Chapter 2

3.8K 201 268
                                    

Chapter 2

Nagmakaawa ako sa mga teacher namin sa loob ng faculty room para makapagpasa ulit ng mga requirement. Desperada na talaga ako. Apat na subject iyon, alanganin pa.

Hindi pa naman kataasan ang quizzes at long tests ko. Kapag bagsak lahat ako roon, hindi lang remedial ang aabutin ko. Uulitin ko pa ang buong Grade 12. Ang laking hatak ng mga final requirement sa amin ngayon.

Kaya pala tiles na rin ang sahig namin sa room ay para wala nang manuhol na floorwax at basahan na lang kapalit ng additional grade.

"Raghnall, please, please, please? I promise you, this will be the last time I'll ask for your help!" Nakaluhod at magkadikit ang palad ko habang nasa gilid ng kama niya.

I didn't tell my parents about my academic problem. Si Mama, siguradong pagsasabihan ako at kahit kalmado pa siya, mararamdaman ko talaga ang mga invisible knife na lumilipad patungo sa akin.

At hindi naman din ako matutuwa lalo kapag nalaman iyon ni Papa. Magiging proud pa 'yon dahil nagbunga ang paglalaro at pagpupuyat ko-at iyon ang bumagsak sa klase. Gusto niya kasing patunayan na may napupuntahan ang pinaggagagawa ko.

Oo, pupuntahan ko talaga ulit ang Grade 12 kapag bumagsak nga ako. At ano 'to? Kay Papa lang applicable ang sinabi kong purpose in life na 'to make my parents happy and proud?

"Ayoko, Ate Izzy," pinal na sagot ni Ral.

Ngumuso ako. "Ral naman, parang hindi kapatid."

"Parang ayaw ko na nga po," he retorted monotonously while reading his comic book.

Grabe na talaga. Paano tumatalino ang kapatid ko sa pagbabasa niyan? Baka may secret page diyan kung nasaan ang answer key sa susunod nilang exam sa lahat ng subjects kaya siya nakakapasa?

"Payag akong maging slave mo kapag pumayag ka!" huling tawad ko.

Isinara niya ang hawak na libro at nilingon ako. Ngumisi agad ako.

"You'll be my slave for one week?"

He sounded so innocent but I know him better. But I've really got no choice. May exam pa kami sa Monday at ang lala dahil hindi pa ako nakakapag-review. At sa Monday na rin ang deadline na palugit sa akin. That's the first day of our exam. Hihingi pa sana ako ng palugit na kahit pagkatapos na lang ng exam pero nakakahiya na.

At siyempre, may deduction pa 'yon.

"Isang araw lang—"

Akmang babalik na siya sa pagkakasandal sa headboard ng kama kaya naman binawi ko agad.

"Fine! One week!"

"Kahit ano pong utos?"

Wow. Nag-po pa nga. Magalang 'yan?

"Kahit ano, basta hindi 'yong maaapakan ang pagkatao ko."

He nodded. "Get your things now, Ate."

My knees hurt and my legs wobbled as I stood up from the floor. Okay lang masaktan, wagi naman kay Raghnall.

May kapangyarihan kasi si Ral na mangopya ng penmanship ng iba. He just have to imitate mine and rewrite all my written projects and voila. It may be hard for others but it is a facile work for him. Bukod doon, marami pang nagagawa ang makapangyarihang kamay niya na hindi kayang gawin ng karamihan.

Kaya ko namang gawin din iyon kaya lang, hindi na ako makakapag-aral nang maayos para sa exam kapag may inaasikaso pang iba. Ayoko ngang bumagsak pati sa exam.

Kinuha ko na mula sa kuwarto ang mga kailangang gamitin para sa orasyon niya. I was hugging them all when I returned to his room, only to catch sight of Axe sitting on my brother's gaming chair.

Melting You Softly (Student Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon