Huling Kabanata

48.5K 3.4K 727
                                    

(Wattpad Version)



AFTER FOUR MONTHS...


My, my, what a flawless akin. Nakangiti ako sa harap ng salamin at paulit-ulit na minamasdan ang sarili. Kahit nagpupuyat, hindi nag-s-skin care, ang glowing ko pa rin. 


Iyong hair ko pati, ang kintab-kintab kahit walang ligo. Iyong kili-kili ko, hindi umaasim kasi hindi nagpapawis kahit ang dami kong ginagawa sa araw-araw.


Yes, always busy ako. Ganoon talaga kapag single mom. Ikaw lahat.


"Oooh... oooh..." maliit at cute na huni mula sa kwarto ng condo ko.


Napalingon ako roon. Mukhang gising na ang baby ko. My Baby Atlas Lionel Maceda, ang aking cute baby boy.


Mabuti na lang at tapos na akong maglinis ng sala. Maliit na lang naman itong place ko, a one-bedroom condo, kaya mabilis ko lang na nalilinis. Dito ko na naisipang mag-stay since dalawa lang naman kami ng anak ko. Wala kami kahit isang helper dahil kaya ko naman. 


Okay lang na ikot ang pwet ko sa mga gawain kasi hindi rin naman ako napapagod at ginugutom. Although kumakain at umiinom pa rin ako for fun.


"Wait, baby!" Pumasok na ako sa kwarto. Bago ko siya lapitan ay nagpalit ako ng halter dress. Kinuha ko siya sa crib at dinala na palabas ng condo.


Karga ko lang si Baby Atlas hanggang sa parking lot. Pagdating sa kotse ay inilagay ko siya sa baby car seat. Sa backseat ko siya ipwinesto at umikot na ako patungo sa driver's seat. Keri ko nang mag-drive ngayon. Marunong na ako basta wag lang magpa-parallel parking.


Speaking of parallel parking, keri ko rin naman. Pero kailangan ko nga lang buhatin iyong buong kotse.


Pagkarating sa ospital ay tulog na si Baby Atlas. Binuhat ko na lang buong baby car seat papunta sa hospital room kung saan naroon si Mudra. 


Araw-araw namin siyang dinadalaw ni baby mula nang manganak ako. Hanggang ngayon, hindi pa rin talaga nagigising si Mudra. Kinausap na ako ng doktor niya noong nakaraan, he was asking for my sign. He wanted to perform a mercy killing for my stepmom. Marami na rin daw kasing complications lalo na sa utak. Kahit daw magising pa si Mudra, in vegetative state na.


Inilapag ko ang baby car seat sa tabi upuan na nasa tabi ng hospital bed ni Mudra. "Hi Mudra, we're here again."


Naupos ako sa gilid ng kama at kinuha ang kamay niya na may nakasaksak na dextrose. Nagsimulang mangilid ang mga luha ko habang nakatingin sa kanya. Ang payat-payat niya na at ang putla-putla. Wala na iyong image ng malaking babaeng emo. Sobrang hirap na hirap na siguro siya.


"You know what, Mudra? May ipagtatapat ako sa 'yo..." Dinala ko ang kamay niya sa labi ko at hinalikan. "I'm now a vampire. This is not a joke, okay? I really am a vampire now. I will never get old and I'm gonna live in this world forever."

When I First Met YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt