Chapter one

2 0 0
                                    

Enjoy reading it hahahaha
kinakabahan talaga ako kung maganda ba or
lame ang kakalabasan neto kahit
first chapter pa lang hahaha ๑>ᴗ< ๑

Joseph's PoV.

Bitbit ang larawan ng aking ama habang papalayo sa lugar kung saan siya inilibing.

Kita ko ang lungkot sa mukha ng aking ina at bunsong kapatid, batid kong mahirap para sa amin na mawalan ng isang ama lalo na't mahirap lamang kami.

Nang maka-uwi na kami ay tumabi ako sa kanya at "Ma, tama na po, simula po ngayon ako na po ang bahala sa inyo ng kapatid ko, pinapangako ko po na hinding hindi ko po kayo papabayaan kahit na wala na po si papa."

Nang masabi ko yon ay kita ko na kahit papaano ay gumaan-gaan na ang pakiramdam nya.

Mas okay na din yung ganon para sa kapatid ko na lang sya makapagpokus imbes na mastress pa sya lalo at para hindi na rin sya lalong mangulila kay papa.

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

*Kinabukasan*

Maaga ako gumising ngayon para makapaghanda na ng aming agahan at pampaligo ng aking kapatid bago pa man sumikat ang araw.

Nang matapos ako ay pumasok na ako sa loob ng kuwarto ng aming bahay, hindi naman ganun kalaki ang aming bahay tama lang ito para magkasya kami dahil tatlo na lamang kami.

Nang makapasok na ako ay marahan kong ginising ang aking ina, "Ma gising na po nakahanda na po yung agahan at pampaligo ni  Nico, kumain na rin po kayo ng almusal para po makapaghanda na din po kayo papuntang palengke, diba po magtitinda pa po kayo sa palengke?"

"Pablo anak..." tawag sakin ni mama nung tatalikod na sana ako.

"Bakit po?" saka ko sya nilingon ulit

"Salamat...salamat anak dahil kahit iniwan na tayo ng papa mo ay nandyan ka pa rin at hindi nagbabago..."

Heto na naman si mama mukhang iiyak na naman kaya dali-dali ko siyang nilapitan at inalo

"Ma... alam nyo naman po na mahal na mahal ko kayo at hindi ko po matitiis na mahirapan po kayo nang dahil iniwan na tayo ni papa.

Sabihin na po nating wala na si papa pero nandito pa naman yung pogi niyong anak na hinding hindi po kayo iiwan at papabayaan, at ma kahit na wala na naman si papa ay alam kong nandyan lang sya at nakabantay lagi sa atin, sige ka mama kapag imiyak ka ulit malulungkot si papa, gusto nyo ba yon?"

Atsaka umiling sya "oh diba, kaya smile ka na ma para magsmile na din si papa kung nasaan man sya ngayon^_^."

Saka tumingala ako para pigilan ang nagbabadya ring luha sa aking mga mata, nang masiguro ko ng hindi na sya tutulo ay tumingin ulit ako kay mama nakita kong sumilay na ulit ang isang ngiti sa labi ng aking ina hayyy...

"Naku! Ikaw talagang bata kaya mahal na mahal kaya namin ng papa mo ehh... O sya sya pumasok ka na at baka malate ka sa eskwela ako na bahala sa kapatid mo."

" Opo ma!" iyon lang at umalis na ako at nag-abang ng jeep.

Nang makababa ay naglakad na ako papuntang loob ng school medyo maaga pa naman kaya iilan pa lang din ang nakakasabay kong kapwa ko estudyante.

Nang nasa bandang gate na ako bigla na lang sumakit ang ulo ko at muntik na din akong ma out of balance dahil bigla na lang din nanlabo paningin ko kaya huminto ako saglit para pahupain ito.

"Uyyy! Joseph good mornin-  sh*t! ayus ka lng!?" 

"Oo"

"Whews!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 11, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

No Regrets Where stories live. Discover now