"Pamilya lang kasi talaga namin ang balak na kasama, tapos tatlong Ninang at isang Ninong.. ayaw ni Hubby ng maraming bisita ehh.."

"Ganon? Nakakahiya naman.."

"Ano ka ba! Alam naman ng Asawa ko na iinvite kita at sila Miss Celine.."

"Miss Celine???" takang tugon ko

"Oo! Yung kasamahan ko sa hotel? Naalala mo?"

😳😳😳😳😳😳

Kilala ko si Miss Celine, kaibigan ni Lou yon sa trabaho..

Kung andito siya, possibleng andito si...

"Siguro naman Maam wala si Lou diba?" sarkastikong usal ko kay Miss Aya

Tiningnan ako nito at halos hindi makasagot!

😒😒😒😒😒😒

Wag naman sana, hindi pa ako handang makita uli si Lou ngayon..

"Hi Miss Aya!"

Boses ng babae mula sa likod ko, tiningnan ko si Miss Aya at tila nanlaki ang mga mata nito..

"Ahhhhh--- Ja----Jas..." nauutal na usal niya

Hayyyyy... akala ko si Lou na...

😴😴😴😴😴😴

"Tara na Maam! Kumain na tayo, kanina ka pa namin hinihintay nila Celine doon! Gutom na kami.."

"Ha? O---oo sige, kakain na tayo.."

"Siya na ba yung bisita mo Maam? Hi Im Jas!" usal nito sakin

Lumingon ako at humarap sakanya..

"Im----" natigilan ako

😳😳😳😳😳😳

"Lo--Lou???" gulat na usal ko

"Mi---Miss Aya akala ko ba---" usal ni Lou

"Lou sorry, nawala sa isip ko na isasama ko pala siya dito! Shocks! Sorry Lou!" paliwanag ni Miss Aya

"Maam hindi mo naman nasabi sakin na andito pala si Lou.." seryosong usal ko

"Ehhh kasi--- ano eh--- nawala sa isip ko, kasi--"

"Hayaan mo na Maam, uuwi nalang ako agad.." tugon ko

"Ha?? Teka... Eh bakit naman? Sir Alex sorry na---" usal ni Miss Aya

"Wow! Parang ikaw pa ang affected! Parang ako pa yung may malaking pagkaka-maling nagawa sayo! Iwas na iwas ka ha?" sarkastikong usal ni Lou

"See? Kaya ayoko magkita tayo.."

"E di umalis ka! Kala mo naman gustong-gusto ko makita ka?! Ang kapal mo!"

"Oppps! Magkakilala ba kayo?" usal ni Jas

"Ex ko!" sabay na tugon namin ni Lou

😖😖😖😖😖😖

Bakit ba kasi hindi sinabi ni Miss Aya na invited pala si Lou!

Walang mangyayari samin dito kundi ang mag-talo at mag-ungkatan ng nakaraan!

"Sorry Maam, ayoko ng gulo, ayoko masira ang party niyo, mas okay kung uuwi na ako.." paalam ko kay Miss Aya

"Ha? Te----teka!! Sir Alex---"

Tumalikod ako at iniwan sila..

Ayoko na talaga makipag-talo pa kay Lou, hindi niya ugaling makinig lalo na pag nagse-selos siya..

My Quarantine GirlΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα