Napalingon ako sa pinagmulan nito at nagulat nang makita ang maamo at nakangiting mukha ng isang kakilala. "P-Perisha?"


"Hello, Embry." Nasa gilid siya ng kama, nakaluhod sa may sahig. Ang mga kamay niya ay nakapatong sa kama.


Napalingap agad ako sa paligid. Hindi ko kilala ang malaki at makalumang kwarto na kinaroroonan ko. Hindi ko rin kama itong hinihigaan kong four-poster antique bed. "Nasaan ako—" Bigla kong natutop aking bibig nang marealized na nakakapagsalita na ako.


"Yup, nakakapagsalita ka na, Embry," Perisha happily answered my thoughts.


Gulat akong napatitig sa kanya. "P-paano nangyari iyon?"


"It's because you're a vampire now," she supplied.


Sinampal ko agad ang aking sarili. I think nananaginip pa rin ako. Humiga ulit ako at pumikit. Pagdilat ko, bumangon agad ako sa pagkakahiga. Perisha was still here beside me.


"You're not dreaming, Embry. Totoo na nakakapagsalita ka na."


"Pero paano nga nangyari, Perisha?!" naguguluhang halos sigawan ko siya.


"Dahil nga isa ka nang bampira, imortal. Walang sakit o kahit anong kapintasan ang mga katulad natin."


Natin? Sinasabi niya bang isa rin siyang bampira na katulad ni Cross? 


Pinakatitigan ko ang maamong mukha ni Perisha. Kapansin-pansin ang mga pagbabago sa kanya, katulad nang sobrang kinis niya at wala na yata siya maski isang pore sa mukha. And her hair? Ang kintab at parang napaka-healthy. Wala na iyong mga split ends niya dati.


Ngumiti siya nang matamis nang mapansing tinititigan ko ang kabuuhan niya. "Hindi na rin ako sobrang payat, Embry, di ba?"


She was right. Tamang-tama na ang lahat sa katawan niya. Para ring bahagyang lumaki at tumaas ang kanyang boobs. Nagpa-retoke kaya siya?


Nagulat ako nang tumawa siya. "Hindi 'Salamat, Dok' ang ganda ko, kundi 'Salamat Vox.'"


Oh my! She can now read my thoughts too?!


"Now that you're already a vampire, pwede mo na ring isara ang isip mo sa iba, kahit kailan mo gusto."


Napailing ako. "Shut up, Perisha. Panaginip lang ito! May split ends at payat ka pa rin!" Sinampal ko nang malakas ang sarili ko. Sobrang lakas pero hindi masakit. Hindi ako nasaktan.


Mas nilakasan ko pa ang sumunod na sampal. Hindi pa rin masakit! Hindi pa rin ako nasasaktan, damn it! 


Bakit hindi ako nasasaktan? Manhid na ba ang mukha ko? May itinurok ba sa aking gamot ang doktor. Hinimas ko ang aking pisngi pero nararamdaman ko naman ang palad ko. Pero bakit kapag sinasampal ko ang sarili ko ay hindi ako makaramdam ng sakit?

When I First Met YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora