Chapter IV

49 2 0
                                    

"Uhm Wendy, puwede ba kitang makausap?" tanong sa akin ni Trixia isang araw habang nasa bench kami at nanonood ng laro nina William.

"Tungkol saan?" kunot-noo kong tanong sa kaniya. Hindi ako galit sa kaniya pero naiirita ako sa kaniya.

Nag-aalinlangan pa siya noong una kaya tumingin muna siya sa akin. "Promise mo sa akin, hindi mo sasabihin sa iba ha? Tayo-tayo lang ang makakaalam ha?"

"Ano ba kasi iyon?" naiirita kong tanong.

"Ah ano kasi..." Bumuntong-hininga muna siya bago ipinagpatuloy ang sasabihin. "May gusto ako kay William, sa bestfriend mo," pag-amin niya habang nagba-blush.

Nahugot ko ang akong paghinga sa sinabi niya. Para rin akong binagsakan ng lupa sa ulo ko. Nananatili lang ang tingin ko sa kaniya, hindi makapagsalita.

"W-wala ka bang sasabihin?" tanong niya.

Nang sa wakas ay makarekober ako sa pag-amin niya tungkol sa bestfriend ko ay nagsalita na ako, "Bakit? Kailangan ba mayroon akong sabihin?" tanong ko saka umiwas ng tingin.

"Siyempre. Kasi diba bestfriend mo siya?" tanong niya.

E ano bang dapat kong sabihin? Congrats kasi may gusto ka sa kaniya? O kaya baka hihingi ka ng pabor sa akin na kung puwede mo akong gawing tulay niyong dalawa? O Di kaya tatanungin mo ako kung ano ang mga gusto ni William sa isang babae? Ano ba? Ano ba dapat ang sabihin ko?

"A-ah. Oo nga. Bestfriend ko lang siya pero hindi mo dapat sinabi sa akin iyan. Dapat sa kaniya mo na lang sinabi," mahinang sagot ko.

Nagkibit-balikat siya. "Wala lang. Just so you know," sagot niya at binalik na ang tingin sa court. "Baka kasi may gusto ka sa kaniya e," pabulong niyang sinabi pero narinig ko iyon. Pinagkunutan ko siya ng noo.

"Anong sabi mo?"

Ngumisi siya. "Wala. Nevermind."

Hindi iyon wala lang. Hindi ako puwedeng magkamali. Narinig ko iyong huling sinabi niya. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil lumapit na sa amin ang tatlo. Tapos na ang practice nila.

"Musta ang laro ko? Ayos ba?" nakangising tanong niya.

"Hmm. Ayos lang," walang gana kong sagot. Bigla akong nabadtrip.

"Paanong ayos lang?" pangungulit niya.

"Ayos nga lang. Alam mo na iyon," naiinis ko nang sagot.

"Grabe ka naman. Nanood ka ba talaga?" nagtatampo na niyang tanong.

"Ako William. Nanood ako," singit naman ni Trixia. "Ang galing mong mag-shoot ng bola," kinikilig na sambit niya.

Buwisit ka.

Napangiwi si William at lumingon sa akin. Agad ko namang iniwas sa kaniya ang paningin ko.

"Anong tingin mo kay Trixia?" tanong ko sa kaniya habang pauwi na kami noong hapong iyon.

"Kay Trixia? Bakit mo naman natanong?"

Nagkibit-balikat ako. "Sagutin mo na lang."

Nag-isip muna siya sandali bago sumagot. "Hmm... Maganda siya, mabait, matalino rin at saka supportive din siya parang ikaw," sagot niya.

Ngumisi ako. Parang ako? Ha! Nainis talaga ako sa sinabi niyang iyon.

"Kung ganoon, sino ang mas lamang sa aming dalawa?" Di ko na napigilang itanong iyon.

Nagulat siya sa biglang tanong kong iyon. "Tinatanong pa ba iyan? Siyempre, ikaw. Mas lamang ka kasi bestfriend kita."

Napatigil ako sa paglalakad. Dapat masaya ako kasi ako ang pinili niya diba? Ako ang mas lamang. Pero bakit ganun? Bakit kabaligtaran niyon ang nararamdaman ko?

The Lady In Stripes (Short Story) (EDITING)Where stories live. Discover now