"Tapos na ang exam niyo sa first subject?" she asked and returned to her search operation in her bag.

Umupo ako sa tabi ng kanyang malaking bag at ipinatong ang sariling bag sa ibabaw ng hita. Kinuyakoy ko ang aking mga binti.

"Oo. May two hours pa kaming break for next subject. We just met a few of your classmates on the stairs." Ngumuso ako. "Ano bang hinahanap mo?"

"My long wallet," she answered and sighed exasperatedly, straightening her back before glancing at me. "May extra money ka ba diyan? Kanina ko pa hinahanap ang wallet ko diyan sa bag at sa kotse, wala talaga."

"Meron naman. Magkano ba ang kailangan mo?"

Binuksan ko na ang sariling bag. Maliit na backpack lang iyon dahil exam lang naman ang gagawin ngayon.

"Kahit one hundred lang."

"Would that be enough? Kumain ka na ba?" I asked while opening my own wallet.

"Hindi pa nga, e. I'm not that hungry naman. Pero aayusin lang muna namin sa kitchen 'yong ibang niluto namin kanina tapos kakain na rin siguro."

I pulled out a crispy yellow bill instead of violet and handed it out to her. Pinaypay pa niya iyon sa kanyang mukha habang ang isang kamay ay nasa balakang.

"Bayaran ko na lang 'to mamaya. Kainis kasi. Botcha pala 'yong biniling karne ng baboy ng mga kasama ko kahapon. Kanina lang napansin kaya bibili ulit. Abonohan lang muna namin since wala pa 'yong iba naming kaklase."

My brows met. "They bought botcha?"

"Oo. Someone volunteered to buy in the public market since the price there is cheaper than in the supermarket. Nga lang, hindi naman pala marunong tumingin kung fresh pa ba 'yong karne. Kaya pala nagulat ako noong sobrang mura dahil natawaran daw nila. Gosh! Ako na lang pala sana ang bumili kung alam ko lang!"

Annoyance was evident on her voice and the way she rolled her eyes. Bakit may nagbebenta pa rin ng botcha, e, bawal na 'yon?

Sa palengke rin naman kami bumibili minsan ni Mama ng mga karne o isda kapag para sa amin lang dahil totoong mas mura doon at nakakatawad pa. You just really need to know the basic knowledge and have keen eyes to know if the meat or fish is still fresh.

The consumption of double-dead meat or botcha could cause diarrhea and food poisoning, so buyers should always be cautious when they buy in the public market. Kung wala namang alam tungkol sa ganoong bagay, mas safe na bumili na lang sa mga supermarket o meat shop mismo.

"Saan kayo bibili niyan ngayon?"

"Sa supermaket na malapit dito. 'Yong kitchen manager na lang daw namin ang bibili para sigurado na."

Tumayo ako bitbit ang bag at hinila pababa ang palda na umangat.

"Okay. Kitchen lab lang naman kayo, 'di ba? Sa third o fourth?"

"Third lang. Sige na, sumunod ka na sa mga kaibigan mo," aniya at tumango.

"I'll buy your lunch na lang. Ano bang gusto mo?"

"Ako na lang, Eria—"

"Ako na nga ang bibili, e. Babalik din naman kami rito. Basta 'yang limang daan, utang mo pa rin."

Humalakhak siya. "Fine! Chicken wings na lang. Garlic parmesan. Tapos samahan mo na rin ng coffee jelly for drinks. Inaantok ako, e."

"Okay. Iakyat ko na lang doon," I said and waved a hand.

My pace was rapid as I went to Dagohoy and searched for my friends. Mabuti na lang at naroon lang sila malapit sa entrance kaya hindi na ako nahirapang maghanap. Iniwan ko lang muna roon sa table namin ang bag ko bago pumunta sa stall kung saan nagbebenta ng chicken wings.

Melting You Softly (Student Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon