Hindi ko mapigilan irita saking boses dahil sa kakulitan nito, ang ayaw ko kasi eh nauudlot ako sa mga ginagawa ko pero ano bang laban ko dito kung para rin sya si ava kung maka dema---

Tsk.

Palatak ko saking isipan ng marealize ko ang aking nabanggit.

"Its about the marriage..."

"What about that? Wag mong sabihin na kailangan ko rin mag pakasal?"

"No, I'm here para sunduin ka sa magaganap na kasalan...."

Pahayag nito habang taimtim lang na nakatingin sakin, tila parang na intindihan ko naman agad kung anong tinutukoy nito kaya on that cue unting-unti na naman bumalik ang kirot na tatlong buwan kong binaliwala.

"I-i see...kailan pala dad?"

"In two weeks shan kaya siguro next week babalik na ulit tayo ng states... that's why habang naandito pa ako may kailangan rin muna akong bisitahin."

Sagot nito habang kami ay nag lalakad, ni hindi ko man lang naintindihan ang mga susunod pang sinabi nito dahil ang isipan ko ay na occupy na ng buo sa sinabi ni dad na gaganapin kasalan..

Two weeks na lang pala tuluyan ng mapupunta sa ibang tao si ava...ni hindi ko man lang magawang mag reklamo sa harapan ni dad dahil wala rin naman itong mapapala kung si ava mismo ang kusang pumayag..

She said na ipag lalaban namin ito pero sa bandang huli mas nanaig pa rin sa kanya na saktan ako.

"Dad...ayos lang ba na hindi ako dumalo?"

"Kailangan mo dumalo Shan."

"But I don't want too."

Mariin kong pahayag saking kasama, na mabuti na lang ay kami lang dalawa ang nasa hallway kaya walang makaka pansin sa inaakto ko ngayon.

"K-kahit sa event lang na iyon dad..."

Akin pang dugtong para lang mawasak ang katahimikan na namagitan samin dalawa. Pero imbis na ako'y kanyang sagutin ay mas pinili na lang nya mag lakad ulit na akin na lang sinundan hanggang sa tuluyan kaming makarating sa elevator.

"Saka na lang muna ako kakain, may pupuntahan muna tayo."

Pagkaraan litanya nito ng makapasok kami sa kanyang kotse at naisipan na lang itikom ang aking bibig.

--------

We're here."

After a few hours na sabi ni dad, dahilan para mapalingon ako dito at nag taka ng mapansin kong pamilyar itong pinuntahan namin.

Lumabas na agad ito na akin lang sinundan lalo na't hindi rin naman ako maliligaw dahil sobrang napaka pamilyar nga nito sakin.

"What are we doing here dad? "

Akin pang tanong habang inilibot ang aking paningin 3 months ko na rin palang hindi nabibisita ito kaya nakaka miss rin...

"Visiting your mother, shan."

Marahan na sagot ni dad sabay hinawakan nito ang puno.

"Hello love.. "

Taimtim pa nyang dugtong habang nakatingin lang ito dito.

"Pasensya na love ah kung ngayon lang ako naka dalaw ang dami kasing inasikaso eh."

Kanya pang paliwanag na para bang kausap nya talaga si mama, akin lang naman syang pinag masdan dahil kahit papaano klaro sa mukha ni dad na nagagalak talaga itong mapuntahan si mama.

"I know love ikaw pa rin ang mahal ko." 

it's been 3 months that i saw this place again for the first time. That somehow I feel guilty dahil hindi ko man lang ito pinuntahan sapagkat natatakot akong ma-alala ulit ang mga sinabi dati ni Ava...

"You miss her right? "

"Yeah, miss ko na si mama, dad."

"I'm pertaining to Ava, shan."

"...."

"Don't worry makikita mo na rin naman sya in two weeks."

"But as I say earlier dad...hindi po ako dadalo."

Malungkot na sabi ko habang ramdam ko na nag babalak na naman lumabas ang aking mga luha.

"Why not? Kailangan ka doon, aren't you happy?"

"I'm willing to be happy para sa kanya dad, pero hindi kasi ganoon kadali..."

"Shan—"

"Dad, mahal ko po yung tao na pag dadaluhan ko ng event...Ang pinaka masakit lang ay hindi ako ang taong nasa tabi nya."

"..."

"H-hindi ko po matanggap na nagawa nyo iyon para lang mapag hiwalay kaming dalawa..."

"Dahil para magkaroon kayo ng maayos na buhay Shan..."

"No! That's not enough para masabi mo na mag kakaroon ng normal na buhay si ava dad, she didn't know the guy! Walang nakaka alam kung ano ang tunay na ugali ng taong iyon! H..hindi ko na rin po alam kung ano ba ang normal na buhay sa pananaw ninyo."

"And that is...maiwasan ninyo ang pag sisisi sa huli anak."

"Wala akong pag sisisi na minahal ko si Ava, dad...ilang beses ko rin pinigilan ang sarili ko..."

"At sa tingin mo ba ganoon rin si ava sayo?"

"..."

"Ava accept the marriage because she's aware on her surroundings kapag kayo nag katuluyan...Shan, ayaw ko lang na mapunta kayo sa ganoon sitwasyon."

"K-kaya po ba iniwan nyo kami ni mama dahil s-sa ganun dahilan dad?"

Garagal kong tanong habang taimtim pa rin nakatingin sa kanya, subalit dahil sa mga luha ay malabo ito sa aking paningin...

"K-kaya po ba mas tinanggap nyo ang arrange marriage na gawa ni lolo dahil aware kayo sa sasabihin ng iba kapag kayo nagka tuluyan ni mama?"

Akin pang dugtong na ngayon ay halata na sa mukhaa nito ang pagka bigla sa aking mga sinasabi dahilan upang mapangiti ako ng mapakla, dahil kung tama iyon that means mali ulit ang pagkaka kilala ko sa isang tao.

"I-I'm just asking dad, d-dahil ayos naman na sakin yun kung si ava ay magiging katulad mo na may magandang buhay at normal while me.. I prefer myself na makasama na si mama dahil--"

"Enough!! "

Pigil nito sa sasabihin ko at sa pangalawang pag kakataon nakita ko ulit si dad na galit. Pero may isang luha ang nakatakas sa kaliwa nyang mata habang mabilis din napalitan ang galit nitong mukha sa malungkot.

"Don't you ever said that Shan... Ayaw ko na pati ikaw ay mawala sakin... Fix your things at madaling araw na tayo aalis sa ayaw mo man o hindi."

Dagdag pa ni dad na halata sa boses nito ang lungkot habang ako ay  natahimik pa rin..

"Mama ano bang tumatakbo sa isip ni papa?"

Pagkaraan kong tanong at isang malakas na hangin lang ang bumalik sakin.

----------------------

Mashiro99~

MY STEP SISTERWhere stories live. Discover now