My tongue rolled over my lips as I shut my eyes tightly. Nasapo ko ang noo at padarag na naupo ulit. My heart was pounding harshly.

"Ate Izzy," Ral called from their table.

Napalingon ako sa kanila at hilaw na ngumisi. "Ah, sorry sa abala. Don't mind me."

Binalewala ko na lang ang tungkol sa text dahil mukhang kakilala ko lang iyon at nanti-trip lang. Hindi rin naman nagtagal nang nagsitayuan na ang grupo nina Ral at Axe. Naunang nakalapit si Ral sa puwesto ko at agad kinuha ang bag sa aking tabi.

"Let's go, Ate," aniya at humikab.

Sumunod naman ako sa kanya pero hinintay ko rin si Axe na kinausap pa ng ilang kaklase. When he was done talking, he nodded his head to his classmate and stalked toward my spot.

Bahagyang umusli ang sulok ng kanyang labi. "Tara na po..."

Ngumiti ako at magkatabi kaming naglakad palabas ng library. Namataan namin sa labas ang kapatid kong naghihintay habang nakakunot ang noo.

"Isusumbong talaga kita, Ate, kapag nalaman kong may klase ka pa pero hindi na pumasok."

Ngumiwi ako sa kanya. "Wala na nga! Kahit itanong mo pa sa mga kaklase ko. Nagsabi na 'yong prof namin."

"Tss..." His eyes rolled as his strides sped up, totally leaving us behind.

I mimicked his expression and chuckled. Lumingon ako kay Axasiel nang hawakan niya ang aking palapulsuhan habang naglalakad.

"Sino pong hinahanap mo kanina sa library?"

Nawala ang ngisi ko sa tanong niya. Nagsalubong ang kilay niya habang magkalapat ang labi at nakatitig sa akin.

"Wala 'yon," I replied and smiled. "Nga pala, gusto mong dumaan muna sa bahay namin? Maaga pa naman, e. I'll prepare snacks for you and Raghnall."

Simula noong nakita kong napaka-unhealthy ng lifestyle niya pagdating sa pagkain habang nakatira siya sa katapat naming bahay, I went to their original house and talked to Tita Dias regarding that. Kaya naman simula no'n ay doon na ulit sa kanila tumira si Axe. Hindi rin naman siya umangal.

Alam kong ang pagpupuyat ay isa rin sa mga bagay na hindi magandang gawain at inaamin kong ganoon ako. People might even say that I'm in no position to tell someone to fix their lifestyle when I can't even do it to my own.

Then, I realized that people are naturally caring and thoughtful to the person they cherish the most, even if it means putting them first before ourselves. Parang mga magulang na nag-aalala sa kanilang anak, ganoon din ako sa pamilya at mga malapit sa amin.

Hindi sumagot si Axe at tumingin na lamang sa nilakaran namin. Binawi ko ang pulso sa kanya para kumapit sa kanyang braso. Still, he didn't spare me even a glance but he seemed to be in a deep thought.

"Axasiel," nakalabi kong tawag at niyugyog ang braso niya. "Please?"

Umusli ang kanyang nguso at tipid na tumango. Lalong lumawak ang ngiti ko.

Dumaan muna kami sa pinakamalapit na Watson sa lugar namin para bumili ng black shampoo. Nga lang, natagalan pa dahil nadagdagan ang binili ko.

"These are all essentials for me so don't give me that look!" pagtataray ko nang nakalabas.

Paano ba naman, pagkabukas pa lang ng pinto ay nakaabang na silang dalawa, nakahalukipkip at tila may atraso ang hawak kong malaking paper bag sa kanila kung makatingin.

"And, uh, may pagkain din kasi akong binili para sa atin. So it's okay!" dugtong ko pa.

Tinamad nga ako noong dumating ang Thursday sa pagkukulay ng buhok. I stayed up late this morning that I only woke up past 3 in the afternoon. Pagkababa ko para kumain ay naroon na si Ral at nanonood ng TV kasama si Axasiel na naka-uniform pa.

Melting You Softly (Student Series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin