Pilit ang aking ngiti na pahayag, hanggang sa ako na ang kusang kumalas sa pagka hawak ko sa kanya unti-unti...

I must mad at her, sisigawan, sasampalin, pag sasabihan ng masama ganoon dapat ang ginagawa ko sa kanya ngayon...pero paano ko gagawin kung sa sobrang hapdi ng nararamdaman ko ngayon ay natakasan na rin ako ng lakas...a-at parang mas lalo akong masasaktan kung iisipin ko man mangyari iyon...

"T-take care, ava."

Sabay talikod ko na lang dito upang umalis na sa kanyang kwarto. Kahit naman siguro hindi ko napag handaan ang ganitong scenario kailangan ko pa rin maging matatag dahil sa ngayon ang sarili ko na lang ang kakampi ko.

"Shan."

"Y-yes dad?"

"Where is...your little sister..."

"She's in her room...b-by the way ingat po kayo sa flight nyo, pasensya na hindi ko na kayo maihahatid dahil may urgent na gagawin sa company."

"Company? But its already late."

"Time is not sleeping dad."

Akin pang pag bibiro habang isang pekeng ngiti lang ang binigay ko dito at hindi na hinintay pa ang kanyang susunod na sasabihin dahil mas minadali ko pa ang pag lakad ko para lang maka punta saking kotse.

Subalit, bago pa man ako tuluyan makapasok saking sasakyan ay agad akong hinarangan ni yaya at umiling-iling.

"I-iha, m-mag paalam muna tayo sa kanila bago ka umalis..."

"Yaya...hindi naman na nila kailangan iyon...alam ko na mapa-pabuti ang kanilang flight."

"Pero, sigurado ka na ba na ayaw mong silang mabigyan ng huling sulyap?"

"..."

"Iha, Shan...ayaw kong pag sisihan mo ito sa bandang huli lalo na't kung matagal-tagal mo ulit sila maka-kasama."

Marahan na paliwanag ni yaya, na kahit papaano ay sumangayon ang aking sarili. Hindi ko na rin naman na alam ang mga susunod kong gagawin dahil napagod rin ang sarili ko pilitin na ayaw ko na syang makita...

Hudyat yun para dito na lang mag hintay sa labas kasama si yaya na ngayon ay tahimik lang na kagaya ko habang taimtim na ninamnam ang tahimik na paligid...kahit na nasa ibang destino ang isip ko ngayon.

Hindi rin naman nag tagal ng ilang oras ay nakita na namin sila dad na lumabas dala ang isang maleta na hawak ng driver at kasunod yun ay ang tahimik na si ava.

Ayaw ko na sanang lumapit dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko mapipigilan ang aking luha. Pero dahil katabi ko si yaya, eh ito ang nag kusang hilain ako para lapitan sila.

"Sir, mam, mag iingat po kayo sa pag lalakbay ninyo."

"Maraming salamat yaya...ikaw na rin po bahala sa anak ko ah..."

"Opo sir makaka asa po kayo..."

"Shan, anak ingat ka."

Baling nito sakin at isang ngiti lang ang aking binigay. Hanggang sa tuluyan na maka alis ang kanilang sinakyan eh wala man lang kaming nakuha na isang salita mula kay ava...

Subalit hanggang ngayon ay nakatayo pa rin kami ni yaya sa aming pwesto...

"Say yaya...karapat-dapat po ba talaga na maranasan ko ang ganitong sitwasyon?"

"Sadyang may mga panahon lang talaga iha na hindi nagiging sang-ayon sa kagustuhan mo ang mga nang yayari sa iyong paligid..."

"B-baka po dahil sa ginawa kong mga kasalanan ay ito na ang naging balik sakin..."

"Iha, kung ako ang tatanungin mo sa ganyang bagay...sa tingin ko hindi matatawag na isang karma ang sitwasyon ng isang tao  kung ang hangarin lang naman nito ay mag mahal  sa ibang anggulo at pananaw..."

"Y-you already know too?"

"Para saan pa't ilang taon ko na kayong inalagaan iha..."

"You... didn't feel disappointed?"

"Siguro kung kabilang ako sa mga tao na katulad ng lalaki mong kaibigan...posible na mangyari iyon...pero ako ang yaya mo eh."

Mahihimigan ang lambing sa boses na pahayag ni yaya, dahilan para ang kanina ko pang pinipigilan na luha ay sya ang dahilan kung bakit nanlalabo na naman ang aking paningin.

Ang akala ko ay ako na naman ang mag isa na naiwan sa masakit kong naranasan katulad ng dati, pero ayun pala ay nasa paligid ko lang ang hindi ko inaasahang naniniwala at nakaka intindi pa rin sakin.

"Mam shan, naniniwala pa rin po ako na may dahilan ang mga nangyayari. nawa'y wag po kayo mapagod na hintayin ang mga kasagutan na iyon."

Dugtong pa nito habang hinahagod ang aking likod at isang pag hihinagpis lang ang aking nasagot dahil sa halu-halong emosyon na aking natamo...

-----------

Mashiro99~

MY STEP SISTERWhere stories live. Discover now