Epilogue

225 9 7
                                    

Now playing: Just be friends

Salamat naman! nandito na kami sa Manila

Pagkadating na pagkadating pa lang namin ay agad kong ti-next si Hannah, hiningi ko kasi yung number niya nung gumagala kami ^^

Araw-araw kong kinakamusta si Hannah at tinatanong ko rin kung ano nang nangyari sa clearance ko kasi malapit na naman ang pasukan eh -_-

Siya nga pala, hindi ko nakakausap si Dana kasi wala siyang cellphone

Nabalitaan ko nga kay Hannah na nakakuha daw si Dana ng medal ^^ matalino kasi yun eh ^_^ hehehe

----------------------------------------------------------

July na nga pala ngayon at busyng-busy ako sa school, kaya hindi ko na masyadong nakaka-text si Hannah. Inulit na nga pala yung clearance ko kasi si Hannah hindi naibigay sa tita ko kaya si tita na ang nag-asikaso at ngayon ay tapos ng pirmahan yung clearance ko ^^. Buti na lang at wala kaming assignment kaya naka-upo lang ako ngayon nang biglang may nag-text sa cellphone ko, at nakita kong si Hannah ang nag-text

To: Sarah

Sarah kamusta ka na?

Buti na lang may load ako kaya ni-replayan ko siya

From: Sarah

Ok lang, ikaw?

Naghintay ako ng ilang saglit at nag-reply na siya

To: Sarah

Uhm ok lang din, hindi ako nakapasok kasi may sakit ako eh

Re-replayan ko sana siya kaso wala na akong load eh, inisip ko na lang na nilagnat ata yun

5 days ang nakalipas nung ka-text ko pa si Hannah, pero hindi ko na siya nakaka-text eh

Pumunta na lang muna ako saglit sa bahay ng pinsan ko at naki-laptop muna kasi wala pa akong laptop eh XD

Inopen ko na yung laptop at binuksan ko na ang fb ko tapos maya-maya ay bigla na lang na may nag-chat saakin

"Hello Sarah" eh? sino naman kaya to? princess*toot* yung name eh

"Uhm sino ka po?"

"Oy ako to si Rhian"

"Ay ikaw pala yan? hindi kita nakilala kasi iba yung username mo eh hehe" si Rhian nga pala yung kaklase ko nung 1st year ^^

"Uy alam mo ba si Hannah patay na?" O_O halos manlaki ang mata ko sa chat niya

"Hala! baliw ka talaga! di nga?" tss hindi ako naniniwala, pano ba naman kasi eh nung kaklase ko pa si Hannah eh hindi ko naman napansin na nagkasakit siya, hindi nga siya umaabsent kahit isang beses lang eh

"Oo nga, pumunta nga si Dana sa libing niya eh" sa mga sinabi ni Rhian saakin ay ang unang pumasok sa isip ko ay baka nagkaroon lang sila ng play at role ni Hannah na patay siya

"Ano ka ba naman Rhian, wag ka ngang ganyan"

"Oo nga seryoso ako, kung ayaw mong maniwala, di wag!" pagkatapos niyang sabihin yun ay agad akong umuwi sa bahay namin at sinabi ko kay mama yung sinabi saakin ni Rhian

"Mama pa-text ako sa cp mo, ite-text ko lang si Hannah baka nagbibiro lang si Rhian eh" sabi ko kay mama

"O sige" tapos binigay na saakin ni mama yung cellphone niya, may number din kasi si mama kay Hannah eh

Pagkatapos kong mag text ay nakatulala lang ako habang hininintay ang reply niya

Ang sabi ko nga pala sa text ko ay:

"Oy Hannah, musta na? ito nga pala yung email mo ...............@yahoo.com tsaka ito yung password ******" hindi kasi marunong gumawa si Hannah ng fb kaya ginawan ko siya kasi gusto niyang maglaro ng tetris ^^

Maya-maya ay biglang tumunog ang cellphone ko at agad kong binuksan ang reply niya, pero laking gulat ko sa reply niya

"Hi Sarah, ako nga pala yung kakambal ni Hannah, namatay na nga pala si Hannah nung sabado, may sakit kasi siya sa kidney :'(" hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumulo na lang bigla ang mga luha ko

"Bakit? anong sabi?" sabi ni mama at inabot ko na sa kanya ang cellphone at sabay na kaming umiyak, close kasi si mama at si Hannah eh

Nagkipag-text na lang si mama sa kakambal ni Hannah samantalang ako naman ay umiiyak pa rin, sabi nung kakambal ni Hannah sa text ay iningatan daw ng maayos ni Hannah yung photo frame na galing daw saakin, inisip kong mabuti kong kailan ko ibinigay ang photo frame na yun at naalala kong siya pala yung nakabunot ng regalo ko nung christmas party namin

Alam kong nawala na sa mundong to ang isa sa besties ko pero mas alam kong hinding-hindi siya mawawala sa isip at sa puso ko

-the end-

Author's note:

sa wakas! tapos na ang shoort story ko ^^ sana po ay nag-enjoy kayo sa pagbabasa, lahat nga po pala ng pangyayari dito ay totoo pero yung iba ay dinagdagan ko lang kasi dati pa yun eh, 2013 na kasi ngayon ^^ anyways! yung name po ng characters ko sa story na to ay hindi po yun ang true name nila in real life pero yung pictures po ay totoo ^^ so hanggang dito na lang po at sana nag-enjoy kayo sa pagbabasa ^__^

Our Memories, TogetherWhere stories live. Discover now