Chapter 6

175 5 3
                                    

Hay! ngayon ay biyernes na at bukas na rin ang alis namin -_-

Natapos na ang klase namin kaya kumain na kaming tatlo

"Oy Sarah kailan kayo aalis?" tanong ni Hannah saakin

"Uhm bukas na eh"

"Anubayan!" sabi naman ni Dana

"Hayss~" yan na lang ang nasabi ko

Siya nga pala, nung birthday ko sinabi sa kanila na magta-transfer na ako sa ibang school at umabsent ako ng 3 days dahil sa nalulungkot ako at nung pumasok na ako ay nagulat sina Dana at Hannah nang makita ako kasi akala nila umalis na ako

"Pano ba yan? half day lang pala tayo ngayon, may magsusundo ba sa inyo?" tanong ni Dana

"Wala eh" sagot ko

"Wala rin saakin eh" sagot rin ni Hannah

"Gala na lang tayo pagkatapos nating kumain" sabi ulit ni Dana

"O sige ba" first time kong gumala kasama tong besties ko ^_^

Nung lumabas na kami sa school ay pinuntahan muna namin yung isa naming kaklase na malapit lang ang bahay para samahan kaming gumala XD

Habang hinihintay namin siya ay bigla na lang na nagsalita si Dana

"Si Hannah o may katext-mate hahaha :D"

"Hala hindi ah! tine-text ko lang si papa para sunduin ako" sabi ni Hannah

"Ano ba yan! wag ka na munang magpasundo! ang unfair kasi eh, hintayin mo na lang yung papa mo mamaya tsaka last day na dito ni Sarah oh!" sabi ni Dana

"Ok" sagot naman ni Hannah

Nung dumating na yung isang naming kaklase ay pumunta kami sa arcadan na malapit lang sa school namin

Habang naglalaro kami ay pinipilit kong wag muna isipin yung mangyayari bukas

Nung napagod na kami ay pumasok ulit kami sa eskwelahan at umupo muna sa damuhan

Nag-usap-usap muna kami tungkol sa pag-alis ko bukas at sa mga crush namin XD

May binigay nga pala si Hannah saakin na laruang bear para daw remembrance niya saakin, nahiya nga ako kasi wala man lang akong naibigay sa kanya

Nung oras na ng uwian namin ay lumabas na kami ng gate at pumunta na sa tambayan namin

Nung dumating na ang sundo ni Dana ay lumapit muna siya saakin at niyakap niya ako tapos kumaway na siya saakin

Kami naman ni Hannah ay naka-upo lang at hinihintay yung sundo namin at ng kinausap niya ako ay hindi ko na napigilang umiyak, umiiyak ako habang tinatakpan ko ang mukha ko ng mga palad ko

Maya-maya ay niyakap kaagad ako ni Hannah at dun humagulgol na ako ng iyak

"Grabe! akala ko sa palabas ko lang makikita yung mga ganyang scene" panira ng moment to, yung nagsalita nga pala ay yung kaklase ng kakambal ni Hannah, yang baliw na babaeng yan ay kaklase ko nung grade 6 :D

Naghiwalay na kami sa pagkakayakap at hinintay na namin yung sundo namin

Nung dumating na yung sundo ko ay niyakap ko ulit si Hannah at pumunta na ako sa sundo ko

Our Memories, TogetherWhere stories live. Discover now