Prologue

10.9K 297 453
                                    

Prologue

Ako lang ba 'yong estudyante na papasok para sa attendance dahil kasama sa grading system? Gagawa ng school works dahil kasama rin sa grading system? At higit sa lahat, magre-review para sa exams na kasama rin sa grading system?

It's as though I'm just going to school to meet our teachers' requirements so I can pass a grade level and proceed to the next school year. Gusto ko rin namang may matutunan kaso ano'ng magagawa ko kung ito lang naman ako?

Hindi talaga kaya ng utak ko na i-absorb ang lahat ng impormasyon na itinuturo sa amin, e. Ano bang utak 'to?

"Kapag gusto, may paraan. Kapag ayaw, maraming dahilan. Puro ka lang talaga dahilan, ayaw mong gumawa ng paraan."

My ears bled at once upon hearing the extensively used proverb from my little brother's mouth.

Oo nga. Siguro kaya hindi ako makapag-focus sa pag-aaral ay dahil may iba rin akong ginagawa. May mga dahilan ako. But at least, I don't fail my subjects. Pasang awa, puwede na 'yon.

Grabe. Nakakapagpalubag ng loob 'yon, Izzy?

"Bakit kasi inuna mo 'yang paglalaro? Alam mong deadline na 'yan bukas ng umaga, Willie."

Ouch. Tinamaan naman ako, kapatid.

Napayuko ako ulit sa patapos ko nang essay habang sinisipsip ang paborito kong Chupa Chups lollipop.

Maraming salamat sa lahat, Google, Quillbot, at Grammarly, sa pagtulong na makamit ko ang inaasam na 1000 words essay. Maraming salamat din sa patnubay ni plagiarism detector para maiwasan ang kapahamakan sa buhay.

Isa kayo sa mga tunay na bayani naming mga estudyante lalo na sa mga mahilig mag-procrastinate. I can't totally express how much grateful I am that you exist. 

Sa wakas, makakakain na rin ako ng Pocky. My sweet and lovely Pocky.

"Oh? Ba't mo 'ko minumura diyan? Ang ayos ng pagtatanong ko kanina sa 'yo para sa update ng part mo sa project natin tapos mumurahin mo ako ngayong ikaw naman ang may pagkukulang?"

I glanced at him with parted lips. Nakadekwatro siya habang nakasandal sa headboard at hawak ang iPad. Nakasuksok naman sa kaniyang tainga ang airpods habang may kausap. 

Hinawakan ko ang stick ng lollipop para alisin sa bibig. "Raghnall."

Isang tawag at kahit may suot na airpods ay tiningnan niya ako. Mata nga lang niya ang gumalaw dahil nanatili siyang nakaharap sa gadget niya.

His stoic visage remained but his brow puckered up. "Are you done, Ate?"

Tumango ako.

Despite being the younger brother he is to me, he's definitely more disciplined when it comes to academics... and many other things, I guess. Moreover, he often acts like he's the older one. Still, he's my baby, and he will always be a baby to me.

My parents knew that I had this habit of keeping my work to be done later and ended up rushing them at the last minute before the due. For some reason, medyo tumatalino ako kapag ganoon ang siste. Or that's just what I say.

'Yong sabay-sabay na school works na ginagawa ng iba sa loob ng ilang araw, linggo o 'di kaya ay inaabot pa ng isang buwan? Nagiging dalawang oras na lang sa akin. Ang tawag doon ay skill featuring pressure.

Pero siyempre, hindi ko naman magagawa agad 'yon kung hindi lang din dahil kay Raghnall. Madalas niya na kasing chine-check kung may assignments or projects kaming hindi ko pa nagawa.

Tumayo siya mula sa kama pagkatapos ibaba roon ang iPad at airpods bago lumapit sa akin. Pursing his lips, he scanned the notes he wrote in my notebook before he thoroughly checked my written works. It could've been easier if they all were to pass online or at least the printed ones. But we were unlucky. Ganito ang gusto ng teacher namin, e.

Melting You Softly (Student Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon