"Lustrous Academy Students..." sabay buntong-hininga ng Isang Guard. "... Nice too meet you."

Tumaas ang kaliwang kilay ni Sophia. 'Wala bang tulog ang dalawang yan?'

"Heto..." may Inilapag naman ang pangalawang Guard sa table. "... Isuot nyo. It's a proof na galing kayo sa Academing to." sabay hikab nya.

Bumaba ang tingin ko sa table. Limang Headbands ang nakikita ko. Kulay Itim. May metal sa gitna at naka-drawing ang Letter 'C' na mukhang 'Moon Crescent'. Kagaya din ng nakadikit sa pinaka-ibabaw ng Main Gate at Classroom Building. Ang pinagka-iba ngalang, Moon Crescent lang ang nasa HeadBand. Walang letter 'M & A'.

"Okay."

Sabay naming kinuha yun at Isinuot. Maliban sakin.

"Pwede ba na kahit saan lang namin susuotin?" tanong ni Sophia.

Bored namang tumango ang Pangalawang Guard.

'Tch.'

Itinali ni Sophia ang Headband nya sa bewang nya. Sa forehead naman kina Cylex at Night. At sa kaliwang braso kay Walter. Habang ako ay Ipinasok ko lang sa bulsa ng Skirt ko. Ewan, pero sagabal para sakin na suotin ang Headband nayun. May kasama naman akong Apat na suot-suot ang mga Headband, kaya no problem na siguro yun.

Naramdaman ko na may nakatingin sakin kaya umangat ang tingin ko. Sumalubong sakin ang bored na bored na titig ng Isang Guard.

Hindi ako nagpakita ng emotion.

"Okay. We're done. Then what's next?" tanong ni Sophia.

"Good luck to your first mission Lustrous Academy Students." wika ng Guard at umiwas na ng tingin.

Walang malisya yung titig nya. Kahit bored na bored ang expression ng kanyang mukha, nakikita ko naman na namamangha sya samin. Alam ko din na kanina pa sya nakatitig sakin. Pinapanood ang bawat galaw. Naalerto kasi sya nung pagkuha ko ng Headband. Namangha sya nang hindi ko ito Isinuot.

"Yun lang? Pwede na ba kaming lumabas?" tanong ni Sophia.

Tumango naman ang Dalawang Guard.

Tumunog ang Gate at bumukas ito. Kaya tinalikuran na namin ang Shelter ng Dalawang Guards at nagsimula nang maglakad palabas ng Main Gate. Sumalubong samin ang sariwang hangin. At mahabang daan. Mga puno lang ang tanging nakikita namin sa bawat gilid.

Nilakad lang naming Lima ang mahabang daan hanggang sa unti-unti na naming natatanaw sa malayo ang naglalakihang mga building. Sa harapan namin ay may mahabang Bridge na kailangang tawirin para makapasok ng CostaLestinial City.

"Ah ano... K-kayo ho ba ay galing sa Celestial Magic Academy?" tanong ng Isang babae na naglalakad palapit samin.

'Sya na siguro ang tinutukoy mo Sophia.' wika ko gamit ang Mind Communication.

"Paano mo naman nasabi?..." naninigurong tanong ni Sophia. "... Naniniguro lang, baka kasi hindi sya." bulong nya sakin. Tss.

Book Of Magic 3: CLAES (ON-GOING)Where stories live. Discover now