CHAPTER THIRTY-NINE

Start from the beginning
                                    

“Mapapala ko? Magiging ako ang pinakamasaya at pinakamaswerteng demonyo sa buong mundo.”

“Pero hindi kita ... hindi kita ma –“

“Wala naman akong pakialam kung mahal mo ako o hindi. Yung maging akin ka lang. Yung hindi ka lang mapunta sa iba – masaya na ko. Kuntento na ko.”

“Selfish ka.”

“Alam ko.”

Hindi marunong sumuko si Erick.

Sakim.

That’s the only thing we have in common. Pareho kaming hindi marunong sumuko. Ang pagkakaiba lang namin, yung taong ayaw kong sukuan ay yung taong hindi din ako kayang bitawan. Si Erick? Yung taong ayaw niyang sukuan ay yung taong kahit kailan hindi siya ipaglalaban, hindi siya paninindigan at higit sa lahat ... hindi siya mahal.

“Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? You’re fighting for nothing Erick. Hindi ko bibitawan si Damon para lang sa kasakiman mo – para lang sa’yo!”

He laughed.

May nakakatawa ba sa sinabi ko?

“Hindi mo naman siya kailangang bitawan para sakin eh. Kasi kusa siyang bibitaw sa’yo. Nagkamali ka nang desisyon. A person who has been saved from hell will never be in hell again Kath. And can never save another one. Now, who’s gonna save you?”

Gusto kong maiyak.

Hindi ko alam ang mga iyon.

Sino bang tangang tao ang magliligtas sa akin mula sa impyerno? Totoo pala na kahit ano palang gawin ko, hinding-hindi kami magiging masaya. Hindi na magiging normal ang lahat.

Kay Erick rin ang bagsak ko.

“But don’t worry my Princess ... hindi naman kita iiwan at pababayaan kapag nasa impyerno na tayo.”

Ngumiti sa akin si Erick.

I felt so helpless.

And stupid.

Ang gusto ko lang naman eh magkaroon nang normal na lovelife. Yung maayos. Yung masaya katulad nang iba. Gusto ko lang naman yung simple. Yung saktong mahal ko tapos mahal ako. Yung magkaroon nang sariling pamilya kasama ang taong mahal ko.

Yung makasama si Damon ... habangbuhay.

Yun lang.

Pero bakit ganito ang ibinigay na love life ni God sakin? Isang weird, kumplikado, abnormal at napakahirap! Bakit sa dinami-dami nang babae sa mundo, bakit ako pa? Bakit sa akin pa nangyari?

Hindi naman ako naging masamang tao ah!

In fact, sa sobrang buti ko ... minahal ko pa ang nag-iisang anak nang demonyo.

Kung pagkakamali man yon ...






... bakit hindi pwedeng itama?


Akala ko ba God is love?

Pero bakit hindi ko makita?

Hindi ko maramdaman?

“Aalis na ako. Hindi na ako makikipagtalo pa sa’yo.”

Pagkasabi ko noon ay pumikit ako at inisip ko lang kung sino ang gusto kong makita.

Si Damon.

Nang idilat ko ang mga mata ko ay nasa labas na ako ng mansiyon nila. Kasabay noon ang malakas na pagbuhos ng ulan.

Pinindot ko ang doorbell.

Halos limang minuto rin ang hinintay ko bago bumukas ang gate.

“D-Damon!”

Bigla ko siyang niyakap.

He’s my pain reliever.

He's all I need right now.

“A-anong nangyari? Bakit ka umiiyak?”

Hindi ako makasagot.

Mas lalo lang magiging kumplikado ang lahat kapag nalaman niya.

“Kath?” Muli niyang tawag sa atensyon ko.

Hinila niya ako sa bahaging hindi kami gaanong mababasa ng ulan.

“H-hindi lang kasi ako makapaniwala sa mga nangyayari ... h-hindi ko kayang paniwalaan Damon.” Humilig ako sa dibdib niya. “Mali ba ang mahalin ka?”

“Oo. Mali.”

Tumingin ako sa kanya nang diretso ... habang lumuluha.

Anong ibig niyang sabihin?

Mali na minahal ko siya?

Isang pagkakamali lang lahat nang to?

Isang kalokohan?

Hinawakan niya ako sa pisngi.

“... pero tama na minahal kita. Ikaw lang ang nag-iisang tama sa buhay ko Kathy. Ikaw lang ang nag-iisang babaeng minahal ko nang ganito. Ikaw ang dahilan kung bakit kaya kong kontrahin ang langit at ang impyerno. Ikaw lahat.”
 
Niyakap niya ako. Sapat na ang mga salitang iyon para muling manumbalik ang tiwala ko sa sarili ko.

“Ano ba yan ... PDA under the rain!” Isang impakta ang sumira nang moment.

“Sthep? Anong ginagawa mo dito?”

Masyado kaming busy para hindi namin siya mapansin na dumating.

“Pinuntahan kita sa boarding house niyo. Wala ka doon. Namiss kasi kita kaya parang gusto kong magsleep over.”

Napangiti ako nang wala sa oras.

“Kanina ka pa diyan?” Tanong ni Damon.

“Uhm, medyo.”

“N-naabutan mo y-yung sinabi ko?”

Natawa ako sa reaksyon ni Damon. Nahiya siguro siya bigla kay Sthep.

“Hanggang dun sa ... pero tama na minahal kita. Ikaw lang ang nag-iisang tama sa buhay ko Kathy. Ikaw lang ang nag-iisang babaeng minahal ko nang ganito. Ikaw ang dahilan kung bakit kaya kong kontrahin ang langit at ang impyerno. Ikaw lahat. Yun. Hanggang do’n.”

Tumawa ako nang malakas. Napakamot na lang sa ulo si Damon.

Habang sa isang banda, nakita ko si Erick.

Nakamasid sa aming tatlo.

Miserable.


Nakaramdam ako nang relief.

Kasi kahit paano’y hindi kami magkatulad. Kahit alam kong magsa-suffer ako in the end – mahal naman ako nang taong pinagalayan ko nang lahat.

Mahal naman ako ni Damon.

The Devil's SonWhere stories live. Discover now