2. Remember Me This Way

22 2 3
                                    

Remember Me This Way

- - -

Pagkatapos ng ilang minutong pagtitigan sa ilalim ng lumuluhang mga ulap, nagsalita na si Rina. "Wala na tayo, Marco. Wala ka nang maaasahan pa mula sa akin."

Naiwang nakatitig si Marco sa babae. Hanggang sa ito ay tumugon, "Minahal mo ba talaga ako, Rina?" garalgal niyang ani.

Hindi agad nakasagot ang babae. Nanatili itong nakatitig sa kanyang mga mata. At katulad ng mga ulap, wala ring tigil sa pagbuhos ang likido mula sa mga mata niya.

"Huwag mo akong pahirapan ng ganito, Marco. Alam mo ang sitwasyon." halos pumiyok na si Rina.

Masakit para sa kanya ang pakawalan ang lalaking minahal niya ng limang taon. Mahirap man ay kailangan niyang gawin para sa ikakabuti ng lahat. "Forget me and find another girl who's more deserving than me."

"Pero wala ng sinumang babae ang hihigit pa sa 'yo dito sa puso ko," mariing tugon ni Marco habang ang hintuturo ay nakatutok sa sariling dibdib.

"Rina!"

Halos sabay silang napalingon sa lalaking nakasakay sa itim na kotse. Nakasilip ito sa bintana ng sasakyan. Dahil siguro sa mabigat na emosyon kanina'y hindi nila napansin ang paghinto nito sa tapat nila.

"Vince," sambit ni Rina habang nakatanaw sa lalaking nasa loob ng sasakyan.

"Let's go! Lumalakas na ang ulan," ani nito na inaya na siyang sumakay.

Tumango si Rina at bahagyang nilingon si  Marco. "I need to go, I'm sorry."

Bakas sa mukha ng lalaki ang matinding pait at pighati na sinapit. Naiwan siyang bagsak ang balikat habang sinusundan ng tingin ang pagpasok ni Rina sa loob ng kotse.

Sobrang mahal ni Rina si Marco. Alam niya sa sarili iyon, ngunit kailangan niya itong pakawalan dahil nakatakda na ang kasal nila ni Vince Chua. Kababata niya si Vince at anak ito ng business partner ng mga magulang niya.

Half-Chinese si Rina at kailangan niyang magpakasal sa isa ring Chinese base sa tradisyon na sinusunod ng mga magulang niya. Dahil doon ay si Vince ang nakatakdang pakasalan niya dahil may lahi rin itong Chinese.

"You still love him?" basag ni Vince sa mahabang katahimikang namamagitan sa kanila, habang ang dalawang kamay ay abala sa pagmamaneho.

Hindi kumibo si Rina at nanatili itong nakatingin sa labas ng bintana na tila ba'y binibilang ang bawat pagpatak ng ulan.

"Alam kong hindi ko mapapantayan si Marco diyan sa puso mo," panimula ng lalaki. "Sinubukan ko naman, pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin mo sa akin. Hindi kayang diktahan ang puso kaya hindi kita masisisi, Rina. Pero sana naman, maramdaman mo rin ang pagmamahal ko sa 'yo."

Napalingon ang dalaga sa kanya. "I'm sorry, Vince." humikbi na naman siya saka inabot ang isang kamay ng lalaki at hinawakan ito ng mariin. "But don't worry, matutunan din kitang mahalin."

Pinilit na kinalimutan ni Rina si Marco at ibinaling ang buong atensiyon sa mapapangasawa na si Vince. Nangako siya dito na kaya niyang suklian ang kabaitan nito sa kanya. Nangako siya na balang araw, matutunan din niya itong mahalin.

Hanggang sa dumating na nga ang takdang araw ng kasal nila. Mabibigat na mga hakbang ang ginawa ni Rina habang naglalakad sa gitna ng simbahan. Hindi pa man siya nakalapit kay Vince ay huminto siya na ikinagulat ng lahat.

"I'm sorry, Vince!" turan niya sa lalaki sabay bitaw sa hawak na bouquet at tumalikod. Tumakbo siya palabas ng simbahan. Hindi niya napanindigan ang pangako sa lalaki.

Agad niyang pinuntahan si Marco na ngayon ay umiinom dahil sa sakit na naramdaman.

"Rina, anong ginagawa mo rito? Kasal niyo ngayon 'di ba?"

Embes na sagutin ang tanong, niyakap niya ng mahigpit si Marco.

Umalis silang dalawa. Nais nilang lumayo at magsimulang muli, ngunit sa kasamaang palad ay naaksidente sila. Bumangga ang sinasakyan nila at parehas silang nasa bingit ng kamatayan.

Apat na buwang nakaratay sa hospital si Rina. Apat na buwan siyang walang kamalay-malay sa mga nangyari sa paligid. Nang magising siya, si Marco agad ang hinahanap niya. Hindi niya ito nakita mula pa kanina.

Lumapit sa kanya ang mommy niya at niyakap siya.

"Nasaan si Marco?" tanong niya niya sa ina.

Matagal bago ito sumagot. "Tara, hinihintay ka na niya."

Kumunot ang noo niya dahil sa sementeryo siya dinala ng ina. Nagsimula na siyang kabahan sa mga nangyari.

Huminto sila sa harap ng isang puntod. Napatakip sa bibig si Rina nang mabasa ang pangalang nakasulat doon. Agad bumigat ang talukap ng mga mata niya.

"He give this to me."

Napalingon siya sa ina niya. May hawak itong isang papel na nakatupi. Nakalahad sa kanya.

"Binilin niya sa akin, ibigay ko raw sa 'yo kapag nagising ka na."

Agad naman niyang binuksan at binasa ang Liham.

Hi Rina,

I know, kapag nabasa mo ang liham na ito, wala na ako. And I'm sorry for that. Nais ko lang sabihin sa 'yo na masaya ako na nakilala kita. Masaya ako na naging parti ka ng buhay ko. I'm so great to have a girl like you.

Sobrang mahal kita. You are the best friend that I've found. I know that I will go but my heart will stay. I don't need an eyes to see but the love you bring to me. No matter where I go, you are part of me and you are someone I'll always care. I'll be right behind your shoulder, watching you. I love you so much, remember me this way.

Halos mapunit na ni Rina ang hawak na papel. Sobrang basa na rin ito ng luha na tumutulo mula sa mga mata niya.

"He gives his heart to me."

Napalingon siya sa lalaking nagsalita mula sa likuran niya.

"Binigay niya ang puso niya sa akin para lang mabuhay ako't makasama ka."

Mas lalong napahikbi si Rina.

"Vince is a great person. Noong nalaman niya na kailangan ko ng heart transplant, he volunteered and offer his heart to me. He said, mas kailangan mo ako. Mas liligaya ka kapag ako ang kasama mo. That's why he gave his heart to me."

Hindi na sumagot si Rina. Agad niyang niyakap si Vince ng mahigpit.

* * *


Inspired by Jordan Hill's "Remember Me This Way"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Untold MelodiesWhere stories live. Discover now