"Kumusta nga pala ang pag-aaral? Ilang araw din kaming wala kaya hindi ko alam kung ano na ba ang mga lessons." Sinusubukan kong ibahin ang usapan at hindi naman ako nabigo.

"Don't worry, ako ang bahalang magturo sa'yo nang mga lessons na hindi mo napag-aralan. Sa ngayon ay magpahinga ka na muna." Ay naman talaga, Ty! 'Wag ka namang ganyan. Sumusunod ka sa yapak ni Kai sa pagpapakilig e!

"Salamat, Ty." Hindi ko man lang namalayan na nandito na pala kami sa dorm namin. Binuksan niya ang pinto ng silid namin at nagulat ako kasi nasa loob na si Fire. Nagteleport na naman ang loko.

"Sige, Ty. Salamat sa paghatid. Magkita na lang tayo bukas."

"Sige. After ng class natin bukas, tuturuan kita, okay?" Ngumiti lang ako sa kaniya at tumango. Isasara ko na sana ang pinto pero bigla niya akong hinila at niyakap. Teka, ano'ng tinira ng isang 'to para maging ganito ka-sweet?! I just hope na wala na si Fire sa sala. Sana pumasok na siya sa kwarto niya. Teka, bakit ko nga ba iniisip ang mokong na 'yon? Ano naman kung makita niya na niyayakap ako ni Tyrone?! Siya nga rin niyakap ni Nuraya, 'di ba?!

"Goodnight, Aria," Tyrone said then he kissed me on my forehead. Parang gusto ko nang himatayin sa kilig. Hanuba! Wag ka namang ganyan. Hinay-hinay naman sa pagpapakilig. Noonf umalis na siya ay agad kong isinara ang pinto ng silid namin at nagulat ako kasi paglingon ko ay nandoon si Fire.

"Grabe ka, Fire! Para ka namang multo! Kanina ka pa ba nandiyan?" I asked him pero ang loko ay nakatingin lang sa akin. Bigla naman akong nailang.

"Sige, papasok na ako sa kwarto ko." Naglakad na ako papunta sa kwarto ko pero biglang napunta si Fire sa may pintuan ng kwarto ko.

"Teka, kanina lang nandoon ka sa pinto ng kwarto mo ah?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. Don't tell me, may pagka-flash din ang kapangyarihan niya? Tatumbling na talaga ako kapag gano'n nga.

"Fire, umalis ka nga diyan. Gusto ko nang magpahinga." Bwisit kasi e. Nakaharang ba naman sa pinto ng kwarto ko. Ano ba'ng problema nito?

"Fire, ano ba? Nakakainis ka na! Umalis ka nga diyan!" Sinubukan ko siyang hilahin paalis sa tapat ng kwarto ko pero walang epekto. Magtetake na pala ako ng vitamins para naman lumakas ang katawan ko.

"Fire, hindi na nakakatuwa." Sinamaan ko siya ng tingin pero ang walang hiya na ito ay talagang nakipagtitigan pa sa akin. Ay bwisit! Nang-iinis nanaman ang kumag na 'to! Ayaw patinag!

"Okay fine. Kung ayaw mong umalis diyan, bahala ka na!" Lumabas ako ng silid namin at balak ko ang pumunta kina Gale. Nakakaleche naman kasi ang ugali ni Fire. Hindi ko talaga maintindihan ang mga trip niya sa buhay. Ang lakas niyang mang-inis!

Bago pa ako tuluyang makaalis sa dorm namin, bigla na lang sumulpot si Fire sa harapan ko.

"Ay palaka! Fire, ano ba?! Para kang kabute! Ano ba'ng problema--- Fire, teka! Saan mo ba ako dadalhin?!"

Hinila ako ni Fire habang naglalakad siya papunta sa who knows where. Wala naman akong idea kung saan niya ako balak dalhin. Ano ba talagang nasinghot ng isang 'to para maging ganito sa akin? Papatayin na ba niya ako? Iihawin na ba niya ang maganda kong katawan?!

"Fire, bitiwan mo nga ako. Sira ulo ka talaga." Inialis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at nag-umpisa na akong maglakad pabalik sa dorm namin. Ang lakas ng trip mo, Fire! Gusto kitang upakan! Leche ka!

"Aria, stop walking," he commanded but I didn't oblige. Ano naman daw ang pakielam niya kung maglakad ako pabalik sa dorm 'di ba? Haynako, Fire. May saltik ka talaga!

"Aria, I said stop!" Kumalma ka, Aria. Pagod ka na at kailangan mong magpahinga. "Wag mo nalang pansinin ang pangpepeste sa'yo ng talipandas na lalaking 'yan.

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon