chapter 4 care

20.4K 423 12
                                    

Lumipas pa ang ilang araw wala parin nagbago. ganon parin si eli malamig ang pakikitungo sa akin. pero umasa parin ako na mamahalin nya ako.

Mag aapat na buwan na ang baby sa tummy ko. medyo may umbok na ito ngunit hindi pa masyadong malata ang baby bump ako.

Ngayon araw na pupunta kami ni eli sa hospital. naka schedule ngayon ang pagpapacheck up ko sa OB para masiguradong healthy si baby. Alas dos ng hapon ang check up ko may tatlong oras pa ako para hintayin ang pag uwi ni eli.

Lumipas ang tatlong oras wala padin si eli kaya napag pasyahan ko na lang na tawagan siya.

Nag ring ang kabilang linya sumagot si eli "hello" .

"Eli wala kabang nakalimutan na gagawin mo?" "Wala naman and may ginagawa akong importanteng meeting".
"Ah. Sige sorry sa abala hwag kang papagutom paala-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol na niya ang linya.

Gusto kong maiyak excited pa naman akong pumunta sa OB ko na kasama sya, yun pala nakalimutan niya.

Napag pasyahan ko na lang na mag isa na lang pumunta sa hospital.

"Hello Mrs. Monteverde" bati sakin ng OB ko. "Hello doc. Garcia" ngumiti ako sa kanya.

"Oh mrs. Monteverde nasaan ang asawa ninyo? akala ko ba ay sasama siya?"

Pilit akong nguti sa kanya "ah-hehe oo nga doc. akala ko din sasamahan nya ako kayalang madami syang ginagawa na trabaho ngayon kaya nagpasya na ako nalang mag isa ang mag papa check up"

"Ganon ba, mrs. Monteverde are you ready to see your baby?"

Ngumiti ako "yes I'm ready doc."

"Okey,mahiga na kayo mrs. Monteverde"

Nahiga ako at nilislis ang aking tshirt pataas, may pinahid si doc sa tummy ko na parang jelly, malamig sa balat ang kanyang pinahid, sobra ako naging excited   lalo na ng makita ko na sinusuri na nya ang baby ko.

"Mrs. Monteverde can you hear your baby heart beat? Naiiyak ako dahil sa naririnig ko nga ang pintig ng puso ni baby. may tumulo na butil ng luha sa mata ko.

"Yes doc. Pintig ng puso ba iyon ng baby ko?''

"Yes mrs. Monteverde at napakalusog ng baby ninyo, hindi pa natin malalaman ang gender ng baby dahil apat na buwan palamang ito kaya bumalik kayo sa susunod na buwan para macheck up natin ang baby at malaman na natin kung boy or girl ba siya.

"Ok doc. Gagawin ko po iyon."

"And don't forget to take your vitamins Mrs. Monteverde, gusto nyo bang i print ko para may remembrance kayo ng picture ni baby?"

Natuwa ako sa sinabi niya "sige po doc. Para mapakita ko din sa asawa ko yung itsura ni baby at malaman niya na malusog ito"


Pag katapos ng check up masaya ako talagang sobrang saya. tinititigan  ko lang ang larawan ng aking munting supling at hindi na ako makapaghintay na ipakita ito kay eli, napag pasyahan ko na pumunta sa office niya para sorpresahin siya.

Bumaba na ako ng taxi papasok sa building ilang saglit lang malapit na ako sa office ni eli.

"Hi chelsa" ngumiti ako sa secretary ni eli, kilala na nya ako at mabait siyang secretary.

"K-kayo pala ma'am ella" napansin ko na nanlaki ang mata niya.



"Nandyan ba si eli?" Tanong ko



"O-opo nandito po si sir eli" parang kinakabahan siya.

"Ganon ba, buti naman may kailangan ako sa kanya" papasok na sana ako ng pigilan niya ako.

"M-ma'am ella sabi po kasi ni s-sir eli bawal po magpapasok. Tinignan ko sya ng masama.


"Ahm. S-sige po ma'am pasok na po kayo pero sabihin nyo kay sir na kayo po ang nagpumilit na pumasok , baka sesantihin po ako . naku nagpapa aral pa naman ako ng mga kapatid ko.

"Okey. Ako ang bahala chelsa"

Lumakad ako at hinawakan ang doorknob ng pinto papasok. Sa sobrang gulat hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan.

Naka kandong si kyra kay eli at nakapalupot ang mga braso niya sa leeg ni eli naghahalikan sila.

Parang sasabog ako sa sobra sobrang emosyon na humahalo sa pag katao ko. Linoloko ako ni eli at kitang kita ko ng dalawang mata ko. Ang masakit pa ay pina mukha niya sa akin na si kyra parin at kahit kailan ay hindi magiging ako.

Nabitawan ko ang hawak ko na larawan ni baby at hindi ko na mapigilan ang mga luha ko..napaka sakit ng nararamdaman ko, nahihirapan akong huminga, parang may batong bumara sa lalamunan ko na kahit isang salita ay hindi ko magawang magsalita.

Bigla akong natauhan, bigla kong naisip na kailangan kong lumayo, kailangan kong buuin ang sarili ko na mawala ang lahat ng sakit, kailangan kong mapag isa, ayaw ko muna makita si eli, hindi. Ayaw ko na siyang makita mamumuhay ako ng tahimik ng malayo sa maynila at sa kanya... Kailangan kong hanapin ang sarili ko yung dating buo at hindi warak.

Lumakad ako pa atras at sinarado ang pintuan, umiyak lang ako ng umiyak.

Napansin ko si chelsa na papalapit sa akin "sabi ko naman sayo ma'am ella h'wag kanang pumasok, ayos lang po kayo? H'wag na po kayong umiyak"

"Ayos lang ako chelsa, sige mauuna na ako. Salamat" lumakad ako patungo sa elevetor iyak padin ako ng iyak.

Kinagat ko ang labi ko "baka kailangan ko munang magpahinga at magpakalayo"

Vote and follow me.

My cold husband (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon