T H I R T Y - O N E

Start from the beginning
                                    

Ngumiti siya ng tipid. “Sasama na lang ako sa inyo ni baby boy. Tapos siguro doon ko na lang muna ipagpapatuloy ang pag-de-design ko.”

Tumango ako saka hindi mapigilang mapangiti at matuwa sa nais niya. “Well, pwede naman na isabay mo sa business ko ang trabaho mo. O kaya magpatayo ka ng sarili mong business kung gusto mo. Pero, kung ako lang din ang magdedesisyon, magpatayo ka na lang ng business mo. Malaki ang opportunity mo doon lalo na’t walang masyadong nagde-design sa lugar na tinitirhan ko.”

“Hmm. Sige, magtatayo ako ng sarili kong business doon. Pero syempre, saka na siguro kapag nakilala na ako sa California,” sabi niya.

Tumango ako bilang pag-sang-ayon. “Pero kilala ka naman na sa France, paanong hindi ka makikala ng mga tao sa California?”

“Baka kasi hindi pa nila ako kilala,” sabi niya na ikinatango ko. “Anyways, how’s my cake and cookies?”

“Masarap. Tamang-tama lang sa panlasa ko. Tsaka, ibigay mo na lang kay Nicco ang cookies. Sigurado akong magugustuhan niya ito.”

“Hmm, tapos na ako. Maliligo na ako upang makapaghanda sa lakad natin mamaya.” Paalam niya saka umakyat na.

I pursed my lips as I stared at the foods in front of me when suddenly the memories last night came back into my mind. I closed my eyes tight as I felt the pain again. My eyes became blurry again as I opened it but I decided to dodge it. I breathed out and tapped my chest.

It hurts, but I’m fine.

Napailing na lang ako saka nagsimula nang kumain ng cake. Ito na lang muna ang kakainin ko at kakain na lang kami mamaya sa labas. Minsan lang naman. Isa pa, tapos na akong magluto ng pagkain para sa anak ko.

Patapos na ako sa pagkain nang marinig ko ang matinis na tinig ni Nicco at tinatawag na ako. Napangiti ako saka nilingon ang pintuan ng kusina upang panoorin siyang pumasok. Ilang minuto lang ay bumungad na ito sa entrance ng kusina saka nagmamadaling lumapit sa akin na agad ko namang sinalubong.

Binuhat ko siya. “Good morning, baby!” Bati ko sa kanya saka hinalikan sa pisngi.

“Good morning, Mom-Mom!” Malawak ang ngiting bati niya pabalik.

“Are you hungry na? Tita Nivia baked cookies for you. Do you want to try it?” wika ko saka naupong muli sa upuan.

Agad siyang tumango. “Yes, yes, please!”

Natawa ako saka binigyan siya ng isang cookie na agad-agad niyang kinagatan. Kumuha na rin ako saka kumain na rin.

“Baby, lalabas tayo mamaya. Do you want to buy toys or something?” tanong ko kay Nicco.

Umiling siya. “No. I want food.”

Napatawa ako sa sinabi niya saka nanggigigil na pinisil ang pisngi niya. Pero hindi naman masyadong malakas dahil baka masaktan siya o kaya mamula, baka magka rashes pa o ma-irritate ang balat niya.

“Okay, we’ll buy food later.”

“Is Dada coming Mom-mom?” Biglang tanong niya.

“Nami-miss mo na ba si Dada?” I asked and he nodded immediately.

“Yes. I want to see him already. I miss him so much.” Nakanguso niyang sagot.

Heart in Caution (Heart Series #1)Where stories live. Discover now