Pupunta siya? Eh, paano kung maabutan niya si Miss sa bahay? Anong sasabihin niya? Si Miss naman kasi ay hindi ko nakikitang umiiba ng landas. Madalas ay nasa bahay lang din na parang sinusundan ako.

Hindi naman kami sabay pumapasok kasi mas nauuna siya, pero sa pag-uwi ay halos sabay kami pero may sundo naman ako at may sarili siyang kotse. Minsan nga ay inalok niya ako na sumabay na sa kan'ya, pero tinatanggihan ko lagi. Malay ko ba kung saan niya ako dalhin.

"Sunny... m-may ano... may lakad kami mamaya." Nahihirapang pagsisinungaling ko at masasabi kong hindi talaga ako komportable sa ginawa ko.

Natahimik siya at tinignan niya ako sa naghihinalang paraan, pero kalaunan ay ngumiti nang matamis. "You're not good at lying." She pointed out with confidence. "Basta, pupunta ako mamaya." Pagtatapos niya at wala sa sariling tumango na lang ako.

What should I do? Alangan namang kausapin ko si Miss tungkol doon? Si ate naman kasi ay busy sa trabaho kaya late pa siya makakauwi sa bahay.

Nakakabaliw naman.

LUMIPAS PA ang mga oras at namalayan ko na lang na tapos na ang lunch. Sa ngayon ay naglalakad ako papunta sa office ni Miss Cohen dahil sa inutos sa'kin.

Sakto kasi na nasa library ako kanina para may hiramin, at may pinabibigay ang librarian kay Miss. Itong mga libro daw 'yung hinihiram niya na ngayon lang naging available. Binasa ko ang title. Pride and Prejudice, Sense and Sensibility, Emma, Mansfield Park. Lahat ay iisa ang author na si Jane Austen.

Ang dami-daming estudyante at guro sa buong university, pero ako pa talaga ang nautusan. Para namang nananadya ang pagkakataon nito.

Pero, saan ang office niya? Sabi ay may sarili siyang office. Nandito na ako ngayon sa Harmonica Building. Dito nakalagay lahat ng may kinalaman sa arts, music, theatre, dance, and etc.

Tinitignan ko ang pangalan ng bawat room. Madali lang naman daw makita kung alin ang room ni MISS kasi kulay black and white daw ang pinto, pero sliding door. 'Yung automatic---

BLAG!

"Ay! Sorry, miss!"

Hindi agad ako nakatayo mula sa pagkakaupo sa lapag dahil parang umikot pa ang paningin ko mula sa pagkakabunggo. Tumabingi din ang suot kong salamin kaya napakurap ako bago ayusin 'yon at pinulot 'yung mga libro na dala ko.

Nag-angat ako ng tingin sa nakabangga sa akin dahil mas matangkad siya sa akin. Para siyang natataranta kung hahawakan ba ako o ano. Bahagya akong nahilo kaya hindi ako agad nakabawi.

"Sorry, miss. Ayos ka lang?" Nag-aalala niyang tanong kaya tumango na lang ako.

"A-Ayos lang po ako." Sagot ko at nagpagpag ng damit nang makatayo ako.

"I-I really need to go. I'm sorry again. See you around!" Nagmamadaling paalam niya bago tumakbo ulit palayo.

I gently caressed my back and heaved a deep sigh. Parang nagising buong pagkatao ko dahil sa sakit.


Pero, sino ba 'yon? If I'm not mistaken, only those who are a part of our Student Council can wear a red mark in their uniform. I'm not familiar with them, since I'm also not interested.

Alluring Innocence (Seven Deadly Sinners #2)Where stories live. Discover now