The Other de Luna

14 2 0
                                    

The Other de Luna

Nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa kalangitan ng lumabas ako mula sa isang matayog at mataas na gusali. Hawak ng kanan kong kamay ang suitcase na parati kong dala sa opisina habang hawak ng kanang kamay ko ang aking telepono, naghihintay na dalhin ng valet ang aking sasakyan.

Bahagya akong napahilot saaking batok dahil sa stress na kinaharap ko sa maghapon na ito. After a 2 years hiatus in life, papa didn't think twice to put me on his position, the CEO of Razon Wine and Liquor. He said that he's just waiting me to finally step my feet on our house. And he's not joking. Nagpunta lang ako para bisitahin sila pero iyon na pala ang naghihintay saakin. If I just knew, I would be contented seeing mom and Callisto through facetime.

Practically, my hiatus didn't end well. Just happened that I need to end it immediately.

"Gael! Gael!"

Napatingin ako sa aking likod ng marinig ko ang sigaw ng isang boses mahinhin ng babae. Nakasuot siya ng kanyang pang office attire bitbit din ang kanyang handy bag. She looks pretty on her simple outfit.

"Carmela.." banggit ko sa pangalan niya at sinalubong ng ngiti ang kanyang mukhang maaliwalas kahit pa humahangos itong makalapit saakin. "Anong atin?" Huminto ito saaking harap suot pa rin ang magagandang ngiti.

"Pauwi ka na?" Tumango ako. "Hindi ka ba didiretso saamin? Hindi ba inimbita kayo ni daddy para sa isang dinner?"

Natawa ako at ginulo ang kanyang buhok. Sakto ay dumating na ang sasakyan ko. "Susunduin ko muna sina Callisto. Ayaw magdrive ni papa. Gusto mo sumabay ka na saakin?"

Sunod-sunod ang kanyang naging iling tapos ay sumilip sa likod ng aking sasakyan. Itinuro niya ang kasunod niyon. "Ayan na rin ang sasakyan ko. Tsaka mag-aayos na rin ako ng konti. Nakakahiya namang humarao kina tito Lukas ng ganto ang itsura."

Muli akong natawa. Hindi ko alam kung anong klaseng gantong itsura ang kanyang tinutukoy, ngunit para saakin ay maayos ang kanyang itsura. Hindi na niya kailangan mag-ayos pa.

"Maganda ka naman na." Puri ko sa kanya dahilan upang mamula ang kanyang magkabilang pisngi. Gusto kong tawanan ito ngunit nilaparan ko na lamang ang aking ngiti sa kanya.

Ayokong isipin niya na pinagtatawanan ko siya. I am aware and conscious with her feelings for me. Since we were kids, she's very vocal about her having feelings for me. I guess we were 7 years old that time. But I shrugged it off because we were still kids and I haven't thought of having a crush to someone too. Naniwala rin ako na eventually, when we reach our mature age, magbabago yung nararamdaman niya saakin o di kaya ay makakahanap siya ng iba. But it isn't the case. Hanggang ngayon ay may gusto pa rin siya saakin. I tried to avoid her. The 2 years hiatus doesn't stop her to tailed me. In the end, I just let her. Pero hindi ako lumalagpas sa limitasyon.

Carmela de Luna is someone who has everything, beauty, intelligence, kindness and everything you are asking for, but I don't think she's the woman for me. I can't see her as someone to be with romantically. She's just like a sister to me.

Nang makapagpaalam kami sa isa't-isa ay agad akong nagdrive pauwi sa aming bahay. Dati ay dito pa ako nakatira. Ngunit ng maisipan kong magpahinga ay kung saan-saan na ako tumutuloy. Nang makabalik naman ako ay nagsettle na lang muna ako sa isang apartment. Nang makaipon mula sa tatlong taong pagtatrabaho sa kompanya ni papa ay bumili na rin ako ng sarili kong bahay.

Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako ni manong Arnold. Nginitian ako nito at binati. "Magandang gabi, Gael. Susundo ka na?"

"Opo, manong. Nakagayak na ho kayo sila?" Tanong ko rito. Siguro naman ay nakagayak na sila. Particularly si mama. Ang tagal nitong mamili madalas ng susuotin. Si Callisto naman kasi ay mabilis lang gumayak. "Si Callisto ay tapos na. Nandoon na sa sala at hinihintay kana. Si sir Lukas ay hindi ko pa nakikitang bumaba pati si maam George."

The Other de LunaWhere stories live. Discover now