"Congratulations, Lian!" I hugged her so tight. I'm gonna miss her so much. Sigurado ako na madalang na lang kaming magkikita, especially now na magkakabakeshop na siya.

"I'm so proud of you." she said, still hugging me. I wanted to cry. She's my bestfriend since highschool at maninibago ako nang sobra na hindi na kami magkakasama sa school.

Nakita kong papunta na sina Ate sa amin, hawak-hawak ni Ate 'yung mga paper bags na ipangreregalo ko kina Lian at Nat.

"Congrats, anak." Dad said kaya napabitaw ako kay Lian. I know this part. Bigayan na ng regalo. Magkakakotse na yata ako!

"Thank you, Dad." I smiled. He handed me a box. I freaking know this! Pinigilan kong magreact ng OA kahit gusto ko nang himatayin.

When I opened the box, my eyes widened when I saw a car key of a freaking BMW! May BMW na ako? For real? What the hell!

"Oh, my gosh!" hindi ko rin napigilan dahil nagtatalon pa rin ako.

"Congrats, Caly." Ate handed me a box. Deja vu? Parang nangyari na 'to.

"Ate naman!" I said when I opened the box. It was a rolex pero mukhang mas mahal sa binigay ko sa kaniya.

"I will always have time for you." she said which made my tears fell. Hindi pa man ako nakakamove on sa mga gifts nila, nagsalita na si Steve.

"Congrats, love." Steve handed me a box.

"Gift-giving ba 'to?" I chuckled. Ipinatong ko ang box sa dalawang box na hawak ko. These box almost fell because of my small hand.

When I open the box, my lips parted. It's a white hermes bangle. Bakit ang mamahal ng gifts nila sa akin?

"Love,"

"It came from my own money." he smiled. Right! May work na siya kaya may sarili na siyang money.

I hugged him. "Thank you." I whispered on him.

"Jusko, ang hirap naman magregalo kay Calynn! Parang basura na tuloy 'to." Lian suddenly spoke kaya napabitaw ako kay Steve.

"Lian, stop it!" I gently tapped her shoulder while chuckling. She handed me a paper bag. Sinilip ko 'yung paper bag and it's a box of shoes, probably a heels. They know how much I love shoes.

"Thank you!" I hugged her. Sobrang natouch ako na may gift siya knowing na nagtatayo na siya ng bakeshop niya. Hindi niya talaga ako nakakalimutan.

Kinuha ko kay Ate 'yung isang paper bag na para kay Lian. I handed her my gift. At talagang dito pa kami nag-abutan ng mga regalo.

Nang makita pa lang niya 'yung paper bag ay parang ayaw na niya tanggapin.

"Calynn, jusko naman!" she massaged the bridge of her nose, feeling awkward now.

"Stop, whatever you're thinking. You deserve that." inabot ko 'yung paper bag. It's chanel. Inside the paper bag is a gold quilted chanel bag. Alam ko namang hindi siya bibili ng ganito para sa sarili niya, hindi naman kasi siya maluho.

"Thank you, Calynn." she hugged me.

"Where's Drew? Let's take a picture." I said.

Hinanap na ni Lian si Drew, pinuntahan naman ni Steve si Luke para i-congratulate, habang wala sila ay nagpicture muna kaming family. Pagkatapos noon ay umalis na rin sila, sabi ko ay dinner na lang kami magcelebrate dahil makikipagbonding pa ako sa mga friends ko.

"Steve!" I called him when I saw him talking to Luke. "Congrats." I told Luke.

"Likewise." he smiled.

We're Only Getting Older (Change Series #1)Where stories live. Discover now