naman nya ako. "And miss.."

"Iyah." Sabi ko.

"Iyah. Upo ka sa tabi ni Miggy."

Napalingon si Miggy sa sinabi ni kuya Christian. "Bro!" Protesta nya.

Sweetest Downfall (#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon