"Okay lang. Hindi naman ako nasaktan," I told the senior high student.

"Sorry po talaga," ulit niya at yumuko pa.

Axasiel blocked my view of his classmate with his broad shoulder. Nakaputing shirt na lang siya at hindi na suot ang lanyard. Pinasadahan niya ng tingin ang ibabang parte ng katawan ko.

"Siguradong ayos ka lang?"

Tumango ako at lumingon sa paligid. Wala naman yata masyadong nakakita kaya ayos lang talaga.

"I brought my slippers just in case. Puwede mong gamitin muna para mas kumportable ka."

He didn't even ask me before he freed my arm and turned his back on me. Napatingin ako sa katabing table nila nang magsitayuan ang isang grupo ng estudyante roon. Lumapit ako roon at agad hinila ang upuan sa pinakadulo para makaupo.

Ipinatong ko ang bag sa upuang nasa kaliwa bago hinugot ang phone na inipit ko lang sa gilid ng waistband ng palda. An instant stretch of my lips surfaced when Axe materialized beside me.

He hunched a fraction with his palm resting on the edge of the table. The long, bluish veins from his wrist to elbow pit became visible to my sight.

"Wala na ba kayong klase?" mababa ang kanyang boses nang nagtanong.

Tumango ako at kinuha ang plastic na hawak niya sa isang kamay.

"I'll wait here until you finish para sabay-sabay na tayong umuwi. Doon ka na..." Sabay nguso ko sa likuran niya pagkatanggal ng lollipop sa bibig.

Nanatili ang singkit niyang mga mata sa akin. "Nagugutom ka ba?"

"Hindi naman," sagot ko at inilapit ang hawak na lollipop sa bibig niya. "Ayoko na."

It caused his lips to create a thin space between them. Bumaba ang tingin niya sa candy bago tumungo pa para sakupin iyon ng bibig. Saglit akong tumunganga sa kanya at napakurap.

"D-doon ka na para matapos na kayo," I said nervously before looking down at my hand.

"Bibilisan na lang po namin matapos para hindi ka na maghintay nang matagal," he replied, tapping my head lightly.

I switched my heels with his black slides. Inabala ko na lang ang sarili sa paglalaro ng mobile games habang naghihintay sa kanilang dalawa ng kapatid ko. Nang bahagyang umingay sa table nila ay napalingon ako. They seemed to be discussing—debating rather, over ideas I couldn't grasp.

Nagtagal ang panonood ko sa kanila. I wonder how does it feel to be a smart kid? Is it usual for them to always discuss and argue over things seriously, trying to prove a point to someone?

Sa kapatid ko pa nga lang ay mahirap nang makipagtalo tungkol sa seryosong usapan, paano pa kapag marami na ang kalaban?

Nanginig ang kamay ko dahil sa phone nang may nag-text. My lips jutted out and creases formed on my forehead upon reading the message. Mula iyon sa hindi na naman naka-register na phone number.

Unknown:

I really miss you, boo. I hope you feel the same way about me :)

Lumubog ang ngipin ko sa gilid ng ibabang labi at hindi napigilan ang mga daliri na magtipa ng reply. Pinakawalan ko ang labi at sumandal sa upuan nang nai-send na.

Izzy:

Who's this?

Unknown:

Aw. Binura mo na ba ako sa alaala mo? :)

Do you mind if I sit next to you? You look so lonely sitting alone there..

Kumuyom ang kamao ko at marahas na tumayo mula sa kinauupuan. Dahil sa ginawang ingay ng upuan ay napabaling sa akin ang atensiyon ng ilang estudyante. Ignoring all their stares, I roamed my gaze around the area to search for the possible mystery sender.

Melting You Softly (Student Series #1)Where stories live. Discover now