Chapter 4

196 8 3
                                    

(March 2012)

Yey! ang saya ^O^

Birthday ko na kasi ngayon ^__^

Naglalakad ako ngayon papunta sa room namin sa t.l.e ^^

Iba-iba kasi yung lesson namin sa t.l.e kada grading

Kapag 1st grading kasi cosmetology

2nd naman electronics

3rd naman foods

at ngayong 4th garments ^^

Nang makapasok na ako ay nakita ko na agad si Hannah na hinihintay ata ako? hehehe ^^

Ngayon pala ay officially bestfriends ko na sina Dana at Hannah ^^ hindi na nga pala kami nagkakasama ni ate Rochelle kahit kapag lunch break kasi may iba na siyang kasama eh. Minsan nga natatawa ako kasi magtatampo-tampuhan si Dana kay Hannah tapos maya-maya niyan ay hindi na nga kami magpapansinan tapos si Dana naman sinasabi sa akin na wag ko daw pansinin si Hannah ako namang baliw sumunod na lang kay Dana XD pero 3 days lang yun ha! hehehe :D

"Ang tagal mo naman!" sabi saakin ni Hannah

"Atleast hindi ako na-late >3<" sagot ko naman sa kanya

Siya nga pala, lagi akong nale-late dahilan na rin sa ang layo nga ng bahay ko papunta dito, may iba ngang teacher na naiinis na eh pero ok lang atleast pumapasok ako XD hehehe

Nilagay ko na yung bag ko sa upuan at nagsimula na kaming lahat na maglinis

Nung natapos na kaming maglinis at nagkwentuhan muna kami kasi wala pa naman yung teacher eh, yung iba nga lumalabas pa

Gusto ko sanang sabihin sa dalawang besties ko na birthday ko ngayon pero nahihiya ako eh >.< at dahil sa gusto kong malaman nila na birthday ko ngayon ay agad kong tinawag si Dana

"Oy Dana halika dito! may sasabihin ako" sabi ko sa kanya

"Ano yun?" pabulong naman niyang tanong

"B-birthday ko ngayon ^_^" pabulong ko ring sabi sa kanya

"Talaga?"

"Oo nga"

"Oy! ano daw?" singit naman ni Hannah at agad na lumapit saamin, kami na nga lang tatlo dito eh kasi yung lahat na nga classmate namin nasa labas na

"Birthday daw niya" sabi ni Dana kay Hannah

"Oh talaga? happy birthday ^^" sabi ni Hannah

"Happy birthday ^^" sabi rin ni Dana

"Hehehe thank you sa pag-greet ^^"

Matapos nun ay nagsibalikan na kami sa upuan namin dahil dumating na yung teacher namin

---------------------------------------------------

Uwian na namin ngayon at syempre pumunta na kaming tatlo sa tambayan namin kasama na yung kakambal ni Hannah pati na rin yung mga kaklase niya at ganun parin ang nangyari, nauna si Dana na umuwi then si Hannah at last ako

Nang makauwi na ako sa amin ay agad akong nagbihis at nanood na ng favorite na palabas ko, ang PBB hehehe ^^

"Sarah sabihin mo na sa teacher mo bukas ha" sabi ni mama na katabi ko ngayon sa sofa

"Uh opo mama -_-" naiinis talaga ako sa mga magulang ko! paano ba naman kasi eh nung elementary ako ay palipat-lipat ako ng school tapos ngayong highschool na ako lilipat na naman kami?! hayss~ -_-

Our Memories, TogetherWhere stories live. Discover now