Napatingin ako kay Ral na tahimik na hinihiwalay ang gulay na nasa plato. Nang nakita niyang nakatingin ako sa kanya ay ibinalik niya iyon kasama ng ibang ulam.

"Sure kayo, Mama? Natatakot kasi ako at baka maulit ang nangyari noon..."

"Kaya nga magpaalam muna kayo lagi sa amin. Mas matanda na rin kayo ngayon kumpara noon. I'm sure your friends now are more careful when it comes to your safety. Dahil kapag may nangyaring hindi maganda sa kanila habang nandito sa bahay natin, responsibilidad pa rin natin iyon."

Tumango ako kay Mama at tipid na ngumiti. "I'll provide them our house rules na lang din siguro, Ma. Tapos kapag may lumabag, hindi na makakaulit?"

Siyempre, natatakot din talaga akong maulit ang nangyari noon sa dati naming bahay. Mabuti nga at wala namang nasaktan sa amin noon. Kasalanan ko rin siguro dahil umaga iyon nangyari habang wala ang mga magulang nang nag-imbita ako ng mga kaibigan.

"Next year, palalagyan na rin siguro ng rooftop itong itaas natin," dugtong ni Papa.

Ang usapan namin sa gabing iyon ay tungkol sa pagpapagawa pa ng kung anong gusto naming idagdag sa bahay. Open discussions within our family somehow washed off my troubled thoughts.

I spent a couple of hours studying with Axasiel online before I slept that night. Wala pa akong nasasabi tungkol sa nangyari noong umaga dahil ayaw ko rin namang bigyan pa siya ng problema.

"Pa? Wala po kayong pasok ngayon?" ang bungad ko kinabukasan nang bumaba sa aming sala at naabutan siyang nanonood.

Paano ba naman, nasanay na rin akong magising na ako na lang mag-isa tuwing weekdays dahil ako lang naman ang tanghali pa ang pasok. Maliban na lang kung kailangan kong pumasok ng umaga, sumasabay ako sa kanila.

"Kumain ka na. Anong oras nga ang exam niyo ngayon? Alas dies?" He wasn't even looking at me.

"Yeah, but... why are you still here? Hindi po kayo papasok?"

Sa wakas ay nilingon niya na ako. Nakapamaywang pa ako.

"Hindi."

Kumunot ang noo ko. Napailing na lang ako at dumiretso na sa kusina para maghanda ng makakain. Hindi ko alam kung anong trip ni Papa ngayon at himalang hindi papasok. Anyway, I guess he'll just work from home? Perhaps taking a rest?

Siya nga ang naghatid sa akin sa UdLAT gamit ang isang sasakyan namin pagkatapos akong pagmadaliin sa pagkilos dahil malamang sa malamang, heavy traffic na naman. Ito pa naman ang hirap kapag nakakotse, hindi makasingit.

"Pa, dapat kasi nag-commute na lang ako, e. Mas mabilis pa kapag nag-LRT."

Mas inconvenient nga lang mag-commute but at least it was way faster to arrive at the university.

"Sa susunod ka na lang mag-commute. Anong oras ang tapos ng last subject mo?"

I emitted a sigh and scratched my jaw. "Probably mga alas dos? Ala una ang P.E namin at mga isang oras lang naman siguro ang exam doon."

Tumango siya. Gumalaw na ang sasakyan sa harapan namin kaya umabante na rin ang sa amin.

"Sabay ko na lang kayong susunduin ng kapatid mo."

"What? I can go home on my own, Papa. Kahit si Ral na lang po ang sunduin niyo. Maghihintay pa siya ng isang oras kung isasabay niyo pa ako."

"Nakausap ko naman si Ral at ayos lang naman 'yon sa kanya. Huwag ka na ngang magreklamo. Mabuti nga at makakatipid kayo sa pamasahe."

My eyes squinted when I realized something. He told me yesterday that he'd hire us a driver! Does he mean himself?

"Pa..."

Melting You Softly (Student Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon