"Then, paano mong nasabi na ayaw mo ng manggulo kung hindi mo pa pala nagagawa ito?"

I don't know too, I just have a guess na magugulo ko sya kapag nangulit ako sa kanya..Ayaw ko lang na maging isa ako sa mga pag subok na kailangan nyang lagpasan..

"Nasubukan mo na rin bang mag confess?"

Kanya pang panibagong tanong dahilan upang makuha nito ang atensyon ko at napatingin dito.

"I...I di--"

"Alright! For the next activity! I'm sure ang mga kababaihan at kalalakihan ay excited na! Well, sino ba naman hindi kung ang mga sasali dito especially mga single ay in one click taken na, odiba magic!"

Udlot ko saking sasabihin ng mag salita na ulit si rancho about sa mga gagawin, hanggang sa hinaluan pa ng tawa dahil sa mga pinag sasabi nito.

Sure naman kasi ako kung ano ang games na iyon eh lalo na't si ava at shan ay nag handa na rin...

"Okaysss mukhang handa na sila mrs at mrs. Raindelle kaya simulan na rin natin! Mga kalahi kong girl! Rampa na sa harapan at ihanda ang kamay dahil ang susi sa naka kandado nyong single status ay paparating na!~"

Anas ni mike na ikinatawa ulit ng mga bisita na kahit akong problemado ay napangiti rin.

"Hindi ka ba sasali?"

"And why would I?"

"Eh sabi nga babae eh, ayaw mo ba?"

"Sa tingin mo ba may use pa yun kung hindi naman lalaki ang gusto ko?"

"Oh, sabi ko nga..pero tignan mo oh si mayo sumali."

Sabay turo nito na akin agad sinundan. Well, hindi naman na bagong balita sakin iyon dahil babae rin sya...

"So what..."

Ang tangi ko na lang nasabi, wala naman na talaga akong magagawa eh kundi ang pag masdan na lang ang mangyayaring pag bato ni shan ng bulaklak at hintayin kung sinong makaka kuha nito.

Ewan ko ba kung bakit naniniwala sila sa ganyan, eh wala naman talaga nag kakatuluyan sa ganyan laro...pero sabagay sayang din talaga ang bulaklak kung pang decoration lang.

"Oh ayan na mga girl handa na kayo ahh! Cause in 3! 2! 1! Shan ang bato!!! Kyaahh!"

Ang sabay na sigaw ni rancho sa mga manunuod pero meron ding natawa dahil kay bakla at kasama ako doon.

Ginawa ba naman ding si Shan, baliw talaga pero maya-maya lang ay nag palakpakan na sila habang ako ay napalaki rin ng ngiti dahil ang nakakuha lang naman ng bulaklak ay si Mayo.

As usual namumula na naman sya sa hiya, dahil napansin kong wala naman talaga syang ginawa kundi nakatayo lang sa kanyang pwesto pero dahil siguro sya ang gusto ng bulaklak, sa kanya nag landing.

"Yeheyy, we have a winner!! Ms. Ladychoss please come to the front. By the way everyone I just wanted to thanks ms. Mayo also dahil sa napaka grandeng wedding theme na ginawa nya ngayon sa kasal ng pinaka especial nya na kaibigan si Mrs. Ava Raindelle...at ngayon sa tingin ko ang sunod na client na naman nya ay ang sarili nyang kasal."

Litanya ni rancho, bagay talaga sa kanya maging host dahil kahit hindi sya nag mumukhang clown ang galing pa rin nyang joker.

"Alright, pero sa tingin ko bago mangyari yun kailangan muna ng partner ni ms. Mayo diba...unless kung hindi pa sya taken~ so, ms. Mayo are you taken?"

Agad na tanong ni rancho dahilan upang magtawanan ulit ang mga bisita, siguro kung di lang sya bakla aakalain na namin syang dumada moves kay mayo.

"As of now, hands on muna ako saking business...kaya wala pa po akong time para doon.."

MY STEP SISTERWhere stories live. Discover now