1. The Man Who Can't Be Move

5 1 0
                                    

The Man Who Can't Be Moved

- - -

"Two coffee americano for Alec," anang barista.

Agad naman na tumayo si Alec nang marinig ang kanyang pangalan.

"Thank you," nakangiti niyang ani sa babaeng barista bago kinuha ang order.

Katulad ng lagi niyang ginagawa tuwing umaga, dumaam muna siya sa paborito niyang coffee shop. Um-order siya ng dalawang brewed coffee bago dumeretso sa paborito niyang lugar. Sa parke kung saan niya unang nakilala si Thalia, ang babaeng minahal niya ng sobra.

Nang maka-upo siya sa eksaktong bench na inuupuan ni Thalia noon, nilapag niya sa gilid ang dalang kape saka inalala ang araw kung paano sila nagtatagpo at nagkakilala noon.

Umiiyak si Thalia noon, naawa siya kaya nilapitan niya ito. Doon niya nalaman na umiiyak ito dahil iniwan ito ng walang kwenta niyang boyfriend.

"Gago ng ex mo! Ang tanga niya kung bakit niya iniwan ang katulad mo," pambobola ni Alec kay Thalia.

Tumigil naman sa paghikbi ang babae dahil sa ginawa ni Alec. Pinapatawa siya nito sa mga walang kwentang bagay.

"Hindi niya ba nakikita ang nakikita ko sa'yo. Maganda ka at wala nang hahanapin pang iba kapag ikang ang naging jowa," biro ni Alec sa kanya.

Tumawa lang si Thalia sa mga banat ni Alec. Nagkapalagayan sila ng loob at doon nagsimula ang lahat hanggang sa niligawan niya ito. Agad naman siya nitong sinagot.

Ang parke na iyon ang naging saksi sa pagmamahalan nila. Halos araw-araw silang tumatambay doon habang humihigop ng mainit na kape.

Doon sila unang nagkakilala, doon siya sinagot kaya espesyal sa kanya ang lugar na iyon.

Masaya naman sila sa relasyon nila. Gaya ng ibang mag-partners, hindi nawawala ang tampuhan ngunit agad naman nilang nasusulusyonan.

Pero hindi naging madali ang lahat. Hindi rin pala magtatagal ang relasyon nilang dalawa. May mga pangyayaring hindi nila kayang hadlangan. May mga bagay na bigla-bigla na lang dumarating ng hindi inaasahan. May mga bagay na siyang dahilan ng pagguho ng mundo nila.

Nasaktan si Alec noong iniwan siya ni Thalia. Akala niya ay habang buhay na niya itong makakasama ngunit ito'y tinuldukan na ng tadhana.

Limang taon na ang nakakalipas pero nanatili pa rin sa puso niya si Thalia. Minahal niya ito ng sobra kaya't hindi ito basta-basta maiwaglit sa puso niya.

Halos araw-araw gano'n ang ginagawa ni Alec, ang dumaan sa parke at magdala ng kape kung saan ito ang paborito ni Thalia bago pumasok sa trabaho.

Hanggang ngayon, hindi niya pa rin matanggap ang mga nagyari. Kahit nagmukha na siyang tanga, umaasa pa rin siya na makakasama niyang muli ang babae. Umaasa siya na babalik ito sa kanya. Umaasa siya na darating ito bigla sa tabi niya. Umaasa siya kahit na alam niyang imposible at hindi na mangyayari iyon.

Mahal na mahal niya si Thalia kaya't gano'n na lang kasakit para sa kanya ang mawala ito sa piling niya, dahilan upang hindi siya maka-move on agad-agad. Limang taon na ang lumipas pero parang sariwa pa rin sa kanya ang lahat.

Hindi lang kasi niya matanggap ang nangyari kay Thalia. Masyado pa itong bata para kunin sa kanya. Marami pa silang mga plano, marami pa silang mga pangarap, marami pa silang gustong gawin ngunit hindi na nila magagawa pa dahil sa isang pangyayaring hindi kayang ibalik ng panahon. Dahil sa sakit ni Thalia sa puso, maaga itong kinuha sa kanya. Maaga siyang iniwan ng babaeng minahal niya ng sobra. Kaya hanggang ngayon, nagdurusa pa rin siya sa pagkawala ng minamahal niya. Hindi pa rin niya ito kayang pakawalan sa kanyang puso't isipan.

"Mahal, kung nasaan ka man ngayon naroroon. Tandaan mo lagi na mahal na mahal kita at mananatili ka dito sa puso ko."

- - -

Inspired by "The Man Who Can't Be Moved" by The Script

The Untold MelodiesWhere stories live. Discover now