chapter 18 jealous

18.7K 341 0
                                    

Naalingpungatan  ako ng bahagya at nangamba na baka wala na ang aking anak ngunit napansin kong nasa tabi ko lang pala ang aking supling at mahimbing na natutulog.

Nakatulog pala ako ulit napakunot ako ng noo ng may marinig akong mga boses ng babae at may nagtitilian pa na parang kinikilig pa.



Hinalikan ko ang noo ng aking anak at tumayo papunta sa bintana para silipin kung ano ang naririning ko na maingay.



Nakita ko sa ibaba na nagsisibak si eli ng mga kahoy at napakunot ang noo ko ng makita ko na ang daming mga kababaihan ang nanonood sa kanya doon.

Nabuhay ang inis sa katawan ko dahil walang damit si eli habang nag sisibak ng kahoy kaya malayang pinagpepyestahan ng mga mata ng mga kababaihan ang katawan niya.



"Hello pogi gusto mo punasan kita?" Sabi ng isang babae na sa tingin ko ay sobrang namumula na ang pisngi habang nakatingin kay eli.




Sa sobrang inis ko ay lumabas ako ng bahay para tawagin at papasukin si eli sa loob ng bahay. Nang maka labas na ako nakita ko na pinupinasan na nung babae ang pawisang mukha ni eli.




Tinawag ko si eli ng may kasamang pagsigaw "ELI!" Sabi ko nakita ko naman ang panlalaki ng mata niya.




Lumapit siya sa akin " h-honey! B-bakit tumayo kana agad hindi kapa pwedeng maglakad lakad baka mabinat ka."




Tinignan ko siya ng masama napansin ko ang paglunok niya na parang kinakabahan.




"Pumasok ka sa loob mag uusap tayo" sabi ko sa kanya.






"Talaga?" may ngiti na tanong niya at naging maaliwalas ang kanyang mukha.




"Oo. Kaya pumasok kana at magdamit ka, parang gustong gusto mo na pinapakita ang katawan mo?!" Sabi ko habang nakatingin ng matalim sa kanya.





"My wife is jealous" dinig kong bulong niya.



"What?!" Sabi ko.


"Ahm. Wala, sige tara na pasok na tayo"


"AH!" Napasigaw ako ng bigla niya akong buhatin pinalo ko ang braso niya "nakakainis ka!"




"Mahal din kita" sabi nya at kinindatan ako.





Follow me and vote.

My cold husband (Short Story)Where stories live. Discover now