Kabanata XX

44.7K 3.4K 1.1K
                                    

THE KISS...


It was just a light one, but Cross's lips were warm and soft. It was my first kiss and I didn't know how to react.


Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya hanggang sa namalayan ko na ginagaya ko na ang galaw ng mga labi niya. Sariwa pa sa alaala ko nang mapaungol siya dahil nakagat ko ang ibaba niyang labi. Akala ko matu-turn off siya at titigil na pagkatapos noon, but he continued kissing me.


Funny because I should be mad that he kissed me, pero hindi ako nagalit kahit kaunti. I enjoyed every second of that kiss.


Hindi ko iyon makalimutan at palagi kong maaalala ang pakiramdam ng mahalikan niya. Sa tingin ko kahit hindi siya ang unang halik ko, magiging ganito pa rin ang pakiramdam ko. Malulula at malulunod pa rin ako.


Hindi ko alam kung bakit bigla siyang huminto. Para bang may iniiwasan siya na magawa. Seryoso ang mga mata niya nang lumayo. Wala siyang kibo na basta na lang tumayo at lumabas ng kwarto. Pero sa pag-alis niya, parang kasama niyang tinangay ang puso at katinuan ko.


Pagkatapos ng halik ay hindi na kami nag-usap. Kaninang umaga ay ang awkward nang magkasalubong kami sa sala.


Nahihiya ako sa kanya, samantalang siya ay parang hindi ako nakikita. Basta na lang niya akong nilampasan na para bang wala siyang nagawa sa aking kasalanan. Like hello? He stole my first kiss! Pero mukhang wala siyang balak panagutan.


Magagalit na sana ako, ang kaso nakita ko sa dining table na ipinaghanda niya ako ng lunchbox. Okay, hindi na pala ako magagalit. Next time na lang. Pag inulit niya iyong kiss, he-he.



✟✟✟



"EMBRY, ARE YOU OKAY?"


Napatingin ako kay Trudis na kanina pa nangungulit. We were in our last subject at break time na in ten minutes. Nakalabas na rin ang professor namin matapos mag-iwan ng seat works.


Ipinilig ko ang aking ulo. Puyat na nga ako sa magdamag, buong klase pa ako ngayong sabog dahil sa kakaisip kay Cross.


Nakakainis dahil hindi pa rin ako maka-move on sa paghalik niya sa akin. Naiisip at naiisip ko pa rin. Minsan nga, namamalayan ko na lang na nakatulala na ako at nangangarap sa hangin.


"Sure? Ang laki kasi ng eyebags mo e."


Napanguso ako. Kung magsalita si Trudis, parang wala siyang built in eyebags. Kahit hindi puyat ay may maleta talaga siya sa ilalim ng mga mata niya.


"So bakit may eyebags ka? Inisip mo si Blue the whole night, 'no?" Ang maputla at hupyak niyang mukha ay nakasilip sa akin, hinuhuli ang aking reaksyon.


Hindi ko ikukwento kay Trudis ang tungkol sa kiss dahil baka mamalayan ko na lang, alam na iyon ng buong bayan. Dinampot ko ang whiteboard at marker ko sa desk.

When I First Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon