Chapter 1.

0 0 0
                                    


“Mau pinatatawag ka ng dean sa office niya.” nakangiting saad sa akin ni Dea, my bestfriend. Tumango ako sa kaniya at niligpit na ang aking gamit na nakakalat. Kanina pa uwian pero nagpaiwan ako rito sa classroom, maagang nag dissmissal kanina kaya't tumambay muna ako rito.

“Samahan moko.” sinimangutan naman niya ako kaya natawa ako sa kaniya.

“Ano ako, Nanay mo? Bakit kelangan magpasama kapa ha? May date ako aber.” Pabiro niya akong inirapan at kumapit sa aking braso kaya natawa lang ako. “On the second thought, sasama pala ako. Shet, ang gwapo kaya ng dean natin hihi!” humagikhik pa siya na para mong tanga. Napailing iling nalamang ako sa inakto niya, walangya talaga.

“Sir, pinatawag niyo daw po ako?" bungad ko sa dean ng pumasok ako sa loob ng office niya, si Dea ay nagpaiwan sa labas dahil naka ispot nanaman ng ‘pogi’ sa labas.

“Oh Ms.Hermes, sit down. I thought nakaalis kana." Ngiting ani ng dean sa akin. He's Benedict Castro, 28 of age the dean of West University, Sir Benedict has the looks kaya't halos lahat ata ng babaeng kilala ko ay may gusto sa kaniya except me ofcourse. I'm not into those fangirl things.

“May kailangan po ba kayo?”

“Ah yes about that, Sir Ramos told me na ikaw daw ang pinaka highest sa buong batch niyo, we prepared some celebration and awarding this next Friday. I'm incharging you to manage your section dahil ikaw din naman ang President ng klase niyo. Each batch and section will have an assign theme color uniform. Can you?” Sir Benedict said and lean on his chair.

“Of course I can, Sir.” I smiled at him, assuring him that I can handle my classmates.

“Great, that's all I need to say. You can now go home Ms. Hermes, mukhang uulan pa ata.” I muttered thankyou and goodbye to him before exiting his office. I saw Dea chatting with a guy in the left corner of this hallway. I stayed in my position and wait for her to finish her ‘pakikipagharutan’ momment.

Minutes passed at napansin niya rin ako, sa wakas! Nagpaalam siya sa kausap niya at ngiting asong lumapit sa akin.

“Omg Mau! Ahihi, did you seen him? Ang gwapo no?” she cling unto my arms and we both walked towards the gate.

“Not that much thou,” Sinimangutan niya ako kaya’t natawa ako sa kaniya. “I'm kidding." Inirapan nalang niya ako bago magdaldal nanaman sa akin.

“Anong sinabi sa’yo ni Sir Benedict?” Intrigang pagtatanong niya sa akin.

“Tungkol lang don sa awarding at celebration next friday tsaka yung assign theme color ng uniform.” tumango tango siya.

“Ano kayang kulay nong atin?”

“I still don't know, tatanungin ko nalang si Sir Chan bukas.” I said.

“Inform mo agad ako bukas ha!”

“gege.”

“Una na ako sayo, ayan na sundo ko.” Kumaway siya sa akin bago siya pumasok sa kotse ng sundo niya.

Nginitian ko lang siya at naglakad na paalis. Malapit lang naman condo ko dito sa school kaya nilalakad ko lang.

Nasa lobby na ako ng building ng condo ko ng mahagip ng aking paningin ang tatlong lalaki nagaabang sa may harap ng elevator, kapag minamalas ka nga naman.

Napapabuntong hiningang naglakad ako patungo sa elevator, dalawa naman ang elevator dito sa building kaso inaayos yung isa kasi nasira kaya no choice ako kundi dito sumakay sa una.

Napansin kong taga West University rin ang mga lalaking ito dahil sa uniform nila, kulay gray na coat. It means ahead sila sa akin ng isang taon, grade 12 sila while me grade 11 palang. My coat color is black. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Writing The Pain You Gave. Where stories live. Discover now