Kabanata XXIII

39.1K 3.4K 1K
                                    

I DID SOME RESEARCH ABOUT REVELYN LOCKHART.


According to the files na ipinakita sa akin ni Trudis noon, sa babaeng iyon automatically nade-deposit ang 60% ng kinikitang pera ni Cross yearly. She was the reason kung bakit nagtitipid si Cross. Siya ang dahilan kung bakit napakakuripot ng lalaki.


Sino ba siya sa buhay ni Cross?


Malaking palaisipan siya sa akin. Kasi grabe naman siya kung pahalagahan ng lalaki. Imagine, 60% ng lahat-lahat ng pera napupunta sa kanya?


Gaano ba siya kaganda? Diyosa ba siya?


Isa pang palaisipan ay kung anong ginagawa ng babaeng iyon sa pera. Bilyonaryo si Cross kaya malamang sa dami ng nai-deposit sa kanya ng lalaki ay bilyonarya na rin siya.


Hindi kaya tama ang una kong sapantaha na isa rin siyang bampira like Cross? May plano nga ba talaga sila na maging pinakamayaman sa mundo?


Balak ba nilang mabuhay nang walang hanggan habang lumalangoy sa sobra-sobrang kayamanan?


Mapait ang panlasang ichineck ko ang file ni Revelyn Lockhart. Meron itong phone number pero hindi ko na pinagkaabalahan na tawagan.


Gusto ko siyang puntahan at makita nang personal. Gusto kong malaman kung gaano ba siya kaganda. Gusto kong makita kung talagang mukha siyang diyosa para mabaliw nang husto sa kanya ang asawa ko.


Yeah, I'm gonna meet that woman. Bago man lang ako mamatay at mawala sa mundong ito, gusto ko muna siyang makaharap at masampal.


Wala akong pakialam kung bampira rin siya, kahit pa sakmalin niya agad ako sa leeg, okay lang, basta masampal ko lang siya kahit isa.


Humarap ako sa salamin at nagpahid ng makapal na red lipstick sa mga labi. This was the first time that I'm putting bloody red lipstick on my lips. This was also the first time I wore a fitted black dress. Tinapos ko ang pag-aayos sa pagsusuot ng black 2 inches stilettos.


Hindi ko pa kaya ang mas mataas pero kaya ko na kahit paano ang mag-heels. Kung titingnan ako ay hindi mo aakalaing ako si Embry Maceda.


Ang dating Embry Maceda ay puno ng kulay at saya. Pero ang Embry Maceda ngayon sa salamin ay isang fierce woman na nakahandang sumugod sa kabit ng kanyang asawa.


That Revelyn Lockhart, kahit pa siya ang mahal ni Cross, she was still a mistress.


Kahit pa hindi normal ang pagsasama namin ni Cross, mag-asawa pa rin kami sa batas at mata ng Diyos. And why we're still married, wala silang karapatang lokohin ako at tapakan ang aking pride at pagkatao!


Tinawagan ko si Mang Chito para ipag-drive ako. Pinabalik ko na kasi ang family driver buhat nang umalis si Cross. Plano ko na ring ibalik sa trabaho ang iba pang mga kasambahay na pinagtatanggal ni Cross.


Ibinigay ko kay Mang Chito ang address sa Taguig kung saan naroon ang building ng Vox Towers. Sandali lang ang biyahe at nakarating na kami. Umibis ako ng kotse matapos bilinan si Mang Chito na mag-park muna habang hinihintay ako.


Pumasok ako sa malaking building at dumiretso sa lobby. Matagal na itong building na ito pero hindi ko sure kung isa ba itong condo, hotel or company. Kahit napakatayog nito ay masyado itong low key.


Maybe Revelyn Lockhart owned this place. Baka bigay ni Cross sa kanya or whatever. Ikaw ba naman maka-receive ng 60% ng kinikita ng isang bilyonaryo kada taon, malamang na hindi lang ito ang maa-afford mong ariin. Ahg! That bitch! Kumukulo lalo ang dugo ko sa kanya.


When I First Met YouWhere stories live. Discover now