"I'm sure makakabalik ka sa dean's list," mahinahon at siguradong sabi niya. "Magaganda iyong mga gardes mo sa last exam. Nakakahabol ka na agad. Matalino ka talaga kasi, Embry. Hindi ako nagkamali na pilitin kang bumalik sa pag-aaral. Hayaan mo, para mas lalo ka pang makabawi, pupuntahan kita kahit weekend. Pwede tayong mag-aral nang sabay."


Malamlam ang mga matang tumingin sa kanya. Kailan kaya siya mapapagod sa akin? Araw-araw, sinusundo niya ako sa bahay nang maaga at inihahatid pag-uwi pagkatapos ng klase.


Araw-araw rin siyang hindi nagsasawang alalayan akong maglakad papasok sa gate ng school kahit napakabagal kong maglakad. Araw-araw rin niya akong tinutulungan sa mga notes ko. Minsan nga sa sobrang pag-aasikaso niya sa akin ay nakakaliban na siya sa mga meetings ng student councils.


I didn't deserve someone like him. He was too good for me. Hindi siya para sa isang ulilang pathetic, spoiled brat na katulad ko.


Bakit hindi pa rin siya nagku-quit sa akin? Sa araw-araw rin ay hindi ako nakakalimutan na ipaalala sa kanya na tumigil na siya. Na wala siyang mapapala sa akin. That he should spend his time with someone na kaya siyang mahalin.


"Done." Nag-angat ng tingin si Blue sa akin. "Everything is there." Ibinalik niya sa akin ang notebook.


Yumuko ako para magsulat sa whiteboard ko. Ipinabasa ko sa kanya ang isinulat ko rito.


BLUE, I'M MARRIED. Mapait akong ngumiti sa kanya.


Ang ngiti sa mga labi niya ay nabura at napalitan ng lungkot ang emosyon ng kanyang mga mata.




✟✟✟




IT WAS SATURDAY and I wasn't expecting anyone to visit me. Nagulat na lang ako nang marinig na tumutunog ang doorbell.


Para akong sinisilihan na umalis sa kama. Kahit mahirap pa sa aking bumilis ng lakad ay sinikap kong magmadali. Bumaba ako sa hagdan at agad na lumabas ng mansiyon.


Kagyat akong natigilan nang marealized na kung si Cross ito, hindi siya para mag-doorbell. Mabilis lang sa kanya na mag-over the bakod kung sakaling naka-lock ang gate. Didiretso na siya sa pinto ng mansiyon at doon kakatok.


Dahil sa naisip ay unti-unting naubos ang excitement ko. Bumagal ang kanina'y nagmamadaling mga habang ko.


Hey, wait a minute! And why the hell should I be excited kung si Cross nga ito? I hated that man. I shouldn't be excited to see him. Kung mae-excite man ako, iyon lang ay para sa annulment namin. Yup, iyon lang talaga and nothing else!


"How are you, Embry?" Nakangiti mukha ni Tito James ang natanaw ko nang buksan ko ang gate. Namayat ang lalaki at nanlalim ang mga mata. Mukhang na-stress siya sa lumipas na mga araw. Nakaramdam ako ng awa para sa kanya.


Siya pala ang nagdo-doorbell. Hindi ko ini-expect na pupunta siya ngayon dahil hindi naman siya nagpasabi. Hindi niya nire-reply ang mga text messages ko sa kanya kahit pa sinabi ko na through text na ipapa-annul ko na ang kasal ko kay Cross.


Pinapasok ko siya sa mansiyon. Naupo siya sa sofa ng sala.


"I happy that you can walk now," aniya habang nakamasid sa paglalakad ko patungo sa katapat niyang upuan.


Nginitian ko siya. Dinampot ko ang whiteboard at marker ko mula sa center table. HOW'S TRUDIS? Ipinabasa ko sa kanya ang isinulat ko sa whiteboard.


Malungkot siyang ngumiti sa akin. "She's doing fine..."


KAILAN SIYA PAPASOK? sulat ko.


Napayuko si Tito James. "I don't know, Embry."


Mukhang na-depress din si Trudis sa mga nangyari.


Nagsulat ulit ako. HOW ABOUT YOU, TITO JAMES? HOW ARE YOU?


Lalong napayuko si Tito James na para bang hiyang-hiya.


I'M SO SORRY. KASALANAN PO LAHAT DAHIL PINAGKATIWALAAN KO SI CROSS.


"Don't blame him." Hindi na siya makatingin sa akin nang diretso.


HE'S THE REASON WHY YOU'RE NO LONGER PART OF THE COMPANY. HE FIRED YOU. IF DAD IS STILL ALIVE, I AM CONFIDENT THAT HE WILL NEVER DO THAT TO YOU.


Napabuga siya ng hangin. "I don't know about that...." bulong niya na ipinagtaka ko.


Nagsulat ulit ako. TITO JAMES, MAY GUSTO PO BA KAYONG SABIHIN SA AKIN?


May namuong luha sa mga mata niya. "You know, you're a daughter to me."


THANK YOU FOR THAT. HINDI MAN AKO NAGING MALAPIT SA 'YO NANG BUHAY PA SI DAD, TINULUNGAN MO PA RIN AKO NANG WALA NA SIYA. SIGURADONG MASAYA SIYA NGAYON KUNG NASAAN MAN SIYA DAHIL ALAM NIYANG HINDI MO AKO PABABAYAAN.


"I missed him..." Napahilot siya sa kanyang noo. "Your dad."


Ako rin naman. Miss na miss ko na si Dad.


"I'm so sorry, Embry." Gumaralgal ang boses niya.


Nagsulat agad ako sa whiteboard. NO, IT'S NOT YOUR FAULT. I'M SO SORRY ABOUT WHAT CROSS DID TO YOU.


Napailing siya. "You don't understand..."


Nagsulat ulit ako nang mabilis at pinabasa sa kanya. ONCE MATAPOS ANG PROCESS NG ANNULMENT, BABAWIIN KO ANG COMPANY KAY CROSS. I'LL BE NEEDING YOU BESIDE ME WHEN THAT TIME COMES. I'M GONNA HIRE YOU AGAIN. YOU'LL BE MY EXECUTIVE ASSISTANT.


"Embry..." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. "Cross just did the right thing by firing me..."


What was he talking about? Hindi ko maintindihan.


Nagsulat ako. MAY MASAMANG MOTIVE SI CROSS. GUSTO NIYANG AGAWIN ANG KOMPANYA THAT'S WHY HE FIRED YOU. ALAM NIYANG KAPAG WALA KA NA SA KOMPANYA, MAS MAPAPADALI NA ROON ANG PAGALAW NIYA!


"No, Embry..." Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. "He's not the enemy. It is me... I-I'm the one who wanted to steal the Maceda Holdings Inc. from you."


Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.


"I-I'm the enemy that your Dad was looking ever since then."


No...


"U-unfortunately..." Naglandas na ang kanyang mga luha. "Cross was really good."


W-what?


"H-he caught me. He defeated me..." napahagulhol na siya. "I'm the traitor, Embry..." Halos halikan na niya ang aking mga paa. "I-I'm so sorry."


Naglandas ang mga luha ko nang maunawaan ang lahat.


JF

When I First Met YouWhere stories live. Discover now