chapter 15 ahhhh!

19.6K 386 9
                                    

isang buwan narin ang lumipas ng pagkikita namin ni eli sa kotse siya lagi natutulog. Minsan ay umuwi siya ng maynila akala ko ay hindi na sya babalik dito pero wala pa mang isang araw ang nakakalipas ng umalis siya ay nandito nanaman siya yun pala ay kumuha lang siya ng mga damit niya. Aba ang mokong may balak talagang dito manirahan!.


Kabuwanan kona ano mang oras ay manganganak na ako kaya todo ingat ako at pati ang mokong na laging kumukulit sa akin ay panay ang sunod sa akin san man ako magpunta. Kahit sa banyo lang ang punta ko ay gusto pang sumunod. Nakakainis!




Katatapos lang namin kumain ng tanghalian nagpasya si eli na sya nalang ang maghuhugas ng mga plato habang ako ay naka upo lang at kumakain ng mansanas.


naramdaman ko ang pag upo niya sa tabi ko.



"Ella please kausapin mo na ako. Umuwi kana sa bahay hindi na kita sasaktan pangako. hindi na ulit mang gugulo si kyra tatapusin ko na lahat ng ugnayan ko sa kanya." Sabi niya tumayo ako para umalis at pumunta nalang sa kwarto ko.


ngunit di pa man ako nakaka tatlong hakbang ng pigilan niya ako at hapitin ang kaliwang braso ko.


"Honey, please forgive me"  Mahal na mahal kita. Ewan ko kung kailan ko nasigurado na mahal na kita pero naramdaman ko nalang bigla na mahal na kita. Siguro nga gago ako dahil sinaktan kita but believe me ella nagsisisi na ako sa lahat ng nagawa kong kasalanan sayo. I love you honey."



Kita ko sa mata niya ang pagsisisi pero galit ako sa kanya. sa tuwing naaalala ko ang mga sakit na pinadama niya sa akin nabubuo ang galit sa puso ko nasasaktan parin ako hindi ko pa kaya. HINDI PA AKO HANDANG PATAWARIN SIYA.



"Tumayo ka dyan eli. Nagsasayang kalang ng oras sa akin. Pagod na ako. Sumuko na ako sa iyo. Umalis kana bumalik kana sa maynila hindi ka nababagay sa lugar na ganito sa lugar na ito kung saan ako masaya"





Nakaramdam ako ng pagkaawa ng makita ko na may butil ng luha ang mga mata niya ngunit hindi ako natinag binawi ko ay kamay kong hawak niya at umalis sa kanyang harapan. wag kang magpalinlang sa mga sinasabi niya ella. sabi ko sa sarili ko





Pag pasok ko sa aking silid ay kaagad akong napaupo sa kama at napahagulgol.





Napakasakit ng nararamdaman ko bakit hanggang ngayon nasasaktan parin ako?

Naninikip ang dibdib ko patuloy lang ako sa pag iyak ng biglang humilab ang aking tiyan napatigil ako sa pag hagulgol at napangiwi dahil sa sakit. Nako diyos ko po manganganak na ba ako? Bakit ngayon pa sumakit ang tiyan ko?

Napapikit ako sa sakit ng humilab itong muli. Hindi ko na nakaya ang sakit kaya sumigaw ako at tinawag ang pangalan ni eli..






"Ahhhhh! ELIiiiiiiii!" Narinig ko ang pagbukas ng pinto dahil sa lakas ng pag balibag ni eli.





"W-what happened?'' tarantang tanong ni eli '' Anong nararamdaman mo ella?" Kita sa mukha niya ang pag alala at hingal pa siya dahil siguro sa pagtakbo papunta sa aking silid "tell me ella what's wrong?" Sigaw niya dahil siguro sa taranta.


"Hwag mo akong sigawan! Ahhhhhh!" Napasigaw na naman ako sa sakit.




"Sorry honey" hinawakan niya ang tiyan ko at nanlaki ang kanyang mata ng makitang dumudugo na ang bandang ibaba ko. "W-what s-should i do honey?" bulong niya sa akin na parang batang hindi alam ang gagawin. '' i don't know what to do'' napasabunot siya sa kanyang bohok '' i'm scared honey''.


"Hwag kang tumunganga lang diyan eli! Tawagin mo si nanay ising at sabihin mo na manganganak na AKOOOOO! Ah!" Hindi ko na kaya ang sakit na.





''o-kay w-wait for me honey, hang on''




Follow me and vote.

My cold husband (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon