Chapter 23

72.2K 1.1K 104
                                    

GEORGE

Pinasyal kami nina Helen at Demetri sa isang maliit na chapel sa Agapi Nisi.  Parang tumigil ang mundo ko nang masaksihan ko ang ganda ng puting chapel.  Maliit lamang siya at nakapinid sa halaman ng malawak na ubasan.  Pilit man siyang itinatago ng mga halaman, hindi pa rin maitatanggi na mangibabaw ang ganda niya.

“What can you say, Georgina, beautiful, eh?”  Nakita siguro ni Helen na nakatungaga ako sa ganda ng Chapel.

“It…so….beautiful…” Kulang ang mga salitang yun kung para ikumpara sa ganda ng chapel.  Dati akala ko maganda na ang garden chapel malapit sa bahay ng kaibigan ko sa Tagaytay, pero walang sinabi yun sa ganda ng puting chapel sa Agapi Nisi.  Pumasok kami sa loob ng chapel.  Napasimple nito kung ikukumpara sa gintong pader at bagay sa loob ng Manila Cathedral.  Pero madarama mo ang kapayapaan sa kasimplehan ng chapel.

“Ang magical too.  Did you know that most couples who got married here stay together until eternity?”  Napangiti ako sa sinabi ni Helen.  Nakikita ko sa mga mata niya, nagniningning sa tuwing ltinitignan niya si Demetri.  Mahal na mahal niya ang asawa.

Tinignan niya ang altar at bumuntong hininga.  “Demetri and I got married here in April 2, 1983.  Thirty-two years and counting.”  Inumpisahan niyang ikwento ang mga taong nagpakasal sa chapel na yun.  Dahil lahat sila nagtatagal ang pagsasama.  Tinignan ko si Pavlo.  Tahimik siya magmula nang dumating kami ng Agapi Nisi.  Hindi siya kumikibo at parating malayo ang isip.  Lumalayo siya sa akin sa tuwing tatabi ako sa kanya.  Kagaya kagabi, sa sofa siya natulog imbes na magkatabi kami ng kama.  Ngayon naman kausap niya si Demetri at tinignan ang mga bagong alak na pinatatanda sa mga barrels.  Lumabas kami ng kapilya para hanapin ang mga asawa namin.

Napatingin ako sa chapel at inisip na kung ano kaya kung dito kami nagpakasal ni Pavlo at hindi sa harap ni Elvis?  Mapapawalang bisa kaya ang contract namin ang habambuhay na magsasama?

“Pavlo!”  Narinig kong tinawag siya ni Helen.  “You should be with your wife.  You are on a honeymoon.  Demetri, come here.”  Hindi ko na naintindihan ang sunod na sinabi niya dahil Griyego na ang gamit niya.

“You and Pavlo should be together now and making babies.  He should not be thinking about business.  You should enjoy each other and making love.  Tomorrow you will be going home ane making money.”  May mga sumunod siyang sinabi na hindi ko na maintindihan dahil Griyego na ang gamit niya.

Bumalik ulit ang atensyon ko sa chapel.  Simple lang ang pagkakagawa.  Napapalibutang ng berdeng sanga ang paligid.  Payapang-payapang tignan mula sa malayo at lalo na sa malapitan.

“Ehem,” narinig kong sabi ni Pavlo.  “Are you ready to go?”

“Magical daw ang chapel na ‘to.  Ang mga nagpapakasal raw dito, nagsasama ng matagal.”

Wala pa ring emosyon ang mukha niya.  “I see.  That is good to know.”  Hindi ko mabasa ang nasa isip niya.

“Nakikita mo ba ang sarili mong ikinakasal dito?”  Tumingin siya sa malayo at bumuntong hininga.

“George, whatever we have now will not change.  Our marriage has an expiration whether we like it or not.  It is only for a year.”  Feeling ko may nakabarang malaking holen sa lalamunan ko.  Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko.

“Whatever you are imagining about us, it will not happend.  I married you because it is in my yiayia’s will.  At ikaw, pinakasalan mo ako para sa ancestral house niyo.  George, I am doing this to protect you.  Hindi ko gustong masaktan sa magiging kahihinatnan ng pagsasama natin.  Whatever you are feeling for me right now, stop it.”

A Wife for a WhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon