The Forbidden School : Grim Reapers

Start from the beginning
                                    

Marunong naman din kami ng Mandarin,Japanese,Cantonese,Spanish,French,Latin,Korean at ngayon yung sign language...(Magpm nalang kayo kung gusto niyo malaman yung iba pa naming rason ng pagaaral ng ibang language.)..

 Habang naglalakad ako papuntang sakayan may itim na Van na biglang tumigil sa harap ko kaya mabilis na tinuntun ng kamay ko ang maliit na kutsilyong pahalang na nakalagay sa likod ng bewang ko.Napatigil akong bunutin yun nang biglang bumukas yung backseat ng van at bumungad sakin si Yohan na abot tengang nakangiti.

Binitawan ko agad ang hawakan at pasimpleng inayos ang pagkakasabit ng backpack sa balikat ko...

"Yohan,ikaw pala? Ginulat mo naman ako!".

"Hahaha,im sorry to scare you,my love.Hop in,sabay na tayo!"..

"Ay naku wag na! Nakakahiya naman! Isa pa baka pagisipan tayo ng masama ng mga kapitbahay ko schoolmates pa naman natin sila?"..

"Hayst! Wag mo silang isipin,ang importante yung tayo.Wala naman silang magagawa pagnilegal na kita sa buong campus eh,diba?"..

"Yohan,ano kasi..."Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya kong hinila papunta sa loob ng Van niya at isinara kaagad niya yung pinto...

"Yohan please naman wag mo naman akong hilahin na parang ganun? Feeling ko di mo ko nirerespeto eh!"Napawi ang ngiying tagumpay niya sa sinabi ko..

"Naku! S-sorry Mahal! Hindi ko sinasadya! Promise sa susunod hindi nato mauulit."Paghingi niya ng tawad na may kasamang panlalambing..

"Sige palalampasin koto pero wala nang susunod ah!"..

"Promise!"Nakangiti niyang sabi at ipinagdaop ang dalawang kamay...

Pagkarating namin ni Yohan ay bumaba kaagad kami ng Van at pumasok na sa school.I know that everyone hate me because Yohan is into me,pero wala akong magagawa kung ayaw akong tantanan ni Yohan!.Ramdam ko ang init ng mga matang sumasaksak sa likuran ko ngayon habang papasok kami.

Yumuko nalang ako at sumabay kay Yohan sa paglalakad...Idinaan muna ako ni Yohan sa classroom ko bago siya umalis para pumasok sa klase din niya,nasa section 1 kasi ako at nasa section 2 naman si Yohan kaya magkatabi lang ang classrooms namin....

 Fast Forward... 

Hapon na at Mapeh ang last subject namin kaya sa gym natapos ang araw namin.Naiwan lang ang iba samin para magligpit pero dahil president ako ay nagpaiwan ako para ayusin ang mga forms ng iba pang sections....

A little fast forward...

Mag aalas saiz na nang makalabas ako ng Gym,naka Taekwondo gear uniform ako ngayon dahil nagpractice kami kanina.Taekwondo player kasi ako kaya di ko na kailangan sumayaw sayaw para sa grades ko sa P.E...

Paalis na sana ako nang mapadaan ako sa Basketball Quarter at may narinig akong bagay na di ko dapat marinig...mga ungol ng babae at lalaki.Ang babastos! Pati ba naman eskwelahan,di pinatawad sa mga kalaswaan nila?! Kunsabagay sa ganitong mga oras wala nang tao sa school eh kaya siguro nagkalakas ng loob!..Out of curiosity ay tinignan ko kung sino ang mga yun.

Halos mawalan ako ng hininga nang makita ko si Yohan na inaano ang babae tapos pareho pa silang hubot hubad.Napatakip ako ng bibig dahil sa sobrang gulat,napaatras din ako pero nagulat ako nang maapakan ko ang basurang plastic cup.

Natataranta kong inakyat ang grills ng bintanang nakasara at nagtago sa bubong ng pinto.Tahimik akong napaluha habang nagtatago..Narinig kong bumukas yung pinto at sandaling tahimik ang naghari...

"Sinong nandyan?!Mag pakita ka kung matapang ka!!!"Sigaw ng Hayop na si Yohan.Pero walang sumasagot,malamang nagtatago nga diba?!! Saktong may nakita akong natutulog na pusa dito sa bubong,mabilis kong isinukbit ang paa ko sa tyan niya at sinipa siya papunta sa baba.Agad din naman nakabawi ng balanse ang kawawang pusa dahil mabilis siyang tumakbo palayo nang makalapag na siya sa lupa...

"Ano na babe? Naghihintay ako dito?!"Lalo pakong napaluha nang marinig kong tinawag siya ng babae niya.Ang babaeng yun!!! Boses ni Cassandra! Ang top two ng Class namin! Akala ko ba wala na sila?!..

"Sige babe,babalik nako!"Napailing ako at lalong umiyak ng tahimik habang nagtatago.Gusto ko silang pagsisipain at pagsusuntukin palabas ng Quarter pero pinilit kong isubmerge nmang sarili ko nang makapagisip ako ng maayos.

Nang marinig kong magsara ang pinto ay tumayo nako at nilakad ang pinakadulo ng bubong,pinilit kong hindi nakagawa ng ingay para naman hindi ako makaestorbo sa mga nagpaparaos,nakakahiya naman!..Nang marating ko na ang dulo ay tinalun ko nalang iyon,mababa lang naman.Tsaka ako tumakbo ng napakabilis at napakalayo hanggang sa makarating ako sa tabing dagat.Malapit lang kasi sa dagat itong public school namin mga ilang kilometro lang mula sa shore...maniwala kayo o sa hindi,tinakbo ko yun.

Nang makarating nako dun ay sigaw ako ng sigaw.

Wala namang makakarinig sakin dahil sobrang layo ko na sa mga bahay...

"Put*ngina mo Yohan! Gag* ka! Wag ka nang magpapakita saking Hayop ka,dahil nandidilim paningin ko sayo! Put* ka ng ina mo!!! Hinding hindi kita mapapatawad bwesit ka!!! Babalikan ko kayo ng babae mo balang araw makikita mo ang taong sinayang mo ang nagpapabagsak sayo!!!"Para akong baliw na sigaw ng sigaw at mura ng mura sa sobrang galit,poot at hinagpis.Nang magsawa ako ay tumigil nako at para akong nagsparring ng 500 rounds dahil latang lata ako.Sabaw din akong sumakay ng jeep at umuwi.

Nang nakarating ako sa bahay ay nagtaka ako dahil may magarang sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay namin.Malamang kay Yohan to! Mabilis kong binunot yung kanina ko oa gustong bunutin.Kalmado akong pumasok sa loob at naabutan ko si mama na nakaupo at nakaharap sa pinto.May nakita akong lalaking kaharap niya pero nakatalikod ito sakin,nabaling ang tingin sakin ni mama at nakita ko ang luha sa mga mata niya.Itinago ko sa likuran ang kutsilyo ko.

Dahil walang alam si mama tungkol dito.Tumayo yung lalaki at Humarap sakin,di ko maexplain pero iba yung feeling ko sa kanya... 

"Anak! Nandito kana pala?"Usal ni mama at pinunasan ang luha..

"Anong problema ma? Sinaktan ka ba ng lalaking to?!"Saad ko at tinutok sa lalaking kaharap ko ang kutsilyong hawak.Mabilis namang humarang sa kanya si mama at itinago siya sa likod niya...

"Anak kumalma ka,pwede?"Wika ni mama habang tumutulo ulit ang luha...Anong kaganapan to?!..

"Anak please,ibaba mo yang hawak mo!"Pakiusap ni mama na sinunud ko din naman para sa kanya.Pero gumawa lang siya ng hindi ko gusto di ako magdadalawang isip na pabulusukin papunta sa kanya ang hawak kong kutsilyo,baka di niya alam na asintado ako?!..

"Okay mama,sino yang lalaking yan at bakit ka umiiyak? Pinagbabantaan ka ba niya,ma?"..

"Anak makinig ka muna okay? Ang lalaking ito ay si Dennis...ang ama mo...."...

#VoteVoteNa

The Forbidden School : Grim ReapersWhere stories live. Discover now