Malinaw na malinaw sa akin kung paano niya ako kausapin. He was so cold to me. Kasalanan ko naman kasi, I judged him without knowing the truth first. Kasalanan ko ang lahat kung bakit iniwan niya na rin ako.

Bumukas ulit ang pinto ng kwarto at nagmamadaling pumasok si Ate Baby. "May guardian ka na raw na pumunta sa university."

Suminok ako at pasimpleng pinunasan ang mga luha. Guardian? Sino naman kaya iyong guardian ko na iyon?

Kumamot si Ate Baby ng ulo. "Iyong husband mo raw."

Napaangat ako ng mukha at napabangon.

"Si Sir Cross. Andoon daw siya ngayon sa school mo."

Tumayo ako bigla ako para pumunta sa shower room.



✟✟✟

Pagbukas ng pinto papasok sa dean's office, nadatnan ko si Cross na nakaupo sa office chair kaharap sa desk ni Mrs. Fajardo. Napalunok ako habang nakatingin sa kanya. God, I missed him.

White button-down longsleeves polo at jeans ang suot ni Cross. Hindi magulo ang buhok niya ngayon. Pero salubong ang mga kilay niya nang tapunan niya ako ng tingin.

"Have a seat," anyaya sa akin ni Mrs. Fajardo.

Napahugot ako nang malalim na paghinga bago ko sila nilapitan. Umupo ako sa upuan na kaharap sa Cross. Nahihiya ako sa kanya dahil naistorbo pa siya ngayon.

Pagpasok ko pa lang kanina sa gate ng university ay naulinigan ko na ang usap-usapan ng mga estudyante.

Alam na pala ng lahat na married na ako. Ipinagkalat pala ni Trudis sa Facebook ang tungkol sa pagpapakasal ko kay Cross.

Malamang na si Trudis din ang nag-e-mail sa dean ng contact ni Cross. At bilang asawa ko siya, siya ang guardian na ipinatawag ngayon.

Ang alam ng lahat asawa ko pa si Cross, hindi nila alam na annulled na kami. Hindi rin naman ipinaalam ni Cross ang tungkol sa annulment namin. Because if he did, he shouldn't be here.

"I'm so sorry for the short notice," paliwanag ng dean kay Cross.

Nakapagtataka na ang bait at hindi galit si Mrs. Farajrdo.

"We really have to talk to you about Embry's performance. Bukod sa wala na siya sa dean's list, mabababa rin ang mga grades niya at marami siyang exams na na-missed. Sayang dahil graduating na siya."

Napayuko ako.

"Are you willing to take your exams? Hindi pa huli, Embry." Sinilip ni Mrs. Fajardo ang mukha ko. "Pwede kitang bigyan ng special exams."

Nanatili lang akong nakayuko.

"She'll take them." Si Cross ang sumagot.

Napatingin ako sa kanya pero inisnab niya lang ako.

"Is something the matter, Embry?" worried ang tono ni Mrs. Fajardo. "Parang wala kang gana sa pag-aaral ngayon. Nakakapanghinayang lang dahil isa kang matalinong esutdyante. And you know what? Nakatutok ang lahat ng board ng university sa 'yo dahil alam namin na ikaw na ang hahawak ng kompanya niyo pagka-graduate mo."

"Nadepress siya dahil sa aksidente." Si Cross na naman ang sumagot. "She'll still coping but I believe that she'll get through this." Nagpapaliwanag si Cross pero hindi siya nakatingin sa akin. "Please, give her a chance."

Humarap sa akin si Mrs. Fajardo. "When are you able to do the exams?"

"Next week, if possible. Please give her some time to review her notes. She's having a hard time." Si Cross na naman ang sumagot.

When I First Met YouМесто, где живут истории. Откройте их для себя