"Wag po! Wag po!"

Hindi ko pinansin ang iyak at sigaw. Inipon ko lahat ng lakas ko para makatayo. Dumako ang tingin ko sa kamay kong punong-puno na ng dugo. Nagdadalawa na ang paningin ko. Humawak ako sa puno bilang suporta.

"S-Sinong nag-utos sa'yo?" hinihingal na tanong ko. Hindi ko magalaw ang katawan ko. Natatakot ako na baka mas bumaon ang kutsilyo sa katawan ko. Peste.

"W-Wala! Walang nag utos sa akin!" sigaw niya. Nakatingin siya sa dalawa niyang kamay na may dugo ko.

Sinandal ko ang katawan ko sa punoi ngunit hindi ko inaalis ang tingin sa kanya. Kinuha ko ang walkie-talkie sa beywang ko.

"L-Lucille, puntahan mo ko. Kashal, Eltera street. Sa tapat ng lumang talyer."

"Why? What happened?!"

"Bilisan mo!" sigaw ko. Napatalon ang bata sa gulat. Hindi ko siya pinansin.

"Paisley-What the hell?"

Halos magpasalamat ako nang makita si Magnus na papalapit sa direksyon ko.

"Who did that to you?" tanong niya. Bumaling siya sa batang nakatingin sa amin. "Bakit may bata rito?"

Lalapit na sana siya ngunit agad kong hinablot ang braso niya. Lumunok ako bago nagsalita.

"S-She stabbed me," nanghihina kong sinabi. "That kid stabbed me."

"Fuck. Just hold on."

Tumango ako. Pumikit ako at hinayaan siyang asikasuhin ang bata. Dinig ko ang sigaw at iyak niya habang tinatali ni Magnus ang kamay at paa niya. Itinali niya ito sa isang puno upang hindi makaalis. Nang matapos siya ay lumapit siya sa akin sakto namang pagdating ni Lucille.

"This is bad."

Hinayaan ko silang kumilos.

"Ah! Dahan-dahan!" sigaw ko nang hugutin niya ang kutsilyo. Nahihilo na ako sa sakit. Hinawakan ko ang braso ni Lucille nang may ibinuhos siyang kung ano sa sugat ko.

"Hey, hold her hand."

Nilingon muna ako ni Magnus bago niya kinuha ang kamay kong nakahawak sa braso ni Lucille. Tuwing nakakaramdam ako nang hapdi ay hinihigpitan ko ang hawak sa kamay niya. Hindi naman siya nagreklamo na nasasaktan siya.

"I'm done," wika ni Lucille.

Nilagyan niya na ng benda ang sugat ko. Hinubad ni Magnus ang coat niya at maingat na sinuot sa akin.

"Naiwasan ko ang bala kanina pero yung kutsilyo, hindi. Lintik na bata 'yan," inis na sabi ko. Kumunot ang noo ng dalawa. "May bumaril sa akin kanina. Mabuti na lang may suot akong vest dahil kung wala baka isa na ako sa kanila." tukoy ko sa mga katawan na nakashandusay sa paligid.

"Okay, you stay here with him."

Tumango ako at pinakinggan nang mabuti ang plano. Binalitaan na rin nila ang iba naming kasamahan. Hinati kami sa tig-dalawang grupo.

Ako at si Magnus. Lucille at Clementine. Maci at Marcelus. Saskia at Maynard. Macie at Braylon. Madison at Lincoln. Meredith at Flynn. Harriet at Aiden. Vernice at Atticus. Qitaza at Beatrix. Ashera at Xylair.

"Everything is okay na." Ipinatong ko ang laptop sa kandungan ko. Agad akong nagtipa ro'n. Ganun din si Magnus na abala sa pagtipa sa laptop na hawak niya.

"Everything will turn into dust," dinig kong bulong niya.

Inantay kong mapuno ang bar bago ko kinuha ang isang laptop na siyang nagpapakita ng location nila.

Hevel (Season One)Where stories live. Discover now